Chapter Seven

Magsimula sa umpisa
                                    

Sinundan ko yung kotseng sinakyan nya and to my surprise, huminto ito sa mismong pupuntahan ko. Tsk, why am I even surprised? Syempre, pinsan sya ni Gail, siguro si Gail na nag-imbita sa kanya.

I parked immediately sa parking space na reserved saken. Dali-dali akong bumaba para lapitan sya. Nakita ko syang kinunan ng litrato ng mangilan-ngilang press na nasa labas ng venue. She looked so stunning. Mas mukha pa'ng sya yung ie-engage ngayon kesa sa Roxanne na yun.

"Anne?" I called her.

Her eyes widened the moment she saw me. Para ba'ng hindi nya alam na pupunta ako dito at magkikita kami.

"H-hey.." she mumbled.

"Are you with Gail?" I asked.

"No.. Uh.. I have to go.." yun lang at dali-dali na syang pumasok.

ROXANNE'S POV

"Tadaa!" sabi ni Christine sabay wave ng kamay nya bilang hudyat na tapos na ang buhok ko.

I looked at the mirror and I saw the supposed-to-be me. Yung Roxanne na mukhang ready and excited sa engagement nya. Yung Roxanne na mukhang hindi nanginginig sa kaba. Yung Roxanne na parang ikakasal sa taon mahal sya. Pero hindi, this make up and cover up will never conceal how I feel right now.

"Ok na po ba miss?" tanong ni Tresha.

"Y-yes, wow!" I smiled.

"Salamat naman po at nagustuhan nyo miss." sabi ni Christine sabay lagay ng tiara hairband sa ulo ko. "Sige ho miss Roxanne, lalabas na po kami.."

"Congrats ma'am! For sure, lalong mai-inlove yung fiance nyo sa inyo" sabay ngiti ni Tresha saken. Yun lang at lumabas na sila.

In love? How I wish. Pero, I firmly believe na for him, walang love na involved dito. I shook my head and started to remove my bath robe. I wore my new white long gown na pinagawa pa ni tita Elizabeth sa isang sikat na fashion designer sa London. Simple lang ang design nito pero fully beaded with Swarovski crystals. Hipit ito sa katawan kaya visible ang hubog ng katawan ko. I also wore my new set of black diamond jewelries na regalo ni daddy from which compliments my white dress. Hindi ko na sinuot ang singsing na kasama nito kase magsusuot lang din naman ako ng singsing mamaya. I sighed at the thought.

Pagkatapos kong nagbihis, lumabas na ako ng kwarto ang headed to the living room para sa konting retouch.

"Ang ganda-ganda mo, hija.." nakangiting sabi ni Tita Elizabeth.

"Thank you, Tita.. Thank you talaga for everything!" I kissed her on the cheeks. Parang mommy ko na rin si Tita Elizabeth kaya sigurado akong may matatakbuhan ako sa oras na may mangyaring makakasakit sa akin.

"Ilang beses mo bang kailangan mag-thank you?" She laughed a little. "Sige hija.. Ma-una na ako. Nandun na rin si Gail sa venue."

"Sige po tita.." I gave her a peck on the cheek.

Nilabas ng make-up artist yung pangretouch nya at inayusan ako ng konti.

"Perf!" Tresha exclaimed. "Congrats again ma'am!"

Ngumiti ako at lumabas na ng bahay.

"Tara na hija?" tanong ni manong.

"Sige po.." pagkatapos sumakay na ako sa likod ng kotse

Habang papunta kami sa venue, as usual, lutang na naman ako. Grabe ang kabog ng dibdib ko, halos lumuwa na nga ang puso ko sa lakas ng kabog nito. Tulala lang ako sa buong biyahe.

Nagtaka ako nang biglang huminto si manong.

"Manong? Bakit po tayo huminto?" I politely asked.

"Stop light pa hija.. Naka-tulala ka yata."

I looked at the traffic light. "Ay, naku." I laughed. "Tatanga-tanga na naman ako. Kinakabahan lang po manong."

"Natural lang yan. Isipin mo nalang kung gaano ka kaganda ngayon para mabawasan ang kaba mo.." he said in a comforting tone.

"Salamat po manong." I smiled

Patuloy sa pagda-drive si manong nang mag-green yung traffic light. Kinu-kwentuhan nya lang ako ng kung ano-ano kaya naman medyo nawala yung kaba ko kahit papano.

"Hija, ang gandang kotse naman nyang nakasunod sa atin." Sabi nya habang nakatingin sa side mirror.

"Oo nga ho manong, noh? Kanino kaya yan?"

"Baka bisita nyo hija. Papunta din sya sa direksyon kung saan tayo papunta eh."

"Siguro nga po manong."

"Hindi naman nakapagtataka na may bisita kayong ganyan ka-sosyal. Mas magtataka ako kung may pupunta dun na nag-commute." he said in a funny tone.

Sabay kaming humagalpak ng tawa. Hay, iba talaga kausap 'tong si manong. Walang kupas! Mula bata ako hanggang ngayon, siya parin yung nakapagtatanggal ng kaba ko. Pero, ibang kaba 'to ngayon. Hindi ito yung klase ng kaba na naramdaman ko dati dahil made-defend ng thesis o magpapasa ng report. Itong kaba'ng 'to ay dahil sa isang bagay na magbabago ng buhay ko.

After a short while, manong pulled the break. "Nandito na tayo hija. Bababa ka na ba?"

I smiled. "Sige po manong."

Na-una syang bumaba para pagbuksan ako ng pinto. And as expected, wala masyadong press sa labas kase for sure, nasa loob na yung karamihan. May mga kumuha ng litrato kaya ngumiti ako sa kabila ng kaba na nararamdaman ko.

I was about to enter the venue ng biglang..

"Anne?" someone somewhere called me.

My eyes widened and my heart trembled the moment I saw him..

"Christopher..." I thought

"H-hey.." yun lang ang nasabi ko.

"Are you with Gail?" he asked.

"No.. Uh.. I have to go.." at dali-dali na akong pumasok ng hindi lumilingon

--------------------------

THE LONG WAIT IS FINALLY OVER MY LOVELY READERS!
Mapapatawad nyo pa ba ako? Ang hirap lang kase wala akong magamit na gadget sa pag-U-UD :( Kase yung only gadget na ginagamit ko sa pag a-update which is my phone ay nasira po. :( Opo. Buti nalang, naayos na po yung laptop na pina-reformat ko kaya may magagamit na po ako.
Naisipan ko pong ihinto nalang itong pagsusulat pero after reading your messages and comments, i thought NO! Hell no, I will continue this kahit dalasan ko ang pagpunta sa Mcdo para maki-wifi. (Hahahahaha, yes. Nasa Mcdo po ako habang sinusulat 'to.)

I cannot promise pero I will try my best na dalasan yung pag-U-UD ko.
Sana po nagustuhan nyo yung UD ko. :))
At bilang pagbawi po sa lapses ko, pwede nyo po akong i-PM for some suggestions kung ano ang gusto nyong maging flow nitong storyang 'to.
GOD SPEED~

All the love,

Marie ❤️

Married to a Sex Addict (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon