Chapter 14

1.3K 14 0
                                    

Isang linggo na yata kaming hindi nag uusap ng maayos ni Joaquin. kung mag uusap man kami ay sa harapan lang nila mama, mga bahagyang pag uusap lang iyon

Hindi ako makapag review ng maayos ngayon dahil sa mga na sa utak ko, napatingin ako sa apat na babaeng tumayo sa harapan ko ngayon.

Nakita kong pinagmasdan ako ng mga ito tsaka umupo sa upuan sa harap ko, na sa library kami at na sa dulo ako kaya naman wala talagang makakita sa amin dito

"Do you really think of Joaquin as just a stepbrother?"

"Ano bang klaseng tanong yan?" Irita kong sagot sa kanya

Bigla niyang hinampas yung table, pero hindi ako nasindak, alam ko isa ito sa mga babaeng galit din sa akin, isa rin ito sa mga babaeng delusional na akalang girlfriend sila ni Joaquin

"When I talk to you, answer me properly-"

"Sige ilapat mo yang kamay mo sa mukha ko, tignan natin kung anong gagawin sayo ni joaquin kapag sinabi ko sa kanya ito" bigla siyang napahinto dahil doon, binaba niya yung kamay niya tsaka gigil na gigil na tumingin sa akin at umalis

Napahinga ako ng malalim dahil doon, niligpit ko yung gamit ko tsaka dumiretso sa restroom, habang nandito ako sa isang cubicle ay may narinig akong mga estudyante na nag uusap usap sa labas

"That's why Joaquin lost the race because he caught his stepsister flirting" nagtawanan pa sila, pinakinggan ko lang yung pag uusap nila ngayon

"It's obvious that the two of them have a relationship, Joaquin wouldn't be like that if his stepsister didn't flirt with him"

Nag init yung ulo ko dahil doon, pero pilit kong pinakalma yung sarili ko para hindi makagawa ng kung ano mang eksena na magpapahamak sa akin.

Nang marinig kong wala na sila ay lumabas na ako ng cubicle tsaka naghilamos. tumingin ako sa salamin napakuyom yung mga kamay ko dahil sa mga taong ganoon mag isip, kahit hindi alam kung anong nangyayari ay sumasawsaw

Nang matapos yung klase ko maghapon ay umuwi na rin ako kaagad, hindi ako sanay ng ganito na hindi ko siya kasabay umuwi galing school, hinatid lang ako nila cassie kaya ako nakauwi ng ligtas

Pagdating ko ay tahimik ang buong bahay, umakyat ako sa taas tsaka naligo. Nagpatuyo ako ng buhok tsaka na nagreview, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa desk ko kaya naman nagising ako ng hating gabi

Bumaba ako, pero kaagad akong huminto ng makita doon si Joaquin na umiinom, pinagmasdan ko siya malalim yung mata niya, at halatang walang tulog nababalitaan ko rin na hindi siya pumapasok kaya malakas ang loob ng mga babae niya na awayin ako dahil wala siya, at hindi alam ni tito na hindi siya pumapasok

Nagulat ako dahil umiyak siya, akmang bababa na sana ako pero nagulat ako dahil hinawakan ako ni mama tsaka umiling sa akin

Andito kami sa kwarto ko, tumabi sa akin si mama tsaka huminga ng malalim

"Nasa ibang bansa ang tito mo, mayroon siya doong inaasikaso, pero hindi ko nalang sinasabi sa kanya yang nangyayari kay joaquin" panimula niya kaya napalingon ako sa kanya

"Hindi ko alam, ilang gabi na akong nagigising na ganyan yan lagi" dugtong niya pa, dahil ba ito sa naging away naming dalawa? O may iba pa?

"Hayaan mo muna siya, minsan ko na rin siyang kinausap pero, wala siyang sinasabi"

"Susubukan ko siyang kausapin ma, makikinig sa akin yan" sambit ko kay mama, tinitigan niya lang ako kaya umiwas ako ng tingin

Umalis na si mama dahil sinabi kong inaantok na ako, ng makitang pumasok na siya sa loob ay dahan dahan akong bumaba, pero ng lingunin ko yung kusina ay wala na si Joaquin doon kaya nagtaka ako

A Sin That We Both GuiltyWhere stories live. Discover now