"Ms. Raule ito nga pala si Tita Beatriz Kapatid ni Mama" Saad nito. "Hello po Ma'am" Saad nitong teacher at nilahad ang kamay. "Hello Ms. Raule" Saad naman ni Mama at nakipag kamay. Okay guys.

"And Ms. Raule this girl is my cousin, Lori" Saad ni Jian. hehe cousin raw.

"Hello Ms. Lori" Bati nito sa akin at ngumiti. "Hello po Ms. Raule" Saad ko sa kanya at nginitian din sya. Akala ko yayakapin ako.

"Ah Ms. Beatriz. Bali ako po yung magiging adviser ni Lori" Saad nito kay Mama.

Lumayo muna ako onti dahil baka ma nose bleed ako sa usapan nila. Like blah blah blah ganon.

"Lori ready kana?" Tawag sa akin ni Ms. Raule. Bakit aano ba ako isasabak nyo ba ako sa Gera. Hala wag po. I'm scared. Hala Uyy English!

"Aano po?"

"Papasok kana ngayon. Ayos naman na lahat ng need mo eh"

"Ay wala pa ho akong gami—"
Naputol ang sasabihin ko dahil sa pinsan kong paepal.

"—May gamit kana" Saad nito at binato sa akin ang tote bag na may lamang 2 notebook na may design na power puff girl at pencil case na power puff girl din ang design. Nang iinis ba toh? Tumingin ako sa kanya at nakita ko na nangiti ito. Kung hindi lang kita pinsan nako pinatumba na kita.

"Oh Lori!Iwan nakita kay Jian at Ms. Raule ha" Saad ni Mama sa akin at bumulong. "Wag asal kanto!"

"Seryoso kayo Ma, Diba pwede bukas?"

"Hindi" Sabay sabay na sagot nila. Dami nyo namang Nanay ko. Oo na. "Sabi ko nga hehe, peace"


"Ms. Raule masungit ka ba?" Tanong ko kay Ms. Raule habang nag lalakad kami papunta sa Class Room.

"Bakit mo nasabi yan?Ano ba ang definition mo ng masungit?" Sagot nito sa akin at ngumiti.

"Si Jian ho yung definition ko ng masungit hehe" Mabilis kong sagot at tumingin sa paligid baka naka masid si Jian eh.

"Naku lagot ka ron"

"I'm not scared." Matapang kong sagot.

"Kaya ba nanginginig yang kamay mo?"

"Ms. Raule naman!" Saad ko rito.

Naka rating kami sa 2nd floor at grabe ang daming studyante. Malamang school toh eh.

Pumasok kami ni Ms. Raule sa class room at wala naman silang pake. Sinabihan pa ako ni Ms. Raule na mag pakilala pero tumanggi ako dahil nakakahiya. Tsaka diba pwedeng mag aral na lang wag na maki pag kilala? Mahirap kase lalo na at takot ako sa pag sasalita sa harap ng madaming tao.

"Have a seat Loribeth" Saad ni Ms. Raule at pina upo ako sa vacant seat sa gitna. Nananadya po ba kayo? Hala Uyy!

"Class may ipapasa lang ako sa office ha" Sigaw ni Ms. Raule sa amin.

"Go Ms."
"Okay Ma'am"

Sagot naman ng mga kaklase ko. Naks kaklase. "Dito ka muna ha, don't worry mabait sila." Sambit ni Ms. Raule sa akin.

Pag ka labas ni Ms. Raule ay kaagad na nag si paling ang mga bangkuan. Para bang grinupo nila ganon. Sa kanan mga babaeng nag iipitan ng buhok at yung iba nag me-make up pa. Sa kaliwa naman mga lalaking nag ce-cellphone yung iba ay naka dukdok. Meron pang nang iinis ng kaklase.

Tinignan ko na lang ang tote bag na binato sa 'kin ng pinsan ko kanina. Grabe wala man lang naka siksik na chocolate o kaya'y chitchirya. Hmm. Habang kinakalikot ko ang bag ko para  ma check kung wala ba talagang laman ay may babaeng sumilip sa pinto ng room. Kaya nabaling ang tingin ko sa kanya. Habang ang iba ay deadma lang.

I'm Lori, I'm Lori too. Where stories live. Discover now