Chapter 4

1.5K 21 0
                                    


Nagising ako dahil sa sakit ng ulo, bumangon ako tsaka na naligo para mawala yung hang over ko dahil sa kagabi.

Napahinto ako ng maalala lahat ng ginawa ko kagabi, hindi ako nakagalaw. Gusto kong iuntog yung sarili ko ngayon dito sa pader dahil doon. Bakit ko ginawa yon? At kay joaquin pa talaga yani?!

Nang matapos na akong maligo ay lumabas na ako ng kwarto, bigla ulit akong pumasok ng makita ko rin si Joaquin at nakita niya rin ako kaya napapikit ako, hindi ko alam kung anong mukha pa ang ihaharap ko sa kanya ngayon dahil sa nangyari na iyon, ang tanga tanga ko!

I just said that I'm not feeling well, so I won't go out. So mom just brought me food here in my room.

Nang bandang tanghali ay lumabas ako dahil nakakainip sa kwarto, nakita kong madumi yung sasakyan kaya naisipan kong ako nalang ang maglilinis nito, nagpaalam naman ako sa driver at mabuti nalang ay pumayag ito.

Nagpalit munaako ng damit bago mag umpisa. Spaghetti strap suot ko tsaka maong short, naka pony tale rin yung buhok ko.

Inumpisahan ko ng linisin itong sasakyan, maliligo nalang ulit ako pagtapos nito. Nang matapos ay binasa ko yung sarili ko tsaka na tuluyan naligo dito, walang tao ngayon dahil sigurado akong namamahinga ang mga iyon.

Dinner na kaya lumabas na ako, nanalangin ako na sana wala dito si joaquin pero nakita ko na siya doon na nagkakape, huminga ako ng malalim tsaka bumaba, siya palang ang nandoon dahil nag aahin palang naman yung mga helpers.

Dahan dahan akong umupo, hindi siya tumitingin sa akin dahil nakatutok siya sa kinakain niya, dumating na rin sila mama kaya nagsimula na kaming kumain, sana talaga ay hindi niya naalala yung kagabi na iyon dahil sobrang hiya na talaga yung nararamdaman ko ngayon sa katawan ko.

Naalala ko nga pala na may kukuhanin akong form sa school namin sa nueva ecija, kaya kailangan kong umuwi doon bukas, kailangan iyon para makapag enroll ako.

"Ah ma, uuwi ako ng nueva ecija bukas may kailangan akong kuhanin na papel sa school namin kailangan daw iyon sa pag enroll ko"

"Sino ang kasama mo? Hindi kita masasamahan anak, pupunta din kami ng tito mo bukas sa Canada one week kami doon" napahinto ako dahil sa sinabi na iyon ni mama.

"One week? Bakit anong gagawin niyo doon?"

"Magbabakasyon, kung gusto niyo rin sumama pwede naman, atsaka mayroon business meeting ang tito mo doon"

Umiling ako, tumanggi rin si Joaquin kaya napatingin ako sa kanya, tumingin siya sa akin kaya nag iwas ako ng tingin kaagad, hindi ko kayang tumingin ng matagal sa kanya ngayon dahil sa ginawa ko, pakiramdam ko ay lalamunin ako ng lupa kapag nagtatama yung paningin naming dalawa.

"Behave lang kayong dalawa dito okay, mag bonding kayo as a sibling" sambit ni mama tsaka hinawakan yung kamay ko, bahagya nalang akong tumango sa sinabi niya na iyon.

"Okay kung wala kang kasama tomorrow, you can go with joaquin" nabulunan yata ako dahil sa sinabi na iyon ni tito, napahinto naman si joaquin sa pagkain tsaka lumingon sa daddy niya. Alam kong magrereklamo ito, at hindi nga ako nagkamali dahil umalma siya kaagad doon.

"Dad-"

"Son, hahayaan mo bang bumyahe at mapahamak si yani?"

"Ah tito huwag na po, kaya ko naman"

"No yani, sasamahan ka ni joaquin bukas and that's our deal" wala na kaming nagawang parehas, inubos ko nalang yung pagkain ko para makaalis na dito kaagad. Hindi ko na kaya yung tensyon na namumuo sa aming dalawa.

Nang matapos kaming kumain ay pumunta ako sa rooftop, pinapanood ko yung city light ngayon dito,  humahangin din ngayon kaya nililipad yung buhok ko.

Napalingon ako sa tabi ko ng may nag abot sa akin ng alak, napalingon ako kay joaquin. Nakatingin lang din siya sa mga ilaw habang umiinom sa baso niya, kinuha ko sa kamay niya yung alak tsaka ito inistraight ng inom, yung hagod nito ay naramdaman ko kaagad sa lalamunan ko.

A Sin That We Both GuiltyWhere stories live. Discover now