"Ang ganda mo mag smile tita nami" halatang magiging babaerong magaling mambola to si cj ah.

Ilang minuto lang ay naka rating na kami sa school kaya hinatid ko na si cj sa room niya

Pagkahatid ko sakanya ay umalis agad ako, Nakakatuwa si cj kasi kahit grade 1 palang siya ay hindi na siya naghahabol at umiiyak.

"Nanamiii!!" napatingin ako sa likod ko nang may sumigaw sa pangalan ko

"Breil?" takhang tanong ko dito

"Sabi ko na nga ba ikaw yung nakita ko, Goodafternoon" bati niya sakin.

"Pauwi ka na?" tumango lang ako dito at nag lakad na palabas ng gate

Nagaabang na ulit ako ng jeep pauwi samin, siya naman hindi ko alam kung anong hinihintay niya dito dahil sa pag kakaalam ko iba na ang daan niya pag dating dito

"Kain muna tayo sa labas?" umiling lang ako dito habang patuloy na nag aantay sa jeep "Libre ko" dugtong pa niya

akala niya ba mauuto niya ako sa libre niya? saan ba?

"Saan?" tanong ko dito

"Anong gusto mo?" nag isip naman ako ng gusto ko. Dahil tanghali na gusto ko mag malamig

"Kahit saan basta malamig" sabi ko lang dito, ngumiti naman siya at tumango tsaka nag lakad kaya naman sinundan ko na siya.

hindi ako uto uto, bawal lang tanggihan ang grasya

"Buti nakita kita, naboboring ako sa bahay e" pag sasabi niya na hindi ko naman pinapansin

"Mag restaurant nalang tayo" tumango nalang ako sa sinasabi niya, libre niya naman kaya wag na tayo maging pihikan sa gusto niya.huminto kami sa isang gilid kung saan may nakaradanag kotse, bakit nakaharang to?

Binuksan ni breil and Shotgun seat tsaka ako pina pasok sa loob, siya naman ay umikot atsaka sumakay na sa driver seat.

"Bakit nakaharang to dito?" tinawanan niya lang ako kahit na napaka seryoso ng tanong ko sakanya

may parking lot naman sa loob ng school bakit dito to nag park? masasabi kong di lang siya tanga, siraulo pa.

"Seatbelt" pag papaalala niya kaya sinuot ko na ang seatbelt ko.

umalis rin naman kami kaagad kaya binuksan ko ang phone ko para mag paalam kay rita na kakain muna ako sa labas

"Anong gusto mong restaurant? " tanong nito sakin

"Kahit ano" sagot sakin nito kaya tumango langs iya at nag drive.

Sumandal lang ako sa bintana habang pinapanood ang mga sasakyan na mabilis nag lalampasan

"Japanese restaurant nalang tayo" tumango naman ako sa gusto niya, gusto ko rin naman don

kinse minuto lang ata ang lumipas andito na agad kami, Lumabas na ako ng kotse ganon rin naman siya tsaka kami sabay pumasok sa restaurant

Pagkapasok namin ay inassist kami ng isang staff papunta sa table na pag uupuan namin, Tinanong pa alo ni breil kung anong oorderin ko sabi ko siya na bahala kaya umorder nalang siya

"Bakit di ka mag kotse papuntang school?" tanong ko dito kasi kanmay kotse naman pala siya pero di siya nag kokotse para mapadali buhay niya

"Wala lang" sagot niya sakin kaya tumango nalang ako

Ilang minuto lang ang hinintay namin dumating na ang mga ito, gusto ko siyang tanungin kung bakit ang dami, may fiesta ba?

"lets eat" tumango lang ako tsaka palihim nag dasal, Linantakan ko ka agad ang pag kain na nasa mesa ganon rin naman siya

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Friendship we madeWhere stories live. Discover now