"France? Ano raw ang bibilhin?"

Damn, hanggang ngayon talaga napakamaluho ni Ruby.

"Magtatayo si Ruby ng cosmetics brand dito sa Pilipinas at gusto niyang kumuha ng samples sa France. May ka partner rin siya doon na sikat na Ceo ng cosmetics."

Oh, right!

Kasabay pala ng pagcheck ko ng data ang pagreply ko sa email ng nag aalok sakin bilang model. Le Cassiana agency is no joke! Akala ko kung ano lang na agency pero damn...Le Cassiana ang target ng lahat ng mga models dahil sa kasikatan nito sa iba't ibang bansa.

"Tama na muna ang trabaho Sapphy! Goodness! 22 pa lang tayo para magbabad sa trabaho! In fact, di mo na kailangan magtrabaho kahit hanggang pagtanda mo! Samahan mo muna ako dito sa club! Dito lang sa Tagaytay!"

I rolled my eyes. "Yeah yeah. What are you doing there?"

Naririnig ko ang musika sa kabilang linya.

"With my bestfriend! Birthday niya at dito namin napili sa club na mag celebrate!"

"Marami kayo?" nag aalalang tanong ko.

"Uh no. Apat lang kami. Si Solana, ang may birthday ngayon. Si Mimi at Sarah."

Huminga ako ng malalim and finally made up my mind. "Okay. Pupunta na ako."

Malapit lang ang Tagaytay sa Batangas kaya hindi ganoon ka tagal ang biyahe ko. With me is Rollo na hindi na naman ako pinapansin at dahil ayoko rin naman magsalita ay hindi na ako namansin pa.

Siguro sa mga ganitong lugar ay alam na niya ang gagawin. Dumating kami sa Tagaytay na gabi na at malamig ang simoy ng hangin.

Nagsisi ako at hindi ako nagdala ng kahit anong jacket.

I wore a black tube fitted dress. Pinuyod ko ang aking buhok bago lumabas ng sasakyan. Naghihintay na si Emerald sa labas ng club.

Sinuyod niya ng tingin ang aking katawan at ngumisi.

"Napakasexy mo!" aniya at sa gilid niya nakita ko ang kanyang kaibigan na si Solana. Ngumiti si Solana sakin at nakipagbeso.

"Happy birthday!" binigay ko sa kanya ang kinuha kong wine sa bar ng Resort at nalaglag ang panga niya!

"Oh God! This is from Italy, right? Walang ganito dito! I know kasi paborito ko itong brand!" halos maiyak si Solana.

Nakita ko si Sarah sa gilid at Mimi at ngumiti sila sakin. Umiwas ako dahil kilala ko si Mimi. Isa siya sa mga grupong nang insulto sa akin noon.

"Uh yeah. Lahat ng laman ng bar sa resort ko ay galing Italy."

"Hay! Mamaya na maritesan! Pasok na tayo!" hinila ako ni Emerald papasok ng club at nakita ko na hindi ganoong ka bayolente ang mga tao tulad doon sa Manila.

"Grabe namamangha parin ako until now sa kagandahan mo. "Si Solana habang nakasunod sakin habang hila ni Emerald.

Maraming napapatingin samin at mga nilagpasan namin bago kami nakarating sa hindi masyadong crowded na lounge.

"Yey! We are safe! Grabe ang daming tao!" si Emerald at pinaupo ako sa tabi niya. Si Solana sa kabila at nasa harapan namin si Mimi at Sarah.

"Wow! So may sarili ka nang resort at your age?" si Sarah at ininom ang wine na binigay ko para kay Solana. "Hm! Italy na Italy ang lasa!" tumawa sila at ngumisi nalang ako.

"Actually fourth year college pa lang ako ng nagsimula ko iyong ipatayo. Kasi plano ko talaga iyon bago ako makagraduate na mag-manage ng sarili kong Resort."

Broken Chains (Montemayor 2nd Generation |)Where stories live. Discover now