Chapter 26

2.6K 22 0
                                    

Sabay sabay kaming tatlo na bumalik sa kwarto. Buhat buhat ni joaquin si aeris na matindi ang hawak ngayon sa batok niya.

Naabutan namin dito si Cassie, napatayo siya ng makita kaming pumasok.

"Why do you both look like that? What happened?" Cassie asked, I looked her in the eye, and after a while she seemed to realize what I was getting at. Joaquin laid aeris down on the bed because she was sleepy.

"Ikaw muna bahala dyan kay aeris, mag uusap lang kami ni cass..." marahan na tumango sa akin si Joaquin tsaka na itinuon yung paningin sa anak namin, dinala ko si cassie sa labas.

"Anong nangyari? Bakit mga mugto ang mata niyo?" Kaagad niyang tanong sa akin, huminga ako ng malalim bago nagsalita. Nandito kami sa labas kaya bahagya kong niyakap yung sarili ko dahil lamig na naramdaman.

"Inamin ko na lahat kay Joaquin..." sambit ko, nakita kong natigilan siya tsaka ulit tumingin sa akin

"What do you mean? Inamin mo na sa kanya na anak niya si aeris?" Tanong niya, kaya tumango ako. I had a hard time deciding at first, if I should tell him the truth or not. But, this time, I thought about our daughter's welfare again.

"Hindi ko inasahan na gagawin mo talaga yan ha"

"Ako rin. Eh halos sinusumpa ko na nga siya noon, nilunok ko lang din yung sinabi ko na hindi ko siya ipakikilala sa anak namin..."

"Ganoon talaga. Kapag anak mo na yung napapagitna magsasakripisyo ka talaga. Tsaka labas si aeris sa past niyong dalawa, alam mong hindi niya deserve na walang tatay" tumango tango ako, my daughter is so precious, she's my treasure. I promise to myself that i will do anything to make her happy, to make enjoy the life that she deserve.

"Alam mo, noong nawala ka parang sobrang laki rin ng nawala kay Joaquin"

Napahinto ako sa dahan dahang paglalakad, nilingon ko si cassie na huminto na rin ngayon tsaka diretsong nakatingin sa akin.

"Tinanong ka pa sa akin kung saang bansa ka raw pumunta. Wala naman akong maisagot dahil hindi ko naman talaga alam, kahit sa akin naglihim ka"

May halong tampo yung tono ng boses ni cassie ng sabihin niya iyon.

"I intended not to tell everything that happened to us, I was afraid, I was afraid of being judged because of the sin I had committed..."

Ayon ang nangingibabaw sa akin noong panahon na papunta na akong spain. Sinadya kong hindi sabihin dahil natatakot akong mahusgahan sa kasalang ginusto ko.

"God yani! I'm your friend. Why do you think like that? I've known for a long time that you and Joaquin have a relationship. You two are my friends, I can't do what you say..."

Hindi niya makapaniwalang sambit sa akin, napayuko ako at napakagat sa ibaba kong labi. Wala na akong masabi, parang naubos lahat ng salita ko dahil kanina.

"I'm sorry cass..." maluha luha kong sambit sa kanya, hindi ko alam bakit sobrang babaw ng luha ko sa mga ganitong sitwasyon. Lumapit siya sa akin tsaka ako niyakap ng marahan.

"I'm your best friend, if you need anything i'm here, okay? Don't be afraid to say anything to me, hindi kita huhusgahan katulad ng iniisip mo"

Marahan ulit akong tumango sa kanya. Para tuloy ako nagkaroon ng ate sa mga sinabi niya sa akin. Nagtagal pa kami doon ng ilang minuto bago napagdesisyunan na bumalik na sa loob dahil masyado ng malalim ang gabi.

Pagpasok ko ay nakita kong na sa balcony ang lalaki. Mahimbing ng natutulog ngayon si aeris. Nilock ko ng tahimik yung pinto tsaka dahan dahan na pumunta sa balcony.

A Sin That We Both GuiltyWhere stories live. Discover now