Chapter 10

1.6K 17 0
                                    


Isang linggo na rin yung nakalipas ng mag birthday itong si joaquin, at dumating na rin sila mama. Kaya sabay sabay na ulit kaming kumakain. Yung sasakyan na regalo ni tito kay joaquin ay dumating na rin, pang racing iyon ang sabi niya ay chevrolet corvette daw iyon, kulay silver.

"Kamusta yung birthday mo doon?" Nakangiting tanong sa kanya ni mama, napahinto naman ang lalaki sa pagkain tsaka nilingon si mama

"Masaya naman tita, nag enjoy kaming lahat" sagot niya

"How's the food? Masarap din ba?"

Si tito naman ang nagtanong ngayon, nakita ko yung pagngisi ni joaquin dahil sa tanong na iyon

"Yes dad, the food I had there was very good..."

Habang sinasabi ni joaquin iyon ay nakatingin sa akin, tsaka nakangiti ng nakakaloko kaya pinadilatan ko siya ng mata, tumawa siya habang napapailing. Alam ko na kung ano yung tinukoy niya sa sinabi niya na iyon manyak talaga

"Babalik kami sa pasko doon sa canada, at balak din namin kayong isama" sambit ni mama, napahinto naman ako sa pagkain, hindi ako mahilig magbyahe at nahihilo ako kaagad sa mga malalayong ganoon

"Ma, hindi po ako makakasama dito nalang ako"

"Bakit naman anak?"

"Mahihilo lang ako sa byahe, atsaka may aasikasuhin din po ako" sambit ko, malungkot naman na tumango si mama

"Ikaw joaquin?"

"Ah, I have an exam the next day, so I can't go with" sagot din ni joaquin

Bandang tanghali ay walang tao sa bahay, si tito ay na sa kompanya nila habang si mama ay may bibilhin daw kaya umalis, namamahinga rin yung mga helpers

Pagpasok ko dito sa kwarto niya ay nakita kong may ginagawa siya sa loptop

"Hoy"

"What?"

"Ano nanaman pinagsasabi mo kanina doon ha, ikaw napaka kapal talaga niyang pagmumuka mong lalaki ka" natigilan lang ako sa pagtatalak sa kanya ng tumunog yung cellphone ko

Cassie:
"Hi yani, joaquin have race tomorrow!! let's watch, it will be held in clark pampanga 😍😍"

"May race ka bukas?" Tanong ko sa kanya, tumango naman siya kaya nagulat siya ng hampasin ko siya sa braso

"Bakit hindi mo sinasabi sa akin ha?"

"Bakit nagtanong ka bang dragon ka?" Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinagot niya na iyon. Hawak niya parin yung braso niya ngayon dahil napalakas yata yung hampas ko

Kinabukasan ay araw na nga ng racing nila, wala dito si joaquin wala naman akong pakealam kung saan siya pumunta, malaki na iyon.

Nagpaalam muna ako kay mama na manonood ng racing nila, sinasama ko nga siya pero wag na daw at baka mahilo pa siya doon dahil madaming tao

Dinaanan ulit ako dito nila cassie, sa clark international speedway kami pupunta ngayon dahil doon gaganapan yung car racing nila

Makalipas yung oras ay nakarating na kami dito, kami lang dalawa ni cassie yung manonood dahil papunta palang daw yung iba nilang kaibigan. Madami na kaagad akong nakikitang supporter ng lalaki na may mga banner, hindi ko alam na required pala yan, edi sana pinagawan ko ng billboard si Joaquin

Bago kami umupo ay bumili muna kami ng pagkain, kumakain kami ni cassie habang nag uusap ng kung ano ano, inaayos pa yung mga sasakyan at hindi parin naman puno yung mga upuan dito

Pumunta na rin sila sa starting line ng maiayos na, yung green niyang sasakyan yung gamit niya at natatanaw ko siya mula dito sa taas naka black siyang leather jacket, pangatlo rin sa sampo

A Sin That We Both GuiltyWhere stories live. Discover now