"Lead...You don't need to lie. Tell us what's your problem. Promise we will help...We're here for you lead..remember that" Nag aalalang sabi ni Celline. Bumuntong hinga ako at saka umiling.

'I'm okay, don't worry' pakikipag telepath ko sakanila.

'Are you sure queen?' Berniz.

'Yeah....let's go' Ako at nauna ng maglakad.

"Lead di ka ba muna kakain? Baka mapano ka niyan" Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Celline bagkos ay nagtuloy tuloy lang ako sa paglakad. Naramdaman ko naman ang presensiya nilang tatlo kaya alam kong sumusunod sila saakin.

'Hayyy nako. Kahit kailan talaga si queen ang kulit! Bakit ayaw niyang kumain? Di ba siya masaya na makakabalik na kami sa pinanggalingan namin? Ayy naku naman!!' Yan ang nabasa ko sa isip ni Berniz.

'No. I'm happy....' telepath ko sakaniya.

'K sabi mo eii' Berniz.

Nagtuloy tuloy nalang kami sa paglalakad hanggang makarating sa garahe. Pumasok kami sa isa naming kotse at agad iyong pinaharurot ni Marianne patungong University.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pagkapark ni Marianne sa parking lot nitong University ay agad agad na kaming lumabas sa kotse namin.

Pagkalabas na pagkalabas namin ay bumungad nanaman saamin ang nakapalibot na mga estudyante. Naiinis na talaga ako sakanila! Hindi ba sila nagsasawa na araw-araw ay nandiyan sila para lang pagbulungan kami kahit rinig na rinig naman namin.

At dahil hindi na ako makatiis, tatawagan ko na si Ms. Bianca. Ang dean dito sa paaralang ito para paalisin ang mga estudyanteng ito. Pumasok muna ako sa kotse para hindi marinig ng mga estudyante ang pag uusapan namin ni dean. Sumunod din saakin sila Marianne.

Dinial ko na ang number ni Miss Bianca at niloud speaker ko ito.

Hindi nagtagal ay sinagot niya narin ang tawag....

("Lady Rixilayn....Napatawag po kayo") Magalang na saad nito.

"Miss Bianca pakiusap naman ohhh...paalisin niyo na ang mga estudyanteng naka palibot dito sa parking lot. At kung maari wag ng mauulit toh pakiusap. Sawa na ako sa halo-halong mukha nila. Pati mga bulungan" Biglang sabi ni Celline. Kaya sinamaan ko siya ng tingin dahil inunahan niya pa talaga akong magsalita. Edi dapat siya nalang ang tumawag. Tss..

("Masusunod po Lady Celline....Patawad po") Miss Bianca..

"Naku naman miss Bianca maraming salamat po.." Berniz.

("You're welcom po Lady Berniz....Pangako po hindi na ito mauulit") Sabi ulit ni Miss Bianca..

"Good" Maikling sabi naman ni Marianne..

Pinatay ko ang tawag ng marahas at tinignan sila ng masama. Kaya yung dalawa ay nag peace sign at si Marianne naman ay lumunok at tumingin sa harap.

Ugh!! dapat pala sila nalang ang tumawag!!! Sila lang naman pala ang magsasalita eh!! di muna ako pinagsalita bago sila!!! hayyysss...

Bumaba na kami kasabay ng pagtunog ng speaker dito..

'To all students in this University....I command all of you to stay away from the four girls in the parking lot. If you not do what i want, you will have a punishment. That's all thank you'

At dahil doon ay nagsialisan ang mga estudyanteng nakapalibot sa amin.

"Hayy salamat naman...." Ginhawang sabi ni Berniz.

Nagumpisa na kaming maglakad papuntang room.
.
.
.
.
Nang makarating kami, ay ang gulo nanaman nila. Hindi nila kami napansin kaya di parin sila tumatahimik. May nagbabatuhan ng notebook, may naghahabulan, may nagtatawanan at may nagchi-chismisan.

The Long Lost Powerful Princess was the Gangster and Mafia Heiress Where stories live. Discover now