"Jelai meet my mom, Mami meet my best friend jelai"

Masayang Sabi ni Roni

"Hi jelai!"

Naiiyak paring Sabi ni tita madel sakin

"Talaga tinawag mo ng Mami si tita madel?"

Gulat na gulat na tanong ko Kay Roni

"Oo jelai Kasi alam ko Naman na deserve ni Mami madel na maging mommy ko ehh kahit Hindi sya Yung totoong Mami ko, sya Naman lagi Yung nag papagaan Ng lahat Ng nararamdaman ko at alam Kong maiintindihan Ng totoong Mami ko yon"

Masaya talagang Sabi nya sakin, agad Kong niyakap si Roni at tita madel, nakakatuwa Naman may Mami na ulit Yung bestfriend ko.

Yuan's Pov

kanina nung mag go-goodmorning Sana sya gusto ko syang yakapin at mag sorry pero hahayaan ko munang manaig sakin Ang pride at AYOKO muna syang kausapin habang pina-process pa Ng isip ko lahat Ng nangyari kagabi, nandito  kaming apat sa beach naka upo sa spot namin kagabi.

"Yuan pare okay naba kayo ni Roni?"

Tanong sakin ni tonsy

"Pare ayoko munang pag usapan Ang babaeng yon"

Walang emosyong Sabi ko sakanya

"Pero nakakaawa si Roni akalain nyo yon galit tayong lahat sakanya"

Sabi Naman ni junjun na malayo Ang tingin ngayon

"Eh Ikaw borj? Kailan mo balak kausapin Ang kapatid ko?"

Tanong ko Kay borj, nakatingin sya Ng deretsyo sa beach at nag babato don Ng maliliit na bato

"Siguro pare Hindi muna Ngayon"

Habang patuloy parin syang nag babato

"Pero Diba gusto mo si Roni? Pero bakit mas naniwala kapa Kay apple?"

Sabi Naman ni tonsy nakinig lang ako sakanila

"Oo nga, alam Naman nating gustong gusto mo si Roni, tsaka di Naman natin nakita na tinulak talaga ni Roni si apple Diba?"

Napatingin ako Kay jun Ng sabihin nya yon, Kaya napaisip din ako, naku yuan pinaka pag sisisihan mo pag walang kasalanan si Roni dito, Yung mga sinabi ko kagabi sa kapatid ko Hindi Kona inisip Kong anong magiging dating sakanya non Basta Basta ko nalang sinabi

"Ewan ko pare Hindi Kona din alam"

Nakayukong Sabi ni borj

"Alam nyo baka pag sisisihan natin Yung ginagawa nating pang snob Kay Roni ngayon"

"Oo nga Lalo kana yuan kapatid mo yon ehh"

Tinignan ko nalang Ng sandali si jun tsaka huminga Ng malalim

"Yun din Yung iniisip ko Ngayon pare, nung Isang araw lang nakita ko syang umiiyak sa likod Ng banyo tapos ngayon Isa ako sa dahilan Kung bakit sya umiiyak"

Pag kasabi ko non ay sabay sabay kaming nag buntong hininga at namayani sa paligid namin Ang katahimikan tanging Ang ingay lang Ng tubig sa dagat at huni Ng ibon Ang maririnig, Sana nga yuan wag mong pag sisihan to.

Roni's Pov

Kinuha Kona Yung basket na prinipare namin nila Mami at dumiretsyo na kami sa beach malayo palang ay natatanaw na namin sila kuya yuan Kaya nakaramdam nanaman ako Ng pag kailang.

"Boys patulong Naman oh"

Sigaw ni Mami sakanila, sabay sabay namang lumingon Yung apat at tinignan pa muna kami bago isa Isang tumayo at kinuha Yung mga dala ni Mami, nag katinginan kami ni borj pero agad din syang umiwas.

"Tita San to isasapi?"

Tanong ni jun habang pasimpleng sumusulyap Kay jelai na Ngayon ay di sya pinapansin

"Oh Roni akina yang basket para Mai ayos na natin dito".

Pag kasabi ni tita non ay inabot Kona agad sakanya Yung basket, tinignan kopa muna si kuya na Ngayon ay inaayos Yung pag iihawan Ng isda na dala ni carol.

"Roni halika dito"

Sigaw ni jelai sakin na Ngayon ay nasa kabilang puno Ng mangga, tumingin pa muna ako Kila kuya bago pumunta Kay jelai

"Oh bakit?"

Seryoso Kong tanong sakanya

"Nag text sakin si yaya at Ang Sabi nya pinapasunod daw sya ni daddy dito, okay lang ba?"

Nahihiya nyang tanong

"Ano kaba okay lang noe, mas maganda yon na nandito si yaya medel ehh"

Sabay tapik ko sa balikat nya

"Talaga? O sige sasabihin Kona"

Tsaka sya nag dutdut ulit sa cellphone nya.

" H-hi Roni, hi jelai"

Nilingon namin si kristof at bryan sa likod namin, binigyan ko Naman Sila Ng pilit na ngiti

"Hi!"

Sabay naming bati sakanila

"Hi borj, hi yuan, hi jun, hi tonsi, tita madel hi carol"

Dinig Kong Sabi ni apple sakanila

"Ano ba Yan hanggang dito ba Naman argggg"

Inis na Sabi ni jelai, tinignan ko pa si borj na nakatingin sa gawi namin ni jelai pero agad din nyang inalis yon samin Kaya napayuko nalang ako

"Roni okay ka lang? Parang namumutla ka?"

Nag aalalang tanong ni kristof sakin

"Okay lang ako don't worry"

"Sure ka ahh?"

Panigurado nya pang tanong sakin Kaya tumango at ngumit nalang ako sakanya

Borj Pov

Kasama nanaman namin si apple ngayon at kasama nanaman Ng bwiset na kristof na yon si Roni

"Alam mo borj Kaysa tinititigan mo sa malayo bakit Hindi mo nalang lapitan at kausapin"

Saad ni jun habang nakatingin din Kila Roni

"Alam mo din jun lapitan Mona si jelai dahil mukhang mauunahan kapa Ni Bryan"

Sabi ko sakanya sabay tapik sa balikat nya

"Kaya nga nakakainis yang bryan na Yan pag ako napuno sasapakin Kona talaga yan"

Inis na talagang Sabi nya Kaya natawa ako

"Anong nakakatawa huh?"

Nakangiti nyang tanong sakin nag hawi pa muna ako Ng buhok ko bago sumagot grabe lakas Ng hangin

"Walang nakakatawa pare, pero Ako din ehh nababanas na dyan Kay kristof Ang hilig umepal"

"Sus lapitan nyo na kasing dalawa di Yung tinatanaw nyo Lang"

Sabat ni tonsi habang nag papaypay Ng iniihaw nyang isda, napakamot nalang ako sa Ulo atsaka lumapit Kay yuan na Ngayon ay nakatingin din pala Kila Roni, Roni Sana wag Kang mahulog Kay kristof Hindi ko Kaya:(

#boniforever
#gmikbased

Heart, Beats, Fast.Where stories live. Discover now