39th Paper

2.3K 77 3
                                    

39th Paper
Okay

Much to our dismay ay hindi nagsuspend ang Summerridge. Pumasok kami ngunit hindi maikakaila na kakaunti ang estudyanteng pumasok.

"Ang tahimik mo yata ngayon, Jesca?" Tanong ni Mae.

Ipinatong kong muli ang ulo ko sa arm chair. Umiling ako. "Inaantok lang."

But really, they had no idea what happened last night. We kissed. Grabe! Hindi ko alam ang tamang reaksyon, but I was scared and still thrilled. Hindi na kami nakapagusap matapos noon dahil nagpasya kami na itulog na lang.

We spent the night on each other's arms, waiting for our senses to fall into deep slumber. If he wasn't stroking my back in a passionate and thoughtful way I could've been awake up until four. Instead, I slept peacefully.

Ang unang tanong na pumasok sa akin pagkagising ko kaninang umaga ay ano na nga ba kami? Surely we're more than friends now, weren't we? Because as far as I know normal friends don't kiss each other that way. I'm trying my best to assume the littlest about our state and relation right now because unlike before, I am now scared of getting hurt.

Iba na ngayong ipinakita na niya sa akin ang ibang Drian. He has opened himself to me and the possibility of us.

Ten am na nang mag suspend ang Summerridge. Nagkagulo ang mga estudyante sa buong campus dahil sa balita. Sabay sabay kaming bumaba ng building at doon nanatili.

"Uy may something na ba ulit kay Drian at Aiana? Panay ang post ni Aiana sa wall ni Drian, ah?" Sabi ni Mae habang inuusisa ang phone niya.

Tumawa ako dahil alam kong wala na sila. Matagal na. "Post lang iyon."

"Kahit pictures nila na sweet together ang pino post ni Aiana?"

Ibinigay niya sa akin ang phone niya. Nasa profile iyon ni Drian at hindi nagsisinungaling si Mae nang sabihin niyang sweet nga ang dalawa sa picture. Nakaakbay si Drian kay Aiana habang nakahalik ito sa pisnge ng nobyo. Ang pangalawang picture naman ay nakadapang tulog si Drian sa kama habang si Aiana ay nakadapa rin sa tabi niya. She's wearing tank top. God, what have they done? I'm sure something...

Bago ko makita ang ibang pictures ay nawala na sa kamay ko ang phone ni Mae.

"Halatang gusto niyang makipagbalikan kay Drian. Pero 'wag kang paapekto, laging ganyan ang nakakasira sa relasyon. I've seen it happened thousand times where the past cut loose and ruin perfect present relationship."

Ipinikit ko ang mata ko nang mariin. Inaalis ko pa ang imaheng nakita ko kanina sa isip ko. Why am I suddenly jealous? Nalulungkot ako. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Dati naman ay hindi ako ganito. Nagbago na talaga ang ihip ng hangin.

"Hindi ano!" Ang tangi kong naisagot.

Tinawag ako ng higher year na pamilyar sa akin. Nang makita ko si Jasean ay lumapit na rin ako. Inilahad niya sa akin ang ilang folders.

"Handouts. That's your copy, Jesca. Kung gusto nilang ipa photocopy ay nasa kanila na iyon." Ngumiti si Jasean.

"Thank you rito." Sagot ko.

Nagsisialisan na ang mga estudyante. Kasama na roon ang mga kaibigan ni Jasean na isa isang tumatapik sa balikat niya, sensyales ng pagpapaalam.

"Uuwi ka na ba? May kasabay ka ba paguwi?" Tanong niya.

I thought of Drian immediately, pero naalala kong nabanggit niya na ngayon niya kukunin ang sasakyan niya. Kaya ngayon ay hindi ko sigurado.

"I'll find a way. Mauna na ako." Ngumiti ako, siya naman ay tumango.

MASH Romantic (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon