Naligo na lang ako at nagbabad sa loob ng cr ng ilang oras hanggang sa naka isip na ako ng pupuntahan . Uuwi muna ako at makikipag bardagulan sa kanila . Ang iba sa kanila ay may asawa na . Nang makapag ayos na ako ay pumunta naman ako sa bilihan ng chocolate para sa mga pamangkin ko bahala silang sumakit ang ngipin.


********

Hindi ko maiwasan ang mapakunot ang noo dahil pinag titinginan ako ng mga taong nadadaanan ko. Naging successful kasi kaming lahat kaya naka ahon kami sa hirap . Buti nga di pa ako nademonyo eh .

" Mabuti at umuwi ka " aniya ng bunso kong kapatid .

" Bakit ayaw nyo na ba ako umuwi ah ? " tanong ko.

Nag silabasan naman mga pamangkin ko at dinumog ang dala ko grabe wala man lang bang i miss you . Napailing na lang ako  sa iniisip ko . Kailan ba nag karoon ng kasweetan sa katawan ang mga ito.

" Bumisita lang ako aalis din agad " aniya ko." Sila mommy ? "

" Wala nasa work " tumango na lang ako.

" Gumayak kayo punta tayong mall lilibre ko kayo " aniya ko at mabilis pa sa pusa na nag sitakbuhan ang mga ito .

Minsan lang ako maging mabait kaya sulitin nyo na dahil magiging busy na naman ako sa pag aaral ko at sa work . 

Umupo muna ako sa isang bangko dito sa labas at naka simangot habang hinihintay ang mga kasama ko.

Lumabas ang mga ito na nakangiti ng malaki mukhang balak na .

" Tara na " aniya ko  .

Lumakad naman kami palabas dahil hindi naman maiipasok yung kotse dito sa looban .

Ilang minuto ang ni byahe namin papuntang mall buti na lang hindi masyadong traffic ngayon. Nang makarating kami sa mall ay nag mamadali sa pag lakad ang mga kasama kong bata hahahaha.

" Pumili na kayo ng gusto nyo ako na bahala mag bayad nyan tsaka iwasan nyo lang ang makabasag  " aniya ko , hindi na naman sila maliligaw dito  dahil alam na nila ang pasikot sikot dito sa mall hahahaha.

Pumunta ako sa bilihan ng kwintas may nakita kasi akong magandang design may heart ito pero yung gilid nya may mga diamond . Naisip ko kasing bigyan si xai hindi naman siguro masama na bigyan sya tsaka minsan lang akong mag bigay sa kanya ng mga ganitong bagay.

" Mag kano ms ? " tanong ko sa seller .

" 20 thousand and 499  pesos po ma'am" buti na lang at pwede sa kanila ang cash card dapat pala nag withdraw muna ako hahaha.

" Swerte naman ma'am ng girlfriend mo " biglang sabi ng seller .

" Ahh hindi ko po girlfriend yung pag bibigyan ko , kaibigan ko po "

After kong mag bayad sa seller ay pumunta ako sa may gilid nito oorder lang naman ako sa inasal ng pag kain para pag balik ng mga bata kakain na lang sila . Nakasimangot ang mukha ko ng lumabas ng inasal kasi naman yung girl panay ang tingin sakin may dumi yata ako sa mukha.


*******

Gabi na akong nakauwi dito sa condo ang nakakapag taka lang bakit hindi naka lock eh ini locked ko naman ito bago ako umalis. Gagabihin talaga ako sa mga pasaway na yun hindi na naman ako pauwiin agad nag yaya kasi sila sa park na palagi naman nilang ginagawa pag wala silang pasok nasanay kasi sila sun.

" Babe " pag lingon ko ay agad akong niyakap ni xai anong ginagawa nya dito diba nasa probinsya sya .

" i miss you babe " bulong nito sa may bandang tainga ko .

" I-i miss you too " kahit nag tataka ako ay niyakap ko na rin sya ng mahigpit.

