"Aysus binata na si Lori!" Asar ni Kuya Clayton at tumawa naman itong katabi nya. "Dalaga ako. Maka binata ka naman. Ka offend ha!" Inis kong sabi sa kanila at umirap sa hangin.

"Pikon ay!" Asar ni Jian. Kala mo hindi na kita tatawaging Kuya. "Eh Ikaw nga bading eh!" Asar ko sa kanya at hinampas sa braso.

"Aba may dalaga pala tayo!" Sabat ni Kuya Alejandro kahit naka talikod. Napatawa naman ako ng malakas. "Paepal!" Pinitik ako nitong katabi ko.

"Tama yan Kuya Alejandro!" Saad ko sa kanya at mahinang hinampas ang balikat nya.

"Wag nyong ganyanin ang baby girl ko!" Asar ni Kuya Clayton kay Jian. Napa irap naman itong katabi ko. Oh ano ka ngayon?

Natigil na nga ang asaran namin dahil naka rating na kami sa palengke. Mag kaka pareho kami ng bibilin pero sari-sarili pa ang listahan o diba. Tinawag ako ni Kuya Alejandro at inabot sa akin yung listahan nya.

"Kung ano nasa listahan mo doblehin mo yung kuha para kasama na yung amin!" Saad nito tumango naman yung dalawa. Luh? Nautusan pa nga!

"Don't worry, Ikaw ang bibili kami ang mag bubuhat!" Singit ni Kuya Clayton. Tumango naman yung dalawa. Okay! Nilahad ko naman yung kamay ko.

"Ano yan?" Tanong ni Jian. "Abay yung pambili?" Sakto lang kaya itong pera na inabot ni Mama.

"Ay kala naman namin kung ano!" Pag ka tapos ay inabot nila sa akin yung tag 4k nila. Itakbo ko na kaya ito? Joke

Una naming pinuntahan ay yung bilihan ng mga Karne/isda ganon. Ito kase yung nasa listahan.

Mga bibilin.
— Bangus - Tilapia - Galunggong - Hipon - Crabs - Pusit - Dilis - Boneless na isda.
— 3kilo ng Manok at ng baboy
- hindi ko na iisa-isahin yung bibilin mo mahirap mag sulat. Basta bumili ka ng Sangkap pang nilaga, tinola, pang sigang, at pang adobo.

Ayan yung naka sulat sa papel. Pero yung naka sulat sa papel ng mga pinsan ko ay literal na sangkap ng mga bibilin nila. Tapos yung akin parang galit pa ang sulat. Tamad talaga mag sulat ni Mama. Joke

Sinunod na nga namin ang mga bibilin. Bumili kami ng mga naka sulat sa listahan. Isa na nga lang ang pupuntahan namin sa bilihan nang mga itlog. Wala naman naka sulat pero sabi nila eh pang emergency raw ang itlog kaya bumili na raw kami. Sila naman ang mag dadala kaya okay!

"Oh AL kunin mo toh!" Inabot ni Kuya Clayton yung bitbit nyang isda kay Kuya Alejandro. "Bigat!" Reklamo nito paano ba naman ay nasa kanya na ang manok eh ilang kilo yung manok ang rami. Habang itong si Jian ay nakikipag laban sa mga crabs na dala nya.

At ako eto dala ko yung Dilis at Hipon. "Kaya mo pa Kuya Al?" Tanong ko. Tumingin naman ito at tumango.

"Boss tatlong tray na itlog po!" Pag lapit ni Kuya Clayton sa tindero. "Tulad ho ng dati boss, 1,080" Saad nung Tindero pag abot ng itlog. Kung ako sayo Kuyang tindero literal na tatlong tray ang iaabot ko. Joke

Pag ka kuha nga ni Kuya sa itlog ay aayain ko na sana sina Kuya AL ang kaso nauna na pala sila sa Kotse. Nangawit na siguro at Hindi na kami hinantay pero bakit hindi ako tinawag!

"Nandito na pala kayo. Hindi nyo ako hinantay!" Reklamo ko sa dalawa nang makitang inaayos na nila yung mga pinamili sa likod ng sasakyan.

"Ang bigat kaya ng dala namin!" Sabi ni Jian habang inaayos yung mga crabs.

"Sorry naman dong!" Saad ko sa kanya. "Palibhasa Dilis at Hipon lang ang dala mo eh!" Habol nya pa at kunwareng galit.

"Baka mag away pa kayo nyan." Singit ni Kuya AL.

"Bilisan nyo naman kokotongan ko kayo eh. Nangangawit na ako dito oh!" Bulyaw sa amin ni Kuya Clayton mula sa likod namin. Andyan ka pala. Kaagad naman kaming gumilid tatlo at pinaraan sya para mailagay yung itlog.

I'm Lori, I'm Lori too. Donde viven las historias. Descúbrelo ahora