"Guys sino sa inyo si Lori?" Sigaw nung babae agad naman akong tumayo. Dahil hindi umimik yung mga kaklase ko dahil hindi naman nila ako kilala eh.

"I'm Lori " Saad ko at tangkang lalakad napara lumapit sa babae ng may mag salita sa likod ko.

" I'm Lori too " Saad nito kaya napa tingin ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay.

"Sinong Lori ba hanap mo girl?" Tanong nung kaklase kong babae yung naka upo sa malapit sa pinto.

"Ah walang sinabi eh kung anong gender!" Sagot nito at kumamot sa ulo nya.

"Lori boy at Lori girl sumama kayo pareho" Saad nito. "Kayo naman mag si tahimik kayo!" Sigaw nito sa mga kaklase namin. Kaya napa tango naman ang mga ito.

Lumakad na ako papunta dun sa babae naramdaman ko na may nakasunod sa akin. Si Lori #2 siguro. Malamang.

Habang nag lalakad kami ay tinanong ko yung babae. Kung saan ba pupunta at ano bang meron.

"Saan ba pupunta?" Tanong ko rito.

"Sa Principal office" Sagot nito. Ano nanaman kayang pakulo ni Jian.

Nakarating kami sa Principal office at pag pasok ko palang ay Uyy ang lamig. Joke. May dalawang lalaki na naka upo sa gilid. Yung isa may pasa sa noo yung isa nadugo yung nguso. Iww.

"Bakit dalawa sila?" Tanong nung Principal. Bakit wala si Jian dito?

"Eh Ma'am dalawa silang Lori eh" Sagot nitong babaeng tumawag sa amin. "Upo kayo!" Saad nito sa amin ni Lori the 2nd.

"Ah ano po bang problema?" Tanong ko sa Principal at itong katabi ko naman ay tahimik lang. Para bang alam nya na toh.

"Anong pangalan mo ija?" Tanong sa 'kin ng Principal. Sasagot sana ako kaso sumagot na yung girl na nag sama sa amin dito.

"Lori din po name nya Ma'am." Saad nitong babae.

"Ikaw naman Thea alam mong suntukan ang issue bakit sinama mo pa itong si Lori girl!" "Obvious naman na itong Lori boy ang may gawa nyan sa kanila." Saad ng Principal sa babaeng nag dala sa 'min dito. Luhh kaya ko rin makipag suntukan.

"Ma'am malay ko ba kase" Saad nito at kumamot.

"Ma'am Principal. Kaya ko rin ho paduguin nguso at noo ng mga yan. Don't underestimate me!" Singit ko sa usapan nila at napa taas naman ang kilay ni Ma'am Principal. Habang itong dalawang lalaki sa harap namin ay natawa. At itong katabi ko tahimik lang. si Mark kaba?

"Sinong Adviser nyo!" Galit na sigaw ni Ma'am Principal. Sanay na po ako sa ganyan.

"Si Ms. Raule po, bakit?" Sagot ko sa kanya.

"Ipatawag mo si Ms. Raule nasa faculty sya ngayon." Saad ni Ma'am Principal.

Habang inaantay namin si Ms. Raule ay feeling ko dapat hindi ako sumama rito. Paano kung papuntahin guardian ko? Ayoko pa naman pinapapunta si Mama sa school Lalo na pag sa Principal office.

"Ano pong problema Mrs. Reyes?" Saad ni Ms. Raule pag pasok nya. At bigla napa tingin sa akin. Nginitian ko naman sya at nilakihan naman nya ako ng mata.

"Studyante mo raw ang dalawang ito!" Saad ni Ma'am Principal.

"Opo! ano po bang problema?" Tanong nito at lumapit sa likod namin. Wala na yung Thea?

"Lori" Saad ni Ms. Raule mula sa likod namin.

"Po" Sabay na sagot namin. Napa tingin naman ako sa katabi ko.

JIAN ARMANI

Papunta ako sa class room ng pinsan ko ngayon dahil iaabot ko sa kanya ang baon nya. Dahil hindi nya naman ako mapupuntahan sa room ko dahil hindi nya naman alam. Baka maligaw pa siya.

I'm Lori, I'm Lori too. Where stories live. Discover now