Chapter 25

3.1K 35 22
                                    


Nang matapos ang gala ay umuwi na ako sa condo. Hindi kasama yung anak ko. Dito ulit ako sa condo umuwi sigurado naman akong hindi siya pababayaan ni joaquin, hahayaan ko muna si Aeris hanggang sa mawala na yung tampo niya sa akin, ayaw din naman niyang sumama sa akin kahit anong pilit ko, nasasaktan ko lang siya at baka lumayo yung loob niya sa akin na kinatatakutan ko. hindi rin naman ako mag aalala dahil nandoon siya sa tatay niya.

Umaga ng pumunta ako dito sa bahay, magpapaalam ako kaila mama dahil kailangan ko ng bumalik ng spain.

Sinalubong niya ako ng yakap, nagtaka siya dahil hindi ko kasama si Aeris

"Kasama siya ni Joaquin.."

"Ano? Bakit Anong nangyari?" Gulong gulong tanong ni mama, napahinga naman ako ng malalim tsaka sinabi yung dahilan

"Nagtampo siya sa akin, kaya pupuntahan ko si Joaquin kukunin ko na si Aeris babalik na kami ng spain"

"Sa condo tumutuloy si joaquin" sambit ni mama nagulat pa ako dahil parehas kami ng condo na tinutuluyan at magkatabi rin ng unit! tumango nalang ako sa kanya. Binigay niya din yung number ni joaquin kung sakali daw na wala sila doon tawagan ko nalang

I left and went there, when I got here I knocked first but I think I've been waiting here for 2 minutes, but and no one opens the door

Kaya naman tinawagan ko na siya, huminga muna ako ng malalim tsaka nag dial

"H-hello?" Panimula ko, nagkasigla ako ng marinig yung boses ni Aeris sa kabilanh linya

"Hello, who's this?" Sagot naman niya gamit ang malalim na boses

"Si yani to, nasaan kayo? Kukunin ko na si Aeris" sambit ko tsaka napakagat sa ibabang labi ko, sumakay na ako sa sasakyan ko tsaka nagsimulang magmaneho

"Here in my house" sagot niya, alam ko iyon kaya pinatay ko na yung call tsaka mabilis na nagdrive papunta doon

Pagdating ko dito ay tumingala ako, dahil mas lalong lumaki itong bahay niya at may sumalubong sa akin tsaka ako pinapasok sa loob. Lahat ng nandito ay nakatingin sa akin ngayon pero diretso lang yung tingin ko

Iniwan na niya ako dito sa tapat ng kwarto ni Joaquin, kumatok kaagad ako at maya maya lang ay bumukas na. Nagtama kaagad yung paningin namin ng babae na hindi ko inaasahan na nandito rin pala

"Yani?" Sambit ni ivy, ngumiti ako sa kanya ng marahan wala naman nagbago sa appearance niya maganda parin siya. Tsaka niya ako pinapasok nakita ko si Aeris na nakikipag laro dito sa batang lalaki na naka pajama ngayon

"Mommy!" She said to me when she saw me and ran to me. I felt like I was going to cry when I hugged her, I touched her cheeks with my both hands, she was wearing a pajamas and her hair was in a ponytail

"Tita ivy did my hair mommy" nakangiti niyang sambit tsaka hinawakan yung kanyang buhok na naka pusod ngayon

"I'm sorry baby..."

"I'm sorry too mommy, i love you so much" Niyakap ko ulit siya, nakita ko si Joaquin na sumulpot kaya nagtama yung mga mata namin kaya tumayo na ako

Nandito kami sa balcony ngayon ni joaquin at hawak niya yung baso ng alak habang nakapamulsa yung isang kamay, samantalang ako ay nakatingin lang sa malayo

"Sasama na yan sayo, kinausap na namin siya ni ivy"

Sambit niya tsaka tumingin sa akin sabay inom ng alak sa hawak niyang baso, tumango naman ako sa kanya.

"Salamat, kailangan na rin namin bumalik ng spain" sambit ko sa kanya tsaka na tumayo kaya nakita ko yung paghinto niya. Napahinto ako ng magsalita siya

A Sin That We Both GuiltyWhere stories live. Discover now