"Tagal mo namang gumising, Zb!" bungad ni Ester.

Pupungay pungay pa akong bumangon sa kama dahil sakanya.

"Ano ba! Ang aga-aga, Ester!" bulyaw ko sakanya.

"Anong maaga? Alas nuebe na Madame! Por favor, kung hindi ko pa hahawiin ang kurtina hindi ka pa magigising. 'O, siya kumain ka na. Engot ka, iinom ka pa ng gamot mo, uy!" balik niya saakin.

Gusto ko pa sanang makilag sagutan sakanya pero tama naman siya. Kunti nalang lalagpas na ako sa almusal at baka hindi ko na mainom ang gamot.

"Parang ang ganda ata natin ngayon, ah. May ganap ba?" panunukso ni Ester. "Parang gusto ko na tuloy magpa ospital." hagikgik niya.

Is she really that crazy?

"Anong maganda?" taka ko naman siyang binalingan.

Nagkibit balikat lamang siya bago sumagot. "Wala lang. Ang gwapo pala nong isang doctor dito. Hihihi" parang kinikilig na aniya.

Puno naman ng kuryusidad ko siyang tinignan habang siya naman ay inaayos yung siguro mga dala niya papunta rito.

"Anong...Sinong doctor na sinasabi mo?" tanong ko.

Tumigil siya sa ginagawa niya at lumingon saakin. Pagkatapos ay kaagad naman siyang lumapit saakin para hampasin ang balikat ko. Hindi naman siya malakas pero sapat na para mapa-igik ako ng kaunti.

"Ano ba! Masakit!" reklamo ko.

"Kinikilig kasi ako!" parang tanga na sabi niya. "Ewan! 'Di ko alam yung name niya pero Reyes yung apilyedo niya base sa name tag niya.." sabay impit niya ng tawa.

"Siya ata ang prinsipe ng ospital hihihihi."

The hell?

Gago. Yung abnoy na yun?!

"Anyway-" naputol ang sanang sasabihin ng tumunog ang cellphone niya. Mukhang may tumatawag. Nang kunin niya ito para tignan kung sino ang tumatawag, kaagad ay nanlaki ang mga mata niya.

"Oh shoot! Wait lang, ha? Sagutin ko lang 'to. Kumain ka na." bilin niya na kaagad ko namang tinanguan bago siya kaagad na nagtungo sa may pintuan upang lumabas at doon kausapin ang kung sino man ang tumawag sakanya.

At habang nasa labas pa si Ester ginawa ko na ang dapat gawin. Kinuha ko ang mga pagkain na inihanda i Ester sa may mini table na katabi lang ng kama ko at tyaka naman kumain. Halos hindi pa ako nakaka ilan ng subo ng bumukas ang pintuan at bumungad saakin ay si Ester.


"May surprise pala ako sayo!" excited niyang sabi habang nasa may pintuan pa rin at hindi umaalis.

Naibaba ko ang kutsara at tinidor para lang tignan siya ng puno ng pagtataka.

"Wait.." sabi niya sabay hawak sa niya sa door knob at sa pagpihit niya nito, my mouth slightly opened when I saw the ones who entered in my room.

"Surprise!"

I slightly opened my mouth becauss of what I'm seing now. I can't help but to shed tears.

Yuki. Ara. Oh God I miss them so much!

Nakasakay si Yuki sa welchair habang nasa likod naman nito si Ara na siyang nagtutulak sa welchair.


"Ara! Yuki!" excited kong batia sa kanila. Dahan dahan ay bumaba ako sa kama at dali daling lumapit sakanila upang yakapin.


"Dahan dahan at baka matumba ka, Zb! Jusko!" rinig kong suway saakin ni Ester.

Pero imbes na pakinggan ang sinabi ay sinuway ko lamang ito at nag deri - deretso papunta kila Ara at Yuki.

Back To The Ocean [ EDITING ]Where stories live. Discover now