Chapter 179: Boss Dungeon Planning

Start from the beginning
                                    

"Ay magkaiba ba 'yon?" Noah innocently asked.

"Yup, usually three weeks ang processing ng passport." Sagot ko sa kaniya.

Sina Kiel, Oli, Noah, at Tristan ang kukuha ng passport. Samantalang si Callie at Sandro naman ay may interview sa Maynila kung kaya't iilan lang din kaming maiiwan sa boothcamp para sa boss dungeon.

Kaniya-kaniya na silang gayak para sa kanilang mga lakad samantalang ako ay nahiga sa couch upang panoorin ang interview ni Liu sa China. He was introduced already as a player of  Young Glory (China team).

"Sino 'yan, si Liu?" Tanong ni Larkin at umupo sa tabi ko upang makinood. "Grabe talaga mga camera sa ibang bansa. Mukhang ang linis-linis ni Liu tingnan diyan samantalang dugyutin lang sa Pinas 'yan."

"Grabe ka naman kay Pekeng Chinese. Chinitong-chinito nga iyan." Pero true, hindi ko alam kung anong camera ang mayroon sa China, parang laging naka-filter ang mga tao ro'n.

Sa interview ay may translator si Liu at sumasagot siya ng english since hindi naman siya lumaki sa China talaga and very limited lang ang alam niyang chinese words.

"How do you feel that you will probably against with your old teammates in the Philippines?" The interviewer asked Liu.

Sunod-sinod na camera ang nag-flash noong sasagot na si Liu. "Naknamputa. Guwapo ah." Natatawang sabi ni Larkin. Number one basher talaga kahit kailan.

"I actually expected it that I will up against them and maybe they are more shock with the news that I am representing China team. There's no issue with that, they are still my friends and will be just a rival in a higher level tournament." Liu answered at napatango-tango ako.

"Will you not go easy with them? Or sabotaged the Young Glory? Philippines is your home but you are representing the China." Pabirong tanong noong isang press.

"Yup it's true that I lived in the Philippines for many year but it's not a good reason to neglect the team that I am currently part of. Uhm... the China team trusted my skill so I will do my best to win the tournament." Liu answered at napangiti ako dahil ang galing na ni Liu sumagot sa mga interviews.

I clearly remembered na iniiyakan niya dati na ipasok siya sa laro noong nasa Battle Cry kami but here he is, representing one of the biggest country in the world for an international tournament. Oo magkalaban kami this time pero hindi pa rin mawawala ang pagka-proud ko sa kaniya. He really come so far at kung nasaan man si Liu ngayon ay deserved niya iyon dahil pinaghirapan niya iyon.

Choji caught our attention. "Guys, meeting tayo in 5 minutes para sa boss dungeon. We also need to be productive habang busy din sila Coach."

Pagkarating ko sa meeting room ay saktong anim na players lang kaming naririto (Ako, Thaddeus, Leon, Choji, Kurt, at Larkin).

Thad is the second one who entered. "Muscle pain?" He asked while smirking. Mukhang napansin niya na iniinda ko ang sakit ng braso ko at panay ang masahe rito.

"Ngayon lang 'to, first time. Nabigla lang ang katawan ko. Kapag naging part na siya ng routine ko ay baka talunin ko na kayong dalawa ni Leon." Depensa ko. Pero legit, ang intense niyang workout but at the same time ang sakit din dahil puro pasa ang kamao ko dahil sa tuloy-tuloy na pagsuntok.

"You are underestimating my sports pa, ah." He said and drink the mogu mogu.

Pumasok na sila Choji sa meeting room at nagsimula na ang meeting namin para sa isasagawa naming boss dungeon.

"'Yong dungeon na papasukin natin ay ang Underpass of Lost Hope. One of the new dungeons in Hunter Online that was added last patch. The level of monsters here are between 87-92 kung kaya't masasakit din ang mga damage nila." Sabi ni Choji. He connected his laptop to the projector para mas ma-visualize namin ang plano niya.

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now