Chapter 184: Another Rumor

ابدأ من البداية
                                    

Nasa harap ko lang si Vegas pero kitang-kita ko kung gaano kabilis ang pagsalag niya sa bawat balang pinapakawalan ni Anonymouse. Pakiramdam ko nga ay nakatulong din ang pagiging core user noon ni Vegas dahil mabilis niyang nakikita ang atake ni Anonymouse.

[Yugto Pilipinas] Ichiyonsan is eliminated by [Yugto Pilipinas] KnightRider!

[Yugto Pilipinas] Arcano (Leon) is eliminated by [Yugto Pilipinas] Indominus!

Napangiti ako dahil nagawa nang makapatay ng mga kasamahan ko in short period of time. Bawas na sila kung kaya't advantage na sa amin 'to para manalo. Ngumisi si Vegas. "Nice buff, Milan, atin na 'tong larong ito!" He said at tumakbo papasugod kay Anonymouse

I immediately changed my role from support to Fighter at sumunod sa kaniya.

 NATAPOS ang training namin at kaniya-kaniya na kaming tanggal ng nerve gear namin

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.


NATAPOS ang training namin at kaniya-kaniya na kaming tanggal ng nerve gear namin. Pinunasan ko ang pawis ko at uminom sa aquaflask na nakapatong sa ibaba ng inclining chair ko. "Nice game!" Choji shouted at isa-isang nakipag-apir sa amin.

After the match ay rumerekta naman kami agad sa sala upang i-discuss ang naging laro namin kanina. "Okay, team, good job sa match kanina. We are more coordinated than the first day which is good. Sandro, ang ganda ng laro mo kanina, tama lang na hinintay mo ang buff ni Milan bago ka sumugod. Callie, as always nice save kay Milan..." Coach Russel said.

Callie smirked. "Kailan ba ako nagka-error. Callie and friends version 2.0."

We all sighed at hinayaan siya sa kayabangan niya. Tanggap na namin na hindi mababawasan ang bagyong dala ng kurimaw na 'yan. It his way para sabihin sa sarili niya na Good job, ang ganda ng laro ko. Atleast motivated at hindi pumapanget ang performance niya every match.

"Milan, nice one sa pag-buff sa mga kasama mo. Good thing na hindi mo iniwasan ang ginawang atake ni Oli. Ayon ang gusto kong tandaan ng lahat." Tiningnan kaming lahat ni Coach. "Just focus on your role. It is okay na iligtas ninyo 'yong isa't isa pero gawin ninyo 'yong function ninyo as your role in the game." He reminded us at isinulat ko 'yon sa notebook ko para lagi kong matandaan.

"For example, 'yong laro ni Milan kanina. Noong pinaputukan siya ng bala ni Oli, kunwari hindi dumating si Callie at sinalo ni Milan ang mga bala hanggang sa ma-eliminate siya. Kaninong error 'yon, kay Milan ba?" He asked us.

"Hindi po, Coach." We answered in unison.

"Correct. Kay Callie na error 'yong because he is the tank and he gave a heads-up na ipo-protect niya si Milan. Kaya do not feel bad sa mga error na hindi ninyo naman kasalanan. Okay?" Klarong paliwanag sa amin ni Coach at napatango-tango ako.

Hunter Onlineحيث تعيش القصص. اكتشف الآن