Wag kang maingay

Magsimula sa umpisa
                                    

Habang naglalakad ako sa mahabang pasilyo. Ang tahimik! nakakabingi!!! Hindi naman ako nakakaramdam ng takot. Di ko lang maiwasang di magtaka.

Wala kang maririnig. Ni ang elevator sa oras na ito ay hindi na pinagagamit ayon kay ate sa reception area.

Pero bakit?

No choice tuloy ako kundi ang mano-manong umakyat gamit ang hagdan. Pinatatanggal nga sakin ni ate yung sapatos ko kung may takong daw ito. Good thing at wala pero susko!!! Grabe pati takong di pwede!? Kakaiba na ito ha.... Nakarating ako sa room ko. Binuksan ko ang ilaw. Sinubukan ko rin na magbukas ng tv.

'NO SIGNAL'

Siguro tinanggal nila ang signal. Bakit ganun!? Una sinaway ako nung receptionist ba tawag dun? Na wag daw ako magsasalita. Sunod pati sapatos na may takong bawal. Ngayon pati T.V!? Grabe pati ba tunog ng tv makaka-abala? Parang ang ingay ng tv ha.

Dahil sa wala akong magawa, natulog na lang ako.

Lumipas ang apat na araw napapagabi rin ako ng uwi. Kaya naman laging ganung set-up ang nadadatnan ko. Walang elevator na gumagana, walang tv, walang maingay. Pero ngayong gabi, may naririnig akong nag-gigitara. Medyo malakas, kasi nasa loob na ko ng kwarto ko subalit, rinig ko pa rin ang ingay na nagmumula sa kabilang kwarto.

Bakit sya pwede mag-ingay? Napa-buntong-hininga na lang ako. Hay... minsan talaga ang tao hindi patas. Iikutin ko na sana ang seradura ng bigla na lang parang may nahulog mula sa kabilang kwarto.

*Tweeng*

(Sfx ng nahulog na electric guitar.)

Anong nangyari??? Bakit parang may nahulog???

Lumapit ako sa pader at nilapat ang aking tenga dito. Baka sakaling marinig ko ng malinaw. May naririnig akong tunog mula sa walkie talkie. Pinakikinggan ko lang ang mga nangyayari pati ang ingay mula sa radyo ng biglang...

*BLAG*

Napa-atras ako mula sa pagkaka-dikit ko sa pader. Napa-upo din ako. Hinawakan ko ang dibdib ko ang lakas ng tibok ng puso ko.

Ano yun!? Anong nangyayari sa kabilang kwarto!?

Biglang may kumalabog sa pader. Parang isang mabigat na bagay ang binato dun mismo sa place kung san naka-dikit ang tenga ko kanina.

"Hinde!!!! AAAHHH WAG!!! HIIINNNDDEE!!! PAKI-USAP!!! WAG!!! WAG!!!"

SHIT!!!

Anong nangyayare sa kwartong yun? Dapat may gawin ako. Tumayo ako at tumakbo palabas.

*Blag*blag*Blag*

Kinakalampag ko na ang pintuan nya para pagbuksan lang ako.

"Buksan mo to!!! Buksan mo to!!!"

Pagmamakaawa ko sa taong nasa loob na buksan ang kwarto.

"Wag!!! Wag!!! Maawa ka!!! Wag kang lalapit!!! Waaaahukakkakakak"

Yun ang mga sumunod na narinig ko mula sa pinto. Tas tunog na parang may napunit na kung ano sa loob. At wala na kong narinig na sigaw mula sa loob ng kwarto.

A-ano yun!? A-anong nasa loob!? Halimaw ba yun!?

Napa-atras ako at napatingin ako sa baba. Kitang-kita ng dalawa kong mata ang paggapang ng dugo mula sa siwang sa ilalim ng pinto.

'Wag Kang MaingayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon