Chapter 17

2.6K 24 0
                                    

Hindi pa rin kami nakakapag usap ng maayos nila mama dahil sa tuwing nagtatangka silang lumapit ay umiiwas ako, hindi nila ako masisisi dahil alam nila na galit ako sa kanila at hindi ko rin masisisi yung sarili ko kung ganito yung nararamdaman ko ngayon dahil sa kanila.

Weekend ngayon, katatapos lang namin mag dinner paakyat na ako sa hagdan ng hawakan ako ni mama sa braso, kaya magkasalubong yung kilay kong humarap sa kanya.

"Pwede ba tayo mag usap?" Sambit niya, pumayag naman ako, kaya pumunta kami sa kwarto ko.

Umupo ako ganoon din siya pero malayo ako sa kanya, dito kami dumiretso sa balcony.

"Anong sasabihin niyo?" Sambit ko sa kanya

"Nag usap kami ng tito mo..."

Tinitignan ko lang siya ngayon habang magka krus yung kamay

"Na hihinto kana sa pag aaral dahil sa spain mo na itutuloy, doon kana rin muna titira hanggang sa manganak ka"

"Ano?"

Napatayo ako dahil sa sinabi niya tsaka hindi makapaniwalang tumingin sa kanya.

"Magdedesisyon nanaman kayo sa buhay ko ganon?" tumawa ako ng sarkastiko tsaka hinawi paatras yung buhok ko.

"Anak mas magiging maganda ang buhay mo doon, nakausap ko na rin ang tita mo at pumayag siyang doon ka tutuloy sa kanya"

"Ma naman, ayoko, hindi ako aalis dito kung gusto niyo kayo ang tumira doon"

Irita kong sambit sa kanya, ano? kaya nila ginagawa ito para lalo na kaming magkalayo ni joaquin? umalis ako sa harapan niya tsaka lumabas, tinawag niya pa ako pero tuloy tuloy lang akong lumabas tsaka dumiretso sa tabing pool, may mga ilaw dito kaya hindi masyadong madilim yung paligid.

Hindi ko na rin natatawagan si joaquin, isang buwan na. Wala na akong balita sa kanya kaya lalo akong nainis, hindi ako pumasok sa loob hangga't hindi sila nakakatulog.

Monday na ulit ngayon kaya pumasok na ako, pagdating ko dito ay wala pang masyadong tao dahil masyado pang maaga. Sinadya ko talagang pumasok ng ganitong oras para iwasan sila mama.

Wala na ring araw ng nagdesisyon akong uuwi na. Pero pumunta muna ako sa isang convenience store para bumili ng pagkain, nag ccrave kase ako sa matcha at mga spicy food. nang makabili na ay nagbayad na ako tsaka umalis.

Maliwanag yung daan kaya naglakad nalang muna ako, doon pa kase sa kanto yung sakayan kaya nilakad ko na. Ayoko naman magpahatid pa kay cassie dahil masyado na rin siyang busy ngayon.

Napadaan ako dito sa isang bar, kumunot yung kilay ko ng makita yung sports car ni joaquin dito, maya maya ay napahinto ako dahil nakita ko siyang lumabas na may kasamang babae, nagtatawanan silang dalawa at halatang parehas na lasing.

Sinandal niya pa ito sa sasakyan niya tsaka hinalikan, naramdaman kong kumuyom yung dalawa kong kamao dahil sa nakita ko na iyon, lalong uminit yung ulo ko ng sinakay niya iyon sa sasakyan niya.

Agad akong lumapit sa kanya tsaka siya sinalubong ng sampal, nagulat siya dahil doon. Nang tumingin siya sa akin ay nag iba ang awra ng mukha niya, ang kaninang mukhang adik na lasing, ngayon ay nakatingin sa akin na akala mong may gustong sabihin ang mga mata, mukha itong nakikiusap ngayon sa akin, kitang kita ko ang panlalambot nito sa akin.

"Ano, kaya ba wala kang paramdam sa akin ha! Dahil ito ang inaatupag mo?!"

"Go away, don't bother me anymore" nagulat ako dahil sa sagot niya na iyon sa akin, anong go away pinagsasasabi nito?

"Who is she-"

"Manahimik ka d'yan ha, hindi ka kasali dito isusungalngal ko sa bibig mo 'tong dala dala ko!"

A Sin That We Both GuiltyWhere stories live. Discover now