Prologue

4 1 0
                                        

PROLOGUE



Magkayakap ang magkasintahang si Kim at Aj sa tabi ng dalampasigan na kanilang pinuntahan. Masasabi ng babae na talagang mahal na mahal siya ng lalaki sa pamamagitan ng yakap nito. Ito lang ang lugar na payapa siya. Sa tabi ng kanyang nobyo na si Aj. Mahal na mahal niya ito kahit matanda ito sa kanya ng apat na taon. Si Kim ay nasa labing pitong taong gulang pa lamang  samantalang dalawampu't isa na ang kanyang nobyo. Hindi nila alintana ang agwat ng edad sapagkat silay nagmamahalan ng totoo. Pero dumating ang araw na kailangan nilang magkalayo. Gusto nang magulang ng babae na sa Italy na sila titira at doon na ipagpatuloy ang kanyang pag aaral. Ayaw man niyang malayo sa kanyang nobyo ay wala na siyang magawa pa.




"I love you. You know that right?" Mas inihilig pa ni Kim ang kanyang ulo sa dibdib ng lalaki habang pinapakinggan itong nagsasalita. Mabigat ang loob niya dahil ilang araw nalang aalis na sila. Di siya sanay na mahiwalay sa nobyo. Magkapit bahay lang din kasi sila kaya napakasakit ang mapalayo sa kanya.



"My birthday is coming. And when that time comes i can inherit my family's business. I can take care of you." Mas lalong humigpit ang yakap ng lalaki sa kanya. Ayaw nitong sasama siya sa kanyang magulang papuntang italy.


"Nag usap na tayo tungkol dito. Diba? Ayaw ko mang mawalay sayo pero Aj ang babata pa natin. We can still be in a relationship pa naman while im away." Mahal na mahal niya itp pero di niya kayang suwayin ang mga magulang.


"So you choose them over me?"  kumalas sa pagkakayakap ang lalaki at hinarap siyang may madidilim na mukha.


"Love, it's our date. Wag tayong mag away please. Atsaka bata pa tayo marami pa tayong mararating. Wag mo naman ako papipiliin" Hinawakan ng babae ang mukha ng lalaki at pinaharap ito sa kanya pero umilag ito at pumikit ng mariin.



"Kaya nagdadalawang isip ako na ligawan ka dati ehh!! Ang bata bata mo pa at alam kong darating ang araw na iiwan mo ako. Damn woman, kaya naman kitang buhayin. You promise me na hindi moko iiwan. Then fullfil your promise" nasaktan ang babae sa sinabi ng lalaki pero naintindihan niya ito dahil talagang mahal lang siya ng lalaki.


"I know. I know! Pero sana maintindihan mo ako Aj. Hindi lang sayo umikot ang mundo ko  kailangan ko pa ng magulang." Napapikit ang babae dahil sa mariing hawak ng lalaki sa kanyang balikat.


"My mom and dad is here. They can be your parents too." Mariin at madilim na pagkasabi niya dahilan para mapaigik ang babae sa sakit.


"A-aj, nasasaktan ako" lumuluhang sabi ng dalaga ngunit mas diniin pa ito lalo.


"Mas masakit ang nararamdaman ko ngayun. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba Kim. Nangako ka Kim. Nangako ka" Tuluyan nang napaiyak ang dalaga dahil sa nakikita niyang luha sa mga mata ng binata. Tumayo siya't niyakap ito ng mahigpit. Pareho silang nag iiyakan.





"Kung aalis ka it means, you choose to breaking up with me. Kakalimutan kong may nakilala akong Kim Ashley Sanchez sa buong buhay ko"
















#hello

INTO YOU AGAINLa tua prossima ossessione. Scoprilo ora