" Madaming work eh tsaka need kong tapusin yun kasi may project kaming gagawin " malambing na sabi ko sa kanya.

Hinaplos haplos nya ang ulo ko kaya naman medyo nararamdaman ako ng antok . Hindi ako natulog ng maayos kasi nga iniisip ko kung paano ko matatapos lahat ang gawain ko . Dalawang company pa lang yun sobrang dami agad ng gawain . Hindi ko naman inaakalang magiging busy ang isa sa pinag kakatiwalaan ko.

Nagising ako dahil sa bigat ng katawan ko . Nakatulog pala ako , pag mulat ko ng mata ay agad bumungad ang magandang mukha ni kiera sakin , napangiti naman ako dahil minsan lang sya maging clingy at ngayon sinusulit nya talaga . Hinaplos ko buhok nya pababa sa likod nya . Ang himbing naman ng tulog nya siguro pagod na pagod na naman sya .
Hinalikan ko ulo nya na palagi kong ginagawa sa kanya.

" Uhmm gising kana pala " natawa ako ng mahina dahil napapiyok pa sya .

" Kakagising ko lang po " tumango na lang sya at pumikit .

" Mamaya ay uuwi na ako " napangiti lang ako dahil mukhang nasa mood nga talaga sya .

" Kumain ka muna bago umuwi " aniya ko .

" Tara labas tayo " yaya nya at umalis na sa ibabaw ko .

Tatayo sana ako ng sumakit ang likod ko na kinatawa ko na lang , gawin ba naman akong kama .

" Kaya pa " aniya nito ng nakangiti .

" Oo kaya ko , gawin mo ba naman akong kama eh ang bigat bigat mo kahit sexy ka " aniya ko inirapan nya lang ako .

Tumayo na ako at kumuha ako ng jacket sa kabinet at ibinigay sa kanya . Ang sexy ba naman ng suot nito kahit simple lang .

" Sexy mo talaga " aniya ko na kinangiti nya naman, naks naka three points yata ako dun ah hahaha corny ko.

Nag punta kami sa isang fast-food at hindi na sa restaurant mas gusto pa naming kumain dito kaisa dun .
Nag palingon lingon ako sa paligid dahil pakiramdam ko may nakatingin samin . 'Wag naman sana ngayon sila mang gulo ang ganda ganda ng gabi ko para sirain lang nila.

" Elle focus ka na sa pag kain mo " napalingon ako kay kiera ng mag salita ito.

Tulad ng sinabi nya ay nag focus ako sa pag kain ko pero hindi talaga ako mapakali eh para talagang may nga nakatingin imposible namang yung mga tao dito dahil nga hindi ako mapalagay ay may tinext akong tao .

" Sino yan ? " tanong nya.

" Ahh kapatid ko nireplyan ko lang " sagot ko , tumango na lamang ito at nag patuloy sa pag kain .

After naming kumain ay inihatid ko na si kiera sa bahay nila at mukha namang wala ng nakatingin samin .

* Phone's ringing.....*

Agad kong sinagot yung tumatawag sakin . Hindi ako papayag na may ibang mangyari.

" Hello boss , ayos na nasa hide out na sila " napangiti naman ako dahil napaka galing talaga nila.

" Good pupunta ako dyan " aniya ko at pinatay na yung call.

Dumeretsyo ako sa pinag lalagyan ko ng mga collection ko at ginamit ko yung bigbike ko .

Hindi dapat palagpasin yun, maling mali ang ginawa nila , kaya naman kung sino man sila humanda sa sakin.




******


" Boss ayan sila " aniya kaya naman napatingin ako sa gilid kung saan sya nakaturo. Buti na lang at naka maskara ako at naka piring ang nga mata nila kaya naman hindi nila ako makikilala.
Lumakad ako papunta sa apat na taong nakatali sa upuan .

" Pwede ba pakawalan nyo kami ! " teka yung boses na yun.

" Ano ba ang ganda ko namang bihag ! " maktol pa ng isa

" Kapag ako nakawala dito humanda kayo sakin !" sabi naman nung nasa kaliwa .

" Sino ba kayo ah hindi naman kami masamang tao ! " familiar sakin ang huling boses na yun .

