Chapter 13

1.3K 21 1
                                    

Mabilis lang yung naging araw, dumating sila mama dahil magkakasama kami dito na nag new year

Bored na bored akong nakahiga ngayon sa kama ko. It's 7 pm kaya nag scroll nalang ako sa ig ng biglang dumaan itong account nung magaling na lalaki na iyon, kaya inistalk ko. May story siya na nagrereview at yung pangalawa ay na sa party?

Five minutes palang iyon, vinivideohan niya lang yung mga nandoon habang may hawak na alak sa kamay. May nakayakap din sa kanya na babae kaya biglang naningkit yung mga mata ko

Nasa following list siya ni cassie, kaya kaagad ko na rin siyang finollow, tinignan ko pa yung mga naka highlights doon picture niya lang, sa party, sa pag aaral niya, at noong nandoon kami sa bundok

Tinignan ko iyon, nakita ko yung sarili ko doon pero nasama lang ako dahil inikot niya lang sa paligid yung camera, nasama ako habang nagvivideo sa mga fireworks.

Nagnotif yung phone ko at si cassie iyon, niyayaya ako sa party kaya naman napangiti ako at kaagad nagbihis para sumama. hindi pwedeng siya lang ang nagsasaya ngayon. kung may babae siya maghahanap din ako ng lalaki ko, ganyanan pala gusto niya

Mabilis lang akong naligo tsaka na nagbihis. Nagsuot lang ako ng black bra at dinoblehan ko ng black petite mesh slong sleeve  na black at leather skirt din na black. Kinulot ko rin ng mabilis itong buhok ko tsaka nagsuot ng jewelry. Hindi na ako nagpaalam kaila mama dali dali na akong bumaba para hintayin sila cassie

"Hello yani!" Masigla nitong bati sa akin tsaka bumaba at bumeso, tinignan niya ako tsaka siya napatakip sa bibig kaya nagtaka ako

"You're so fucking damn gorgeous!"

Nagkibit balikat nalang ako sa kanya tsaka na kami umalis. Malapit lang pala yung party na ito, at ito rin yung party na nasa story ni joaquin, lagot talaga sa akin iyon

"Andito ba si joaquin?"

"Yeah, i said to you before that there's no party without him. The party boy"

Sambit niya tsaka na kami naglakad papasok doon sa loob, agad niya akong binigyan ng alak at kaagad ko rin iyon ininom. Maraming tao ang nandito kumpara doon sa ibang party na napupuntahan namin, at open area rin ito, malaki yung space

"Yani let's go, joaquin have race!"

Hindi pa naman ako umiinit sa kinatatayuan ko ay hinatak na ako ni cassie, tsaka dinala doon sa madaming tao kung saan magaganap yung race ni Joaquin. Pilit kaming sumiksik sa mga tao para mapunta sa harapan, at nakita namin si joaquin na nandoon sa harapan sa starting line, kasama niya yung isang sasakyan din

Pinanliitin ko siya ng mata ng tumingin siya sa akin, nakita kong napailing siya ng pumutok na yung baril na hawak ng babae, at nauna na yung kalaban niya.kaagad niyang pinaharurot yung sasakyan tsaka humabol doon. May mga nag chicheer rin sa kanya at sa kalaban niya. Mukhang pustahan yata ito

"Yani?" Napatingin ako sa nagsalita sa gilid ko, namukhaan ko siya kaagad kaya humarap ako

"Dominic?" Ngumiti siya tsaka tumango, ngumiti rin ako sa kanya pabalik. Binigyan niya ako ng baso ng lemonade kaya kinuha ko iyon sa kamay niya

"Let's go there" aya niya sa akin tsaka ako hinawakan sa bewang, kaagad kong tinanggal yung kamay niya, kaya napatingin siya sa akin at nagsorry. Ngumiti nalang ako ng marahan para hindi siya ma offend. Dahil sa pangyayari sa akin noon ay nagkaroon na ako ng trauma, kay Joaquin lang talaga ako komportable

"Pero nanonood pa ako e" sagot ko naman sa kanya, gusto kong panoorin yung laban ni Joaquin kung sino ang mananalo

"Mananalo rin si joaquin dyan" sambit niya kaya naman sumama nalang ako, umupo kami dito sa isang sports car din na naka park, lahat ng tao dito ay nakatutok doon sa karera ngayon

A Sin That We Both GuiltyWhere stories live. Discover now