" Ayoko sa kanila gusto ko sayo lang ako " aniya nito na lalong nag pagulo sa isip ko.

" May nangyari ba ? " tanong ko pero hindi nya naman ako sinagot.

" I hate him so much , wala syang karapatan na halikan ako " narinig ko na ang munting hikbi nito.

Teka hinalikan sya at lalaki pa fuck kinuha nya ang first kiss ng kaibigan ko kaya pala ganito ito . Ayaw na ayaw pa naman nito na kukunin yung first kiss nya lalo na kung hindi nya ito mahal .

Pinaupo ko sya sa may sofa at kumuha ako ng tubig  . Pag balik ko sa kanya ay naka simangot ito na ikinatawa ko na lang.

" Broken na broken ah " sita ko dito pero hindi nya ako pinansin . Inabot ko yung tubig sa kanya at kinuha naman agad nya at ininom.

Umupo ako sa tabi nya at ginulo buhok nya .

" Alam mo napaka walang hiya ng lalaking yun , ilang araw pa lang ako dun at alam ko ng may binabalak sya sakin , binabastos nya ako kapag wala sila mommy , ang manyak nya tapos kanina hinalikan nya ako " nanlamig ang buong katawan ko sa sinabing iyon ni xai .

Hinawakan ko ang mukha nito at hinalikan sya sa forehead , naririnig ko na naman kasi ang pag hikbi nya. Mag babayad sya . May ilang araw pa naman kaming walang pasok .

" Umuwi na tayo sa probinsya nyo baka hanapin ka nila " aniya ko.

" A-ayaw ko " hinawakan ko mukha nya at tinignan sya ng seryoso.

" Kasama moko , sasamahan kita sa probinsya nyo " aniya ko at kahit pagod ako ay bibyahe kami .

Tumayo na ako at pumunta muna saglit sa kwarto para kumuha ng gamit kumuha na rin ako ng leather jacket para kay xai . Kinuha ko na rin yung pang self defense ko .

" Xai halika na " nakasimangot itong tumayo at ngayon ko lang napansin na naka short lang ito na maikli . " Ako na muna bodyguard mo "

Pag kasabi ko nun sa kanya ay inilagay ko sa katawan nya yung jacket bakit ba kasi ang tangkad nya .

" Kahit ayaw ko na dun pero kung kasama naman kita ay komportable na ako " napangiti na lang ako  .

Habang nasa biyahe kami ay hindi ko maiwasan na hindi tignan si xai na mahimbing na natutulog . Nag flashback na naman sa isip ko yung sinabi nya kanina . Humanda sya sakin sa lahat ba naman na gagalawin nya kaibigan ko pa .

Kahit antok na antok na ako ay itinuloy ko pa rin ang pag mamaneho  medyo malapit na naman kami kaso baka mamaya 'di ko na kayanin yung antok .

" Nagugutom ako " napalingon ako ng bahagya kay xai ng mag salita ito gising na pala sya  hindi ko napansin naka focus kasi ako sa daan.

" Teka bibili ako " aniya ko at medyo binilisan pa ang takbo nitong sasakyan .

Buti na lang ay may bukas pang 7 eleven dito . Bumaba ako at bumaba din sya .

" Oh dapat hintayin mo na lang ako sa loob " umiling sya  at ikinawit ang mga kamay sa braso ko .

Ang clingy naman yata nya sabagay una pa lang naman clingy na sya . Kumuha na kami ng pag kain naming dalawa at nag bayad na ako sa counter syempre sino pa ba ang mag babayad kundi ako kuripot itong babaeng ito eh.

After namin bumili ng makakain ay nag patuloy na ulit kami sa byahe sana pala nag pa drive na lang ako sa driver namin .

Napaka antukin naman yata nya ngayon tulog na naman eh kung hindi lang ito mukhang broken ngayon sya na mag dadrive jusko antok na antok na talaga ako.

Sana naman hindi boring sa probinsya nila kasi kung boring dun nako makakauwi agad ako ng maaga .

YOU are The ONE  Where stories live. Discover now