Chapter 1

6.8K 48 0
                                    

"Yani anak, tara na kailangan na natin umuwi" pag aya sa akin ni mama dahil kanina pa ako nakaupo dito sa tabi ng libingan ni papa.

"Ayoko pong iwan si Papa, Ma, dito lang po ako sa tabi niya" iyak ko, tsaka hinawakan ang libingan ni Papa.

"Yani, halika na uuwi na tayo, hindi magugustuhan ng Papa mo na ganyan ka"

Hindi ko siya pinakinggan, bagkus ay niyakap ko pa itong libingan ni Papa na parang buhay na tao. Bakit kailangan si Papa pa ang mawala? Marami naman d'yan na masasamang tao, bakit ang Papa ko pa? Napaka bait niya? Hindi dapat sa kanya nangyari ito.

Paano na kami ni Mama niyan? Sino na ang magtatrabaho para sa amin? Paano na ako papa?

After 10 years...

"Hoy!"

Bumalik ako sa reyalidad ng sigawan ako ni Hailey, kaibigan ko. nandito kami sa cafeteria dahil lunch na.

"Tulala ka nanaman girl, ano bang problema mo?"

"Wala, dami mong tanong" inirapan ko na lang siya tsaka na bumalik sa kumain.

"Love, sorry ngayon lang katatapos lang ng training namin" bati sa akin ni Gab, boyfriend ko. tsaka humalik sa pisngi ko, as usual naman lagi itong late, ewan ko ba bakit nagtagal ako sa ganitong lalaki na walang isang salita sa buhay niya, palagi nalang ganito, at palagi ko na lang din siyang iniintindi.

"Okay lang, mabuti dumating ka" sagot ko naman tsaka kumagat dito sa sandwich na hawak ko, kunyaring hindi apektado sa ginagawa niya.

Nagkwentuhan lang sila ni Hailey, 3 years na kaming in a relationship ni Gab, legal kami both side at parehas din kaming college.

"Hoy grabe ka!" tawa ni Hailey tsaka hinampas pa 'yung braso ni Gab, sanay na ako sa kanilang dalawa kapag nag uusap sila, minsan nga mas mukha pa silang dalawa ang in a relationship at ako 'yung third wheel, hindi ako umaangal doon dahil magkababata sila, ako ang naging saling pusa sa kanilang dalawa.

Nang matapos kaming kumain ay sabay sabay na kaming pumasok sa mga classroom namin, naka akbay sa akin si Gab tsaka ako hinatid sa classroom ko.

Nagsimula na ang klase namin. nakinig lang ako ng mabuti, hindi kami mayaman, scholar lang ako dito sa skuwelahan na 'to, buhat ng namatay ang Papa ko ay si Mama na ang kumayod, solo lang din ako, may maliit kaming karinderya sa bahay, at kapag weekend ay tinutulungan ko si Mama doon na magtinda, doon lang kami kumukuha ng pagkakakitaan at pang gastos sa pang araw araw namin.

Nang matapos na ang klase ay nagpasya na akong umuwi, hindi nanaman ako naihatid ng magaling kong boyfriend dahil may pupuntahan pa raw siya, hindi nalang ako kumibo pa pumayag na lang ako at sinabi ko nalang na sabay na kami ni Hailey.

Tinext ko pa si Hailey para magsabay kaming umuwi, pero mukhang mag isa akong uuwi ngayon dahil may film pa raw silang isshoot ng mga kaklase niya. Ano pa ba ang magagawa ko? kaya nag abang nalang ako ng tricycle para makauwi na, pagod na pagod 'yung katawan ko maghapon kaya gusto ko na talagang makauwi at matulog na.

Ilang minuto rin ay nakarating na ako rito sa bahay, natanaw ko nanaman ang sasakyan ng manliligaw ni Mama. Oo may manliligaw siya at mayaman daw ito. Wala naman akong pakealam kung gaano siya kayaman, masaya naman ako sa buhay namin ngayon, hindi ko lang alam sa Mama ko. Pero mukhang gusto nila ang isa't isa kaya wala akong magagawa kung isang araw sinagot na siya ni Mama.

As usual ang dami nanaman nitong dalang pagkain na akala mo ay papakainin ang buong baryo, huminto muna ako sandali para tignan kung anong ginagawa nila, nag uusap lang sila ni Mama kaya naman pumasok na ako.

Dire-diretso akong pumasok ng kwarto, tsaka nagbihis at lumabas, napahinto ako ng tawagin ako ni Mama.

"Anak mag impake ka na" lumingon ako sa kanya tsaka nagtaka sa sinabi niya.

A Sin That We Both GuiltyWhere stories live. Discover now