Chapter 7

1.5K 26 1
                                    


Nagising ako dahil may kumakatok sa pintuan nitong kwarto na tinutuluyan ko, nakapikit pa yung isa kong mata habang naglalakad palapit doon dahil inaantok pa ako!

Pagbukas ko ay si ivy ang bumungad sa akin, may inabot siya sa aking paper bag kaya tinignan ko iyon at kinuha ko sa kamay niya

"Your stepbrother gives it to you"

"Nasaan siya?" Parang nagising yung diwa ko ng marinig na kay Joaquin galing ito, dumating na ba siya? Bakit hindi siya nagpapakita sa akin?

"Wag mo muna alamin, magbihis kana tsaka wag ka muna daw uuwi ng mansion" pagkasabi niya non ay umalis na, binuksan ko yung laman nito at damit ko ang na sa loob, nagready na lang ako para sa pagpasok

Pagbaba ko ay may iilan na rin gising, pumunta muna ako sa kusina, nakita kong may mga cctv itong bahay, nag hi pa ako tsaka nag babye, nahihiya akong kumilos dahil halos sila ay mga nakatingin sa akin. Nakalimutan kong itanong kay ivy kung ano ang relasyon ng mga tao na ito sa bawat isa

Baka mamaya kulto sila, tapos ako yung gagawing alay. Masasakal ko talaga si Joaquin kung totoo itong hinala ko!

Pagdating ko sa skwelahan ay dumiretso na kaagad ako sa classroom. Nakinig lang ako buong araw sa klase at hindi ko nakitang pumasok si joaquin, may nagsundo ulit sa akin dito ng mag uwian na tsaka diniretso doon sa bahay, gulong gulo yung utak ko sa mga nangyayari, bakit kailangan dito ako tumuloy? Kaya gusto kong makausap yung magaling kong stepbrother tungkol dito

Lalabas na sana ako pero nakita kong pumasok si ivy doon sa isang kwarto, kaya nagtaka ako baka iyon yung kwarto ni joaquin. Kaya hinintay ko siyang lumabas. Matagal din akong naghintay dito, ano kayang ginagawa nila? Make love? Kaagad akong nagtago ng makitang palabas na siya ng kwarto

Agad akong naglakad papunta sa kwarto na iyon tsaka binuksan, tama nga ako eto yung kwarto niya, hindi niya pa ako napansin dahil nakatayo siya sa tabing bintana at umiinom ng alak.

"What ivy-...Yani?" nagulat pa siya ng makita ako na nakatingin sa kanya ngayon, madami siyang dapat ipaliwanag sa akin ngayon

"Ano, bakit hindi mo ako hinaharap ha?" Tanong ko kaagad sa kanya, hindi naman siya kumikibo at nakatingin lang sa mga mata ko

"Tsaka anong nangyari sayo? Bakit puro pasa yang pagmumuka mo?" Agad akong lumapit sa kanya para tignan maigi iyon, hinawakan ko pa kaya napailag siya at napadaing.

"Don't worry about it"

"Bakit dito mo ako pinatutuloy? Tsaka ano bang mayroon sa bahay na ito?"

Hindi niya ako kinibo ulit, tumalikod lang ulit siya tsaka nanaman uminom ng alak

"Sagutin mo yung tanong ko joaquin, wag mo akong tinatalikuran"

"Because you are safer here" napahinto ako sa pagsasalita dahil sa sagot niya na iyon. Anong safe? Anong ibig niyang sabihin na mas ligtas ako dito?

"Saan? Kanino?"

"Yani please, huwag kanang madaming tanong pa, sundin mo nalang yung sasabihin ko sayo dahil pinoprotektahan lang kita...."

"Pagpoprotekta ba tawag mo dito ha? Naglilihim ka sa akin, hindi mo sinasagot yung mga tanong ko sayo, paano ako maliliwanagan niyan?" hindi siya kumibo tsaka niya ibinaba yung baso dito sa lamesa, marahan siyang humarap sa akin tsaka nagsalita

"Do you remember what I told you before? That Andrea will report to her brother what happened between both of you?" Panimula niya, nakatingin lang ako sa kanya at sinusundan ng mata yung bawat buka ng bibig niya

"She reported, I receive the threatening letters he sends to you, to stop it, I made a deal with him..."

"Yesterday, that's why I didn't pick you up, we went there, that's where I got my wounds..."

A Sin That We Both GuiltyWhere stories live. Discover now