Nang makalapit ako ng tuluyan ay ganun na lang ang ngiwi ko . Ibig sabihin sinusundan ako ng mga ito at ano naman ang kailangan nila sakin.

" Familiar sakin yung scent na yun ah ! " aniya ng isa at napalayo naman ako ng bahagya hindi ako nakapag palit jusko .

" Baka nag kakamali ka lang " aniya ng katabi kong lalaki.

" Ikaw lalaki ka babasagin ko yang kaligayahan mo kapag hindi mo kami pinakawalan ! " sigaw ng isa na short ang buhok.

" Isusumbong ko kayo kay louise! " hays bakit kasi nila ako sinusundan may bago pala siyang kaibigan. Oo tama kayo ng nababasa kaibigan ko lang naman yung sumusunod samin.

" Boss ano patayin na natin yan ! " aniya .

Suminyas ako sa katabi ko na pumunta kami sa may gilid dahil may sasabihin ako sa kanya.

" Bakit boss ?" tanong nya, agad ko syang binatukan dahil ang tagal tagal nya ng nag ta-trabaho sakin hindi nya pa nakilala itong kaibigan ko.

" Kaibigan ko yung bihag nyo " binigyan ko sila ng tig iisang batok . Buti na nga lang yun lang binigay ko sa kanya.

" So ganito dalhin nyo sila sa labas ng highway at dun nyo sila pakawalan , ako ng bahala sa kanila " seryosong sabi ko at nauna ng lumabas . Itinawag ko na lang sa isang tauhan ko na dalhin sakin yung kotse ko na palagi kong ginagamit.

Itinext ko sa kanya ang saktong address, buti na lang at hindi liblib itong lugar pero kahit ganito napaka tahimik naman , tsaka meron ditong seven eleven at dun ako nag tambay muna.

Nakita ko naman na palabas na ng highway yung sasakyan napailing na lang ako ss kalokohan nila , grabe sasusunod talaga lalagyan ko ng bantay itong kaibigan ko. Nang maalis nila yung tali sa kamay ng kaibigan ko ay agad silang sumakay sa sasakyan at pinaandar ito ng mabilis. Abnormal nga talaga.

Bumili ako ng pag kain sa seven eleven para naman hindi halata ang pang panggap ko na wala akong alam sa nangyari . Nakita ko naman na nag mamadali silang tanggalin yung mga tali at takip sa mata nila . Kabado bente akong napalunok ng sarili kong laway dahil tumingin sa dereksyon ko si xai agad- agad nitong hinila yung dalawa .

Kinain ko yung siopao na binili ko at hindi pinansin ang tatlong babaeng papunta sakin . Bwisit ang linaw talaga ng mata nya .

" Louise ! " sigaw ng kaibigan ko at agad akong niyakap . Napakagat labi ako dahil nanginginig ito at nakinig ko ang mahinang pag hikbi nito.

" M-may dumukot samin , d-di ko alam kung a-ano t-trip nila " hirapang sabi nito dahil sa pag hikbi nakaramdam ako ng guilty at inis sa sarili ko.

" Shhhhh nakilala mo ba kung sino " umiling sya .

Hinawakan ko ang mukha nya , shit naiyak na nga sya talaga , pinunasan ko ang luha nito at hinalikan ang forehead nya tinignan ko yung dalawa nyang kasama na nakangiti at parang walang nangyari sa kanilang masama .

Yumakap ulit ito sakin at jusko po nakikiliti ako sa ginagawa nya , isiksik ba naman nya yung mukha nya sa leeg ko.

" Ehem hindi naman siguro nakakahiya samin noh " singit ng isa sa kaibigan nya.

Nakita ko naman na gumilid na yung pinadala kong kotse ,suminyas na lang ako na okay na .

" Uwi na tayo " aniya ni xai.

" Uuwi na na talaga kita kung saan - saan ka ng e-explore at kayong dalawa iuuwi ko na rin kayo " aniya ko inakay ko silang tatlo papunta dun sa sasakyan.

Sana naman hindi mag karoon ng trauma itong babaeng ito jusko po mapapatay ko talaga yung mga lokong yun .

YOU are The ONE  Where stories live. Discover now