Chapter 15

1.7K 15 0
                                    


Kaagad kong pinulot yung nalaglag ko tsaka tumikhim para maitaboy yung namumuong pagkailang sa paligid. hindi parin kumikibo si joaquin kaya nilingon ko siya pero huminto rin siya sa pagkain at nakaiwas ng tingin.

"May problema ba anak?" Nag aalalang tanong ni mama sa akin, kaagad akong umiling.

"Ah wala po!" Sagot ko naman tsaka tumawa ng naiilang, pinagmasdan niya ako tsaka nalang siya tumango.

"Sigurado akong masayang masaya kayong dalawa dahil magiging isang kapatid na talaga kayo" ngiti ni mama, akala mo lang ma.

"Why does it have to follow yani's name to our last name?" Tanong ni Joaquin kaya napatingin sa kanya sila tito at ako, hindi namin inaasahan itong mga gagawin nila, sigurado akong kapag natuloy nga 'yun ay wala na kaming dahilan pa para ituloy kung ano man ang namamagitan sa amin ni joaquin.

"Because she will be my daughter too, she will be your sister when her mom and I get married"

Hindi na kami kumibo pa, dahil baka mamaya kapag umangal pa kami ng umangal ay makahalata na sila sa amin.

Nang isusubo ko na itong steak ay naramdaman kong parang hinahalo yung sikmura ko kaya napatayo ako tsaka dumiretso sa bathroom dahil nasusuka ako, kaagad akong sinundan ni Joaquin pero hindi ko siya nilingon dahil nga nasusuka na ako.

"Yani, are you okay?" Rinig kong tanong ni joaquin mula sa labas, ng mahimasmasan ako ay lumabas na rin ako tsaka muna nagmumog

"What happened to you?"

"Hindi ko alam, parang hindi ko nagustuhan yung amoy nung steak"

"What? Nagluluto naman ng ganiyan sa bahay diba?"

"Nanibago lang siguro ako" sagot ko, tsaka na ako lumabas at sumunod naman siya.

"Anong nangyari sayo anak? Ayos ka lang ba ha?" Agad akong nilapitan ni mama tsaka hinawakan yung dalawa kong pisngi.

"Ayos na po ako ma, nanibago lang siguro ako sa mga pagkain dito" sagot ko sa kanya tsaka na kami umupo ulit, hindi nalang ako kumain dahil baka maduwal nanaman ako tsaka nawalan na rin ako ng gana, dahil masama na yung pakiramdam ko.

Nang makauwi kami ay kaagad akong humiga sa kama dahil pagod na pagod yung pakiramdam ko. Kahit wala naman akong ginawa, siguro dahil lang ito sa byahe.

Kinabukasan ay sabay sabay ulit kaming nag almusal tsaka na umalis para pumasok, may exam kami ngayon kaya hindi pwedeng hindi ako makapasok. Nang matapos iyon ay dumiretso kami ni Cassie sa cafeteria para maglunch na.

"Bakit hindi ka kumakain?" Tanong niya sa akin, naubos na niya halos 'yung pagkain samantalang ako ay tulala lang, nahihilo.

"Wala akong gana" sagot ko naman, kahit nagugutom na ako ay hindi ko trip kumain, pakiramdam ko ay iluluwa ko lang din, sayang naman.

"Parang ang sarap ng mais na may mayo" napa awang 'yung labi niya dahil sa sinabi niya, tinignan ko siya at mukhang nandidiri yung tingin niya ngayon sa akin.

"Cravings ba 'yan? So weird ha" sagot niya tsaka uminom ng ice tea.

"Hindi ko alam, siguro" Sagot ko, hindi rin maganda yung pang amoy ko ngayon, hindi talaga maganda pakiramdam ko, kung wala lang kaming exam ay nag absent na ako, pero mayroon.

Nang maghapon na ay kasabay ko na si joaquin ulit umuwi, hindi ko alam bakit ako nairita ng makita ko siyang nagdidrive.

"Bakit nagmamaneho ka? Itigil mo nga yan" irita kong utos sa kanya kaya nagtataka siyang tumingin sa akin ngayon

A Sin That We Both GuiltyWhere stories live. Discover now