Chapter 20

2.9K 28 2
                                    


Bumalik na rin ako sa pag aaral ko at 4th year college na ako ngayon. Mas naging busy din ako, hindi ko na rin alam kung ano uunahin ko, ang pag aaral ko ba o ang pagiging nanay

Pero mas inuuna ko si aeris, nagpapa breast feeding din ako sa kanya, habang nag aaral ako ay inaalagaan ko siya dahil kaya ko naman

Hindi ko rin naman siyang pwedeng ipaalaga kay lizzy dahil busy din iyon sa pag aaral at si tita naman ay nagtatrabaho rin, yung helpers namin dito ay umuwi ng pilipinas at hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik

Naranasan ko na rin siyang dalhin sa school dahil wala talagang maiiwanan dito, inalagaan siya ng mga kaklase ko at ng prof ko habang nagrereport ako sa harapan.

Nalaman iyon ni tita kaya sinabi niya kaagad kay mama, kaya naman agad naghanap si mama ng pwedeng mag aalaga sa anak ko. Mabuti nalang at nakahanap sila kaagad

"Happy Second birthday Anak!"

Ang bilis ng panahon a 2 years old na siya kaagad, at ako naman ay tapos na rin sa college. Masayang masaya ako dahil nakaya ko, nakaya kong pagsabayin ang pag aaral ko at ang pagiging nanay, sobrang proud ako sa sarili ko ngayon. Naalala ko yung mga panahon na halos bumigay na ako, halos mawalan na ako ng pag asa at pinanghihinaan na rin ng loob. Pero palagi kong pinanghahawakan at kinukuhanan ng lakas yung anak ko, siya yung naging enerhiya ko noong mga panahon na hindi ko na talaga kaya

Wala kaming board exam kaya naman ng matapos ako sa pag aaral ay pansamantala muna akong nagtrabaho sa isang kompanya, naging secretary ako, kaso nagsara ito kaya nawalan ulit ako ng trabaho, mabuti nalang ay mayroon akong ipon kaya ito ang gagamitin kong puhunan sa naiisip kong business.

Nakipag usap ako sa ibang tao na makakatulong sa akin para sa business ko, mahabang proseso ang ginawa ko para dito, hindi ako sumuko hanggang sa mailabas na sa market yung product ko.

Cosmetic product itong naisip ko, ang una kong nailabas ay skin care, noong una ay walang pumapansin, kaya pinanghihinaan ako ng loob, pero sinubukan ko parin ng sinubukan, hanggang sa unti unting nakikilala yung products ko.

Naging maganda yung ratings niya kaya masayang masaya ako, naglabas ulit ako at mataas kaagad ang naging benta, kaya nagtuloy tuloy hanggang sa nagsusupply na din kami sa pilipinas.

Sumunod ko naman nailabas ay make-up, maganda ulit naging ang ratings non, at kaagad siyang nakilala, hanggang sa lumipas yung mga buwan at nagpagawa na ako ng mas malaking planta. kumuha na rin ako ng endorser, kaya lalong nakilala itong products ko.

I don't know how I will feel because of the good things that happened to me right now, my products are already known in different countries. Nakapag pagawa na ako ng bahay sa pilipinas, nakabili ng condo, at sasakyan, dito rin sa spain ay may bahay na ako at sasakyan. Naakapag donate rin ako sa foundation.

In five years, I have grown even more, physical and emotional. but I never forget to look back where I came from.

"Mama, fui perfecto antes en nuestro examen!"

Tuwang tuwang sambit sa akin ni aeris, nag aaral na kase siya sa kindergarten ngayon, at ipinakita pa sa akin yung papel niya na tatlo ang star

"eso es cierto?"

"Sí mommy!"

"Very good anak!" Niyakap ko siya tsaka kinandong sa akin, she giggled on me

"Anong gusto mong gift ko sayo?"
Nakita kong nag isip pa siya tsaka na tumingin sa akin

"Sa moving up ko, quiero que papa este ahi!" Masigla niyang sambit kaya sa akin. Napahinto ako at hindi nakakibo, hinihiling niya na sana raw makita niya ang tatay niya sa moving up niya

A Sin That We Both GuiltyWhere stories live. Discover now