kung kinakailangan na hanapin ko sya sa buong mundo ay gagawin ko, ngayong panahon ang para sa amin hindi sa ibang panahon pa. ipipilit ko!

"hindi Mon, babalik sya. Uuwi sya, aalagaan ko pa sya, mamahalin ko pa, pag sisilbihan ko pa, marami pa akong gustong patunayan sa kanya kung gaano ko sya kamahal, patutunayan ko pa sa kanya na kamahal mahal sya." habang sinasabi kay Mon ang mga salitang yun ay unti unti na naman na dumadaloy sa mga pisngi ko ang luha na galing sa mga mata ko.

umaasa sa pag-asa na sana bumalik sya kahit alam ko na malabo na

pinangako ko sa sarili ko na magiintay ako kahit gaano katagal.

"I'm sorry." sabi ni Mon sa kabilang linya, ayoko nang usapan namin kaya pinatay ko na ang tawag

dumarecho na lang ako sa kitchen nang office ko para uminom nang tubig

masakit

ayokong isipin ang mga napag usapan namin ni Mon kanina dahil nawawalan ako nang pag-asa pero tama naman sya, yun din naman ang naisip ko una pa lang pero paano kung tama ako na susunod si Justine kay Maice, pero kailan?

hindi ako makapag concentrate sa ginagawa ko, may need pa naman akong tapusin ngayon.

agad kong binuksan ang laptop ko, nangtungo sa folder kung saan nakatago doon ang mga picture namin ni Justine sa Thunderbird nung mga college pa kami

she's so gorgeous, indeed.

ang mga ngiti nya ay parang bang humahaplos sa aking puso

ang mga bawat titig nya ay para bang isang salita na nagsasabi na "mahal kita"

ang mga yakap nya ay tila ba ramdam ko pa

"Craye." napatingin ako sa tumawag sa akin, tsss it's Veron isa ding arkitekto na lagi na lang nakikipag kompitensya sa akin

"please Veron, knock before you enter." inis na sabi ko sa kanya, agad ko naman inayos ang aking sarili at tiniklop ang laptop ko.

"late kana naman, wow! yung project natin hindi na matapos tapos. pinasa ko na sa gmail yung draft ko ikaw na lang ang iniintay ni Sir." sabi nya sa akin tyaka sya umalis

Veron, as always.

napatawa ako sa kanya, lagi syang ganyan susugod sa office ko para lang magalit sakin

"Carol." tawag ko sa secretary ko

"yes po, archi?"

"may period ba lagi si Veron? kada na lang kasi papasok yun sa office ko parang laging tigre." natatawa kong tanong kay Carol

"aba ewan ko ba don, pag naman mag papaalam sakin na papasok sa office nyo mabait naman sya pero pag lumalabas akala mo menopause na." natatawa ding komento ni Carol

"hummm baka naman kasi crush ka non, kasi look ang bait sayo. pampam lang ganon, kunwari may sasabihin sakin." pangti-tease ko kay Carol

"no way Archi. hindi ako napatol sa menopausal tiger." sabi ni Carol na tatawa tawa

natawa na din ako sa sinabi ni Carol sa tawag nya kay Veron

"sige Archi, bye. tawagin nyo na lang po ako pag may need na kayo." sabi ni Carol tyaka sya lumabas sa office ko

iwinaski ko muna sa isip ko si Justine, kailangan ko din mag focus sa work ko for our future.

kailangan ko pang sipagan para sa baby ko.

agad ko namang binuksan ang desktop at chineck ang email ni Veron, tama nga napasa nya na yung draft nya so yung sakin na lang talaga yung iniintay

habang nakatingin sa draft ko ay biglang nag pop ang email ko, it's Veron again.

"hahaha. mabuti naman at nag ttrabaho kana." email ni Veron sa akin

"oo naman no, kasi may kailangan akong pagipunan para sa future." reply ko, wala ako sa mood makipag asaran sa katarayan nya

umbagan ko tong babaeng to ehh. hahaha

"ge bye." reply nya naman

hindi na ko nag reply pa, si Veron parang timang. hahaha

gets mo yung susugudin ka para may sabihin pero hindi pa tapos ang usapan lalayasan kana tapos sa email ganon din ehh sya naman tong unang nag email

napa-iling na lang ako sa attitude ni Veron, muli nag focus na lang ako ulit sa trabaho

siguro naman as of now, kung asan man ang baby ko ngayon sana okay sya at nakakain sya nang maayos.

-----------

hello hello

ang sipag ko mag ud dito sa once in a lifetime. hahaha. Glimpse, anek na? 😅😅😅

vote and comments blooms 🥰🥰

halika, tara na 🎶🎶

ONCE IN A LIFETIME (PART II)Where stories live. Discover now