Chapter 9

1.4K 18 0
                                    


Nagising ako dahil sa kumakatok sa pintuan, umunat pa ako tsaka tumayo para pagbuksan kung sino man iyon

"Good morning ma'am, eat your breakfast na po"

Napakunot yung kilay ko dahil hindi pa naman ako nag oorder ng pagkain dahil kagigising ko lang. Sino nagpadala nito?

"Mali ka yata ng room ate, kagigising ko lang po hindi pa nga ako nakapag mumog e, hindi ako nag order niyan"

"Ah pinadala po ito sa inyo"

"Ha? Sino?"

"Enjoy your meal ma'am" tinatawag ko pa pero umalis na siya, takang taka akong tumingin sa mga pagkain na nandito sa harapan ko, sino naman kaya nagpadala nito? Biglang pumasok sa ulo ko si Joaquin kaya naman kaagad akong nagpunta sa harap ng pintuan niya

"Hoy magaling na lalaki!"

Ilang minuto bago niya ako pagbuksan, tumaas yung kilay niya sa akin. Naligo pala ang hinayupak kaya antagal bago ako pinagbuksan

"Ikaw ba nagpadala ng mga pagkain na iyon? Sa tingin mo, mauubos ko ba yun?"

"What? Kagagaling ko lang maligo yani, anong pagkain?"

"Alam mo maang maangan kapa e, alam ko naman na ikaw nagpadala non"

"Hindi ako nagpapadala ng pagkain sayo, ako nga hindi pa kumakain, ikaw naman ngayon ang delusional" pagkasabi niya non ay sinara na niya yung pinto, kaya naman galit na galit akong pumasok sa kwarto ko, tsaka tinignan itong mga pagkain, mukha naman silang masarap kaya umupo na ako tsaka kumain.

Pagkatapos ay naligo na ako, lumabas ako para maglakad lakad sa tabing dagat. Walang ibang tao dito kung hindi yung mga staff lang na nag aayos ng disco para mamaya, naka dress akong white at humahangin din sa labas kaya naman nagugulo yung buhok ko

Nang maghapon na ay unti unti ng nagkakatao, at sigurado akong mga bisita na ito nung hampas lupa na iyon, nakita ko na rin siyang lumabas tsaka sinalubong yung mga bisita niya, halos mga babae rin, na sigurado akong makakama niya mamaya

Nakaupo ako dito sa may bato ng may lumapit sa akin tsaka rin tumabi

"Kamusta, bakit mag isa ka yata?" Tanong ni jeremiah sa akin

"Wala lang, ikaw anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka sumama doon sa mga kaibigan mo?" Tanong ko, bumato naman siya ng bato sa dagat tsaka tumingin sa malayo

"Nakita kitang mag isa dito, kaya akala ko malungkot ka" natawa naman ako dahil doon, nakaupo lang ako dito napagkamalan pang sadgirl

Bumalik na rin siya doon, nagsimula ng umilaw yung mga disco lights, nag iingay na rin sila dahil it's already 7 pm, nandito na ako sa kwarto pinapanood sila sa baba. Naningkit yung mata ko dahil nakita ko nanaman si manyak na may kahalikan, nahinto lang ako sa pagtingin sa kanila ng may kumatok sa pintuan ko, si Cassie kaya naman napangiti ako

"Why are you here pa? Tara na yani"

"Wala akong kasama doon, kaya hindi ako lumalabas" sambit ko, pero ngayon nandito na siya ay lalabas na ako, nagpalit ako ng bikini, kulay white ito, nagsuot din muna ako ng white cardigan para takpan iyon

Pagdating namin dito ay madami na nga ang tao, pumunta kami kaagad ni Cassie sa alak at kumuha kaagad ako tsaka iyon ininom, may iilan na kaagad na sumasayaw doon, at yung iba ay nag sswimming

"Look at your stepbrother" sambit sa akin ni Cassie, nakita ko si Joaquin na nakikipag karera sa dagat, speed boat yung gamit nila at may naka angkas sa kanyang babae, habang may hawak na wine

"Malaglag sana" mahina kong bulong, isang oras yata ay naramdaman ko ng tinamaan na ako ng alak kaya napapasabay na ako sa music

"Go yani!!" Hinubad ko yung white kong cardigan kaya natira itong white kong bikini, may hawak akong lemonade tsaka ako pumunta sa dance floor, nakipag sabayan akong sumayaw, hinahayaan ko lang yung humahawak sa bewang ko

A Sin That We Both GuiltyWhere stories live. Discover now