"Sana enough rin pera ni daddy para mabigyan ako ng perang pampatayo ng sarili kong negosyo." ani Solana.

"I'm sure naman na galing sa parents iyong perang pinatayo ni Sapphire sa kanyang Resorts. Hindi ba Sapphire?" si Mimi at tsaka umayos ng upo.

Ngumuso ako at tinitigan si Mimi. "Hm, yes. While abroad, ang mga perang binigay ni daddy ay hindi ko ginagastos. I invest on different branch of Company in Europe at iyong kinikita ko ang pinatayo ko ng dalawang Resorts. You know, sometimes success is not base on how rich you are because we have our own time zone."

Umirap si Mimi at ngumisi naman si Emerald. "Cheers to that?" si Solana at inangat namin ang inumin at nag-cheers.

"Excuse lang huh? Iihi lang ako." paalam ni Emerald habang nakatingin sa cellphone niya.

Huminga ako ng malalim at tinitigan ang mga tao sa gitna. Ang iba ay may sariling lounge at tila ba may pinag uusapang importante.

"I've heard break na raw kayo ni Raphael?" si Mimi.

Ngumisi ako. "Wow. Updated ka rin pala?"

Matigas niya akong tinitigan. I know these girls. Iyong tipong type nila ang lalaking nalilink sayo at ikaw ang kakaawain.

"Kalat iyon kahit saan. Di'ba? Raphael is rumored dating someone else in Germany?"

Hindi na ako nagkumento doon at uminom nalang ulit. Kung wala lang birthday ay sana uuwi na lang ako.

"Akala ko ba ay patay na patay siya sayo? And...ikaw naman itong pa hard to get kaya nagsawa na ang isa sayo?" tumawa pa siya.

"Mimi enough." sabay si Sarah at Solana. Ngumiti naman sakin si Solana na tila ba siya ang nahihiya para sa kaibigan.

"What?" Mimi said while giggling. "As if I like her?"

"This is not the right place for that! And...Today is my birthday! Wala ka bang-"

"And you... Di'ba namatay ang cheater mong daddy?"

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig iyon.

"Yes ofcourse! Alam ko iyon dahil alam iyon ni mommy! Nagmakaawa lang noon ang mommy mo para balikan ng daddy mo!"

"Oh my goodness. This is too much!" si Sarah at tumayo.

"Dapat wala ka dito! Doon ka! Magluksa ka! How could you bar here if your cousin,Margo is missing because of you?! Alam mo..napakamalas mo-"

Sinabuyan ko siya ng hawak kong wine dahil sa hindi ko na kaya. Halos mamula ang mukha niya sa isinaboy kong red wine sa kanya!

Fuck! Dumaloy ang luha ko hindi dahil nasasaktan ako! Dahil naiinis ako!

"Y-You don't know a thing a-about me!" I hissed while trembling. Hinawakan ako ni Solana at pinigilan.

"How dare you?! Sino ka para sabuyan ako?! I will file a case!"

"Anong nangyayari?!" si Emerald na kakarating lang kasama niya si Jack. Halos hindi na ako makatingin sa kanila at sa ibang nakikiusyuso dahil sa paninigaw ni Mimi.

May sinabi si Sarah kay Emerald habang kinukuha ko ang cellphone ko para tawagan si Rollo. Gusto ko na lang umalis dito.

Nanginginig pa ang kamay ko habang hinahanap sa bag ang cellphone.

"Kahit kailan talaga wala kang hiya-" natigil si Mimi dahil sinampal siya ni Emerald!

"Whore! Umalis ka nga dito! Ikaw itong nakakahiya! God! Bakit kapa kasi sumama? Isa pa...sasampalin kita uli at dalawa na kami ni Sapphire kasuhan mo?"

Hinila ni Jack ang baywang ni Emerald at binulungan ito.

Umiling ako ng dumaloy ang aking luha bago doon umalis.

"Sappy!" tawag ni Emerald ngunit ayoko nang lumingon pa.

That is why I hate being expose. Kahit makihalo sa ibang tao ay ayoko rin. Ayoko dahil ang bilis nilang manghusga ng kapwa without knowing the whole truth.

Ilang taon rin akong naging masama sa mata ng iba dahil nanatili akong tahimik at hindi na sinabi ang side ko. Bakit ako mag eexplain sa mga taong kahit anong explain ko ay hinding hindi maniniwala sa akin?

Nabunggo ako sa isang lalaki dahil sa luhang namuo sa aking mga mata.

"Excuse-"

Natigil ako ng makilala kung sino ang aking nakabangga.

Umawang ang aking labi ng tiningala ko ang lalaking ilang gabi ko nang iniyakan. Mas lalo akong naiyak dahil kanina ay hindi ako nakaramdam ng sakit...Ngayon, ramdam na ramdam ko na.

Nakaawang lang ang labi niya ng makita akong umiiyak. Ngumiti ako at lumapit sa kanya.

Bakit ang mga mata niya ay maraming sinasabi? Parang ngayon niya lang ako nakitang nakakaawa? Oo nga pala...Ngayon lang ako naging ganito sa kanya. Kasi hindi ko na pinigilan ang nararamdaman ko.

Gusto ko siyang yakapin sa mga oras na ito.

"Hindi kana dapat nandito ng ganitong oras." aniya sa isang malamig na boses.
"Go home.. I am here for someone else."

Nagulat ako dahil sa biglaan niyang pag alis kaya hinawakan ko ang matigas niyang braso. Parang pinupunit ang puso ko.

"Raphael...Maawa ka na sakin. Please. B-Bumalik kana sakin." ngayon dalawang kamay na ang gamit ko para hawakan siya.


He stiffened ng marinig ang pagmamakaawa ko.

"Ano ba ang mga dapat kong gawin huh?"

"Raph! I'm done already! Lets go!" isang babae na alam kong ibang lahi ang mula sa hindi ko alam. This must be the girl from Germany?

Kinagat ko ang labi ko ng hindi man lang ako nilingon ni Raphael at imbes, pinalis ang kamay ko sa kanyang braso bago hinawakan sa baywang ang babae.

"I'm enjoying this place! Our two days here is so fun!" malambing na aniya ng babae habang tinititigan ko ang likod nilang dalawa.

"I know you are not okay." si Emerald at niyakap ako mula sa likod. Doon lang ako natauhan at pinalis ang aking mga luha. Alam kong namumugto na ang mga mata ko.

"I'm not okay.."

Huminga siya ng malalim. "Hindi ko yata kayang makita kang pinapakasalan si Raphael kung maalala ko ang mga nakita ko ngayon. Kung buhay lang si tito Sebe sana...Pinatay na niya si Raphael."

Halos wala akong narinig sa sinabi ni Emerald.

"Pinauwi ko na si Mimi. Uuwi kana rin ba?"

Umiling ako. I change my mind. Nandito sa club sila Raphael at gusto ko siyang makita ulit.

"I stay." tinitigan ko si Emerald. Ngumiwi siya at inayos ang buhok ko.

"You are fucking beautiful kaya huwag mong iyakan ang isang lalaki lang. Dapat siya ang umiyak! Halika na sa loob!"

~~~

Other chapters are only available on my VIP PAGE. SOON (Wild with you) Montemayor second generation series 2  will be post on VIP PAGE too. Enchanted and Unang Halik exclusive on my vip page. 200php monthly membership! Magpapamember ka ba? Message me on this link below or search my name fb 'Frezbae Montemayor'.

https://www.facebook.com/frezbae.montemayor.9?mibextid=ZbWKwL

Broken Chains (Montemayor 2nd Generation |)Where stories live. Discover now