Chapter 18

2.6K 27 2
                                    


Pagbaba ko dito sa bahay ay dumiretso kaagad ako sa loob, nakita kong nag uusap sila mama sa sala kaya napahinto ako, napalingon din silang dalawa sa akin at napatayo ng makitang umiiyak ako

Kaagad lumapit sa akin si mama, kaagad din akong tumakbo sa kanya para yumakap, dala dala ko pa itong pinamili ko, puro ako sorry sa kanya, kaya hinimas niya yung ulo ko

"Anong nangyari sayo ha?" mahinhin niyang tanong sa akin, umiling naman ako, ayokong malaman pa nila yung nangyari sa amin ng walang hiya na iyon, at ayoko na rin banggitin pa yung pangalan niya simula ngayon

Tumingin ako sa kanila ni tito tsaka ako nagsorry sa mga ginawa ko, tinapik lang ako ni tito tsaka na tumango na senyales ng pag sang ayon niya

"P-pumapayag na po ako..."

"Saan?"

"Na tumira ako sa spain..."

Nagkatinginan silang dalawa, tama naman si mama mas gaganda ang buhay ko doon. Ngayong nalaman ko na ang lahat, ay wala ng dahilan pa para mag stay pa ako dito

"Bukas na bukas din, ipapaayos na namin ang mga kailangan mo para kaagad kanang makalipad papuntang spain" sambit ni mama kaya tumango ako

"Salamat anak dahil nakinig ka" sambit ni mama tsaka ulit ako niyakap

"May isang bagay lang po sana akong ipapakiusap sa inyo" napahinto sila ng sabihin ko iyon, nakatingin sila sa akin at nagtataka

"Huwag na huwag niyo pong ipapa alam o babanggitin kay joaquin na... buntis ako..."

Hindi na niya dapat pang malaman dahil tapos na kami. Kaya kong buhayin mag isa itong bata ng wala siya, hindi namin siya kailangan sa buhay namin

Nagkatinginan sila dahil doon, tsaka marahan na tumango sa akin, gusto ko ng magpahinga dahil pagod na pagod na ako, physical and emotional. Nang matapos ay umakyat na ako sa itaas tsaka pumunta ng balcony, naramdaman ko nanaman yung mata ko na nagbabadyang magbagsak ng luha kaya agad ko yun hinawi

"Hindi niya deserve iyakan yani, wala siyang kwentang tao" bulong ko sa sarili ko

Hindi parin ako makapaniwala sa mga sinabi niya sa akin kanina, parang hindi siya iyon. Ibang iba siya kanina.

Ipinahinga ko yung mata ko at katawan ko sa mga nangyari, kailangan kong ayusin ngayon yung sarili ko ulit dahil baka umepekto rin ito sa bata

Mabilis lang yung naging araw at ngayon na yung flight ko, gabi alis ng eroplano kaya natuwa ako dahil makakapag pahinga ako doon. Wala akong pinagsabihan ng mga nangyari sa akin, pati sa iisa kong bestfriend na si Cassie ay hindi ko ito binanggit. Ayoko ng idamay pa siya sa problema ko. Tsaka ko na ipapaalam sa kanya kapag okay na ang lahat para akin

"Mag iingat ka doon ha, tumawag ka kaagad sa akin anak kapag nakarating ka na..." paalala sa akin ni mama kaya tumango ako, hinatid nila ako dito sa airport. Ngumiti at niyakap ko siya pati rin si tito

Pumasok na ako sa loob dahil baka maiwan pa ako, ang bigat ng pakiramdam ko, sobra. Hindi ko inaasahan na darating ako sa part na kailangan kong umalis ng bansa for fuck sake.

Bandang 9 pm ay lumipad na ang sinasakyan kong eroplano pumwesto ako sa bintana kaya kitang kita ko yung city lights ngayon

Kahit nasaktan ako ni joaquin ay naiisip ko parin siya hanggang ngayon, alam kaya niyang aalis ako?

Nagising ako dahil sa tumatamang sinag ng araw sa mukha ko, ng idilat ko na yung mga mata ko ay umaga na. At mukhang nandito na ako sa spain

Isa isa na rin bumababa yung mga pasahero kaya naman tumayo na rin ako para makababa na. namangha ako sa ganda nitong madrid spain, hindi ko inaasahan na makakapunta ako dito.

A Sin That We Both GuiltyWhere stories live. Discover now