SINO YUN?

3 0 0
                                    

Hello guys i'm back and i'm going to tell you another doppelganger story.

This story is based sa experience ko.

Nangyari ito nung ako ay senior high palang.

Sisimulan ko na ang kwento.

Naalala ko nagpuyat ako that time kasi nanonood pa ako ng videos sa youtube kasi hindi pa ako dinadalaw ng antok.

Lahat ng kasama ko sa bahay ay tulog na at sobrang tahimik na ng paligid.

Gawain ko na kapag ako nalang ang gising ay lagi kong nililibot yung tingin ko sa paligid ko kapag feeling ko is may nakatingin sa akin.

Bigla kong nafeel na may nakatingin sa akin kaya bigla akong tumingin sa labas ng kwarto tapos napatingin ako roon sa may salamin namin na nakalagay doon sa tabi ng kwarto namin bale katapat siya ng daan papuntang banyo namin.

Pagkatingin ko sa salamin ay nakita ko si Papa.

Yung buhok, suot na damit at yung height same na same kay Papa.

Edi ako naman tinitigan lang si Papa kasi akala ko bigla siya nagising at naisip na silipin kami pero hindi naman gawain ni Papa yun eh.

Umiwas ako ng tingin at nagkibit balikat muna ako tapos pagtingin ko ulit wala na roon si Papa kaya naisip ko na baka humiga na ulit siya at natulog kaya naman naisipan ko na rin matulog dahil medyo nakaramdaman na rin ako ng antok nung mga oras na yan.

Pagkagising ko kinabukasan ay hindi ko pa sinabi yun kay Papa kasi nawala na sa isip ko yung nangyari kagabi tapos nung kumakain na kami ay doon ko lang biglang naalala yung nangyari kagabi.

Tinanong ko si Papa kung bakit siya nandoon sa may labas ng pinto ng kwarto tapos tumingin siya sa akin na naguguluhan tapos sabi niya paano naman daw niya gagawin yun eh tulog na tulog siya kagabi.

Edi sinabi ko sa kaniya yung nangyari kagabi tapos ayun kinilabutan na sila at nanindigan talaga si Papa na hindi siya yung nakita ko kagabi.

Pati tuloy ako natakot na rin hahaha damay damay na kami.

Hindi ko na rin naman ulit naranasan yun atsaka ayaw ko na rin kasi sobrang nakakakilabot yung pangyayari na yun.

Kung tatanungin niyo kung nagpupuyat pa rin ba ako hanggang ngayon? Syempre oo nagpupuyat pa rin ako hahaha. Goodnight everyone!!!

Real Creppy StoriesWhere stories live. Discover now