Napangiwi ako ng makita ang mata nitong matalim na naka tingin sa babaeng katabi ko. Bigla tuloy akong pinag pawisan .

" Y-ynzo sa tabi na lang ako ni xai " bulong ni ysa at agad na tumayo at tumabi kay xai. Pinag papawisan din pala sya sa awra nitong babaeng malapit na samin.

Pag tabi nito sakin ay agad akong naka tikim ng kurot sa tagiliran na . Napangiwi na lang ako sa sakit . Napatingin ako sa dalawang babae na nag iimpit ng tawa . Parang kanina lang pinag papawisan si ysa at masama pa ata loob ni xai pero ngayon tinatawanan na ako.

" Hello ms. Montefalco, ms. Alfonzo, ms. Aguirre and ms. Montereal " bati ng dalawa .

" Kaya pala madaming order ano plano nyo ito noh hahahaha " tumatawang sabi ni xai . " Louise pautang muna ah sayo ito naka charged lahat " laglag ang balikat ko sa sinabi ni xai na yun .

" Grabe ka ! Akala ko ba libre mo ! " tinawanan lang ako ni bruha .

" Date na lang kita mamaya " aniya nitong babaeng katabi ko at hinawakan kamay ko na nasa ilalim ng lamesa.

" Grabe parang kayo ang nag plano eh kasabwat nyo lang itong si ms. Montefalco at itong si kiera eh " nakasimangot na sabi ko.

" Hindi ah sadyang nakalimutan ko lamg dalhin wallet ko " tumatawang sabi ni xai.

" Ayos kain na " aniya ng iba at ako ito nakasimangot na sumadadok ng pag kain.

" Bawal sayo yung masyadong malangis " pigil nito sa pag kuha ko ng kaldereta .

" Kunti lang po " aniya ko , umiling lang sya .

Kumuha na lang ako ng iba na hindi mayasdo malangis. Bawal pala sakin yun hindi ko naman kasi alam . Basta iba yung pakiramdam ko kapag kumakain ako ng malangis hindi ako masyado makahinga hahaha.

Inalis ko pag kahawak ni kiera sa kamay ko at nilagay ko sa hita nya kamay ko nakakahiya talaga ang lambot ng kamay nya yung akin parang bakal puro kalyo pa ata hahaha.

" Hoy kamay mo ! " natawa na lang ako sa reaction ni xai .

" Grabe napahawak lang eh " aniya naman ng isa .

" Ikaw kamay mo sarap na sarap ah " mahinang sabi ng katabi ko. Namula naman ako . Napabungisngis naman sya dahil sa itsura ko.

" Ehem love birds baka naman mamaya pa maubos pag kain nyo nyan hahaha" aniya ni xai,parang kanina lang badtrip sya ah napaka moody nya rin eh.

" Babayaran moko xai " seryosong sabi ko dito. Tumango lang ito pero duda akong babayaran nya talaga ako .

Hinaplos ko hita ni kiera habang patuloy akong kumakain , hinawakan nya yung kamay ko ng mahigpit para pigilan sa ginagawa ko . Grabe ang sakit nya talaga mangpisil ng kamay ahahaha.



******


Sobrang saya at kilig ang nararamdaman ko ngayon dahil sa babaeng kasama ko . Sobrang sweet at clingy nya sakin ngayon . Nandito kami sa condo ko , dito daw sya hanggang gumabi .
Nakayakap ako ngayon sa kanya parang ninanamnam ang bawat minutong kasama sya .

" I love you " bulong ko sa may bandang tainga nya. Napabungisngis sya saglit dahil nga malakas ang kiliti nya sa bandang yun.

" I love you too " tugon nito na kinangiti ko naman.

Akala ko talaga mag dadate kami katulad ng ginagawa ng ibang mag jowa pero hindi pala niyaya nya muna ako bumili ng gummy tapos sabi nya deretsyo na kami dito.

" Sabi ni xai hindi ka daw masyadong nag papahinga" napalibite ako dahil parang sinapian ang girlfriend ko ngayon dahil first time yata nya akong lambingin hahaha.

YOU are The ONE  Where stories live. Discover now