Chapter 32

1.6K 21 1
                                    


I woke up because of the smell of food, when I touched the bed Aeris wasn't here kaya napabalikwas ako kaagad. I immediately went out and saw her in the kitchen talking to someone.

"Pursue her daddy, I will be happy if mommy and you will comeback together!"

"Yes baby, I will pursue your mommy, that's our secret, okay?"

Nakita kong tumango si Aeris sa kanya, hinalikan pa ni Joaquin ang noo ni Aeris. Nakabihis na ito ng pang school at korean style ang uniform nila, nakaupo siya doon sa counter top at halatang hinihintay nalang ang breakfast.

I slowly approached them pretending not to hear what they were talking about, Joaquin also turned to me and smiled slightly.

Bigla ko tuloy naalala ang kagabi, shit! Bakit ko ginawa iyon?

"Mommy" nabalik lang ako sa reyalidad ng tawagin ako ni Aeris, takang taka rin ang mukha niya na nakatingin ngayon sa akin.

"Breakfast is ready na po" I nodded to her and sat down, Joaquin was still wearing pajamas and a white shirt, he looked like he had taken a shower already, while I'm here just woke up and I don't know what I look like.

"Coffee?" Alok ni Joaquin sa akin, nilingon ko siya. Bakit ba nandito siya? Wala ba siyang trabaho?

"Uh, dark coffee ah tapangan mo ng kaunti" sagot ko, tumango naman ito sa akin, maya maya ay inilapag na niya sa akin itong baso na naglalaman ng kape, nagpasalamat naman ako tsaka na rin siya umupo sa tabi ko kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"What?" Taka niyang tanong

"Binigyan ba kita ng permiso para tumabi sa akin?" Taas kilay ko sa kanyang tanong, ngumisi siya tsaka lumipat sa tabi ni Aeris.

"Nagbabakasakali lang"

Rinig kong sambit niya, umirap naman ako tsaka nalang uminom sa baso ng coffee para takpan ang ngiti ko sa hindi ko malamang dahilan.

Siya rin naghugas ng pinagkainan namin, at naghatid kay Aeris sa skuwelahan, kaya nagtaka ako, anong nakain non?

Paalis na dapat ako ng bumalik siya dito sa unit ko, naka black naman siyang polo shirt ngayon at naka tuck in ulit sa slacks.

"May kailangan ka pa?" Tanong ko kaagad

"Ihahatid din kita"

"Ha? Kaya ko naman ang sarili ko"

"No, ako na maghahatid sayo"

"Ako na, I can manage my self Joaquin"

"Please..."

Kumunot ang noo ko sa kanya dahil doon, nagmamakaawa siyang tumingin sa akin kaya huminga nalang ako ng malalim tsaka tumango, ang hirap niyang tanggihan!

"What time ka uuwi?" Tanong niya kaya natigilan ako.

"I don't know, around 7 or 8? maybe" tumango naman siya, chinecheck ko lang yung email ko, habang siya ay tahimik lang din na nagmamaneho.

Nang makarating kami dito ay nag ayos lang ako sandali tsaka na nagtanggal ng seatbelt, hinarap ko muna siya na nakatingin sa akin ngayon.

"If maaga ang out mo mamaya, pakisundo nalang si Aeris" sambit ko tumango naman ito kaya tumango na rin ako sa kanya.

"Thankyou, ingat" bumaba na ako pagkasabi ko nun, hindi pa siya umalis hangga't hindi ako nakakapasok sa loob, huminto muna ako para silipin kung naka alis na ba siya. Tumuloy na rin ako sa loob ng makitang umalis na siya.

A Sin That We Both GuiltyWhere stories live. Discover now