Chapter 2

2.2K 22 1
                                    


Dinner ngayon at sabay sabay kaming apat na kumakain, masama pa rin ang tingin ko dito sa lalaki na ito dahil sa nangyari kanina. Nang makita niya na ganoon ang tingin ko sa kanya ay tinaasan niya ako ng kilay, kaya inambangan ko naman siya na sasaksakin ng tinidor.

"Yani, bukas sasama ka kay Joaquin. Doon ka na mag aaral sa pinapasukan niyang school" parehas kaming napalingon kay tito dahil sa sinabi niya, kitang kita ko ang reaksyon ng lalaki na ito na hindi niya nagustuhan ang sinabi ni tito, pati rin naman ako.

"Dad, she can go there alone, why does she have to be with me?"

"She is new here in manila, Joaquin"

"Akala mo naman gusto kitang kasama, tusukin kita ng tinidor d'yan e" inirapan ko pa siya.

"Mukhang magiging aso't pusa kayo n'yan" natatawang sambit ni mama, hindi ko alam at bakit ang init ng dugo ko sa lalaki na 'to.

"Hindi ka sana katulad ni Joaquin Yani na pasaway din" napa awang ang labi ni Joaquin dahil sa sinabi ng daddy niya, hindi talaga ako katulad ng lalaki na 'yan, manyak na siraulo pa.

Nang matapos na kaming kumain ay tumawag si Hailey kaya kaagad kong sinagot ang tawag niya, nasabi ko na rin naman sa kanya itong tungkol sa paglipat namin ng Manila kaya wala nang problema pa.

"Nakakainis, alam mo ba mayroon akong stepbrother dito at ahhh, grabe nakakainis siya, gusto ko siya
tirisin!"

"Kalma girl, cute ba?" Napaawang naman ang bibig ko dahil sa tanong ni Hailey na iyon, gwapo naman siya pero mas nangingibabaw ang inis ko sa kanya kaya hindi ko aaminin iyon.

Kung ano ano pang pinag usapan naming dalawa tungkol sa mga nangyari sa akin dito sa mansion. Pinagtawanan pa ako ng sinabi at kwinento ko sa kanya ang nangyari sa kwarto kanina. Pumunta na lang ako sa kusina para kumuha ng tubig, ng sinara ko na ang ref ay napatalon ako sa gulat ng makita 'tong Joaquin na nakasandal sa ref at nakangisi sa akin na mukhang aso.

"Ano bang problema mo, papatayin mo ba ako sa gulat?"

"No" maikli nitong sagot, kaya lalo akong nabwisit.

"Tumabi ka nga d'yan, sinisira mo gabi ko" maglalakad na sana ako pero sinandal niya ang kamay niya sa ref kaya naharangan ako, matalim akong tumingin sa mga mata niya ngayon na ilang dangkal lang ang layo sa akin.

"Yani right? Nice name like a sweet lady, but your not"

Pakiramdam ko sasabog na ako sa sobrang inis sa kanya ngayon. Umusok nanaman ang tenga ko dahil sa sinabi niya. Ano bang problema niya? ang lakas talaga ng loob ng lalaki na 'to akala mo kung sino.

"I don't know kung tatagal ka sa school ko, and you can go anytime if you don't like here" seryoso niyang sambit sa akin pero tinitigan ko lang siya ng mariin.

"Independent na ako, 20 years old na rin ako Mr. Joaquin. kaya 'wag mong kwestyunin kung paano ako makikisalamuha sa mga tao doon. Tsaka talaga naman ayoko rito, lalo na d'yan sa pagmumukha mo" sagot ko sa kanya kaya ngumisi nanaman siya pero kita ko ang inis doon.

Iniwan ko na siya sa kusina tsaka pumasok sa kwarto ko, matutulog na lang ako dahil sasama ako bukas para mag enroll sa school ng manyak na lalaki na iyon, wala akong choice dahil hindi ako sanay dito at kailangan kong makisama sa kanya.

Kinabukasan ay ginising na ako ni mama, bumangon na ako tsaka naligo, nag ayos na rin ako tsaka bumaba para mag almusal.

Naabutan ko sa baba sila mama, sira nanaman ang araw ko dahil nakita ko nanaman ang mukha nitong Joaquin na ito, walang kibo akong umupo tsaka kumuha ng pagkain, hindi siya pinapansin.

"Are you ready Yani?" Tanong ni tito, tumango naman ako, naaninag kong lumingon sa akin si Joaquin habang umiinom sa kape niya.

6:30 am ng umalis na kami, akala mong siyam ang buhay ng lalaki na ito kung magmaneho e, kaya hanggang sa nakarating kami dito sa skuwelahan ay galit na galit ako sa kanya.

A Sin That We Both GuiltyWhere stories live. Discover now