Prologue

12.6K 148 17
                                        

"Human life is priceless. No one can own this except for yourself."
- Acaciuus

Mahina ang mga hakbang ko. Mabigat-parang may nakakabit na tanikala sa bawat pagyapak. Tinitingnan ko ang paligid, pilit iniintindi ang sitwasyon, habang tinatanggap ang katotohanang wala na akong magawa. Hindi lang sigawan at tawanan ang naririnig ko. Ang pinakamalakas ay ang sarili kong tibok ng puso. Every beat felt like a reminder of how powerless I truly was right now.

"Good evening!!! This is our second product!" Ang matinis at nakakapangilabot na boses ng babaeng nasa tabi ko ang pumunit sa tahimik kong desperasyon. I glared at her. My eyes screamed in anger, frustration, and fear. She responded with a seductive smile, a mockery of power. Isang ngiting nagpaalala sa'kin kung gaano ako kaliit sa mundong ito, at gaano ako ka walang laban sa kaniya.

Bigla akong napapikit nang biglang lumiwanag ang kinaroroonan ko. The fuck! Ang sakit sa mata, potangina

"Good day to everyone. I am truly pleased by your presence. Before we begin, allow me to give you a brief overview of our next product," sambit ng babae habang lumalapit sa tabi ko, para bang proud na proud siyang ipresenta ang pagkatao ko na parang isang art piece sa museo. My jaw clenched. How can she smile so effortlessly, knowing she's reducing a human into something for sale?

"His name is Trace. Standing at 5'9, with a strikingly handsome face and a perfectly sculpted body. The most remarkable thing about him? He was a virgin-untouched, unkissed, pure."

Parang sinampal ako sa sinabi niya. Napakainit ng mukha ko. The fuck?! That's not even necessary! I looked away, humiliated, as a roaring wave of whispers and laughter erupted around me.

"We will start bidding. Is there anyone who can buy this guy for 1 million?!"

Nag-freeze ang mundo ko. I stared blankly at the crowd, hearing nothing but my heart screaming. A million... for me?

"1 million!" malakas na sigaw ng isang tao sa dulo ng kwarto.

Napalingon ako. A man in his 50s-white hair, wrinkled skin, loaded with gold rings and necklaces. He looked like he had bought people before. My stomach turned.

"1 million going once!" sigaw ng babae sa tabi ko. Paikot-ikot siya sa paligid ko na para bang isa akong bagay na pagmamay-ari niya. She looked pleased. Habang ako ay nanatili nakatulala, pilit na pinoproseso ang nangyayari ngayon.

Hindi ko magawang isipin kung bakit ako na punta sa ganitong sitwasyon. Hindi ko akalain na aabot sa ganito ang magagawa nang mga magulang ko para lamang sa pera. How can they choose over their only child? Alam kung naboblema sila sa pera dahil sa kumpanya naming lumulubog na, pero hindi ko maisip na kaya nila isakripisyo ang buhay ko para lamang masalba ang kopanya namin.

They give up, they didn't find another solution. They think I'm the only solution.

"3 million!" napatigil ako. Isang matinis na boses, malamig at mukhang bata.

Kita ko kung paano ngumisi ang lalaki sa akin. Maamo ang mukha nito, at malinis ang kasuotan nag susumigaw kung gaano iyon ka mahal. Halos pagdikitin ko ang kilay sa paraan nang titig niya. Nawala ang atensyon niya sa akin at binaling sa katabi niya.

"3 million with Mr. Manzano! Anyone else?" tanong ng babae.

"5 million!" sigaw sa kabila.

Yumuko ako. Mahina kong ipinikit ang mga mata ko. The noise became too much and my price continuously increasing. Tinakpan ko ang mga tainga ko, pilit inaalala kung saan ako nagkulang para tratuhin ako ng ganito ng mga taong dapat ay nagmamahal sa'kin.

Hindi ako perpekto. I had my flaws. But I was obedient. I followed them. I feared them. And still-why?

Hindi ko na isip na may ganitong orginasasyon sa mundo. May mga tao kayang pamunoan o suportahan ang ganito. Paano nila nakakayanan ang ganitong sitwasyon na sa bawat paglabas nang kanilang pera ay isang tao ang pwedeng nakawan nang kinabukasan. Are these people or monster?

We are not commodities. We are not trophies. We are not art pieces to be owned. We are human beings. Breathing. Feeling. Dreaming.

I opened my eyes. I scanned the crowd. Wala akong nakikitang babae maliban sa babaeng auctioneer. All the men looked hungry, dressed to impress. They laughed, whispered, stared. It was sickening.

"23 million."

Halos mapatigil ang paghinga ko. Napalingon ako sa direksyon ng boses. Seriously?

"25 million here!" sigaw ng isang lalaki. Hindi ko na matandaan kung alin sa kanila 'yon. Nawawala na ako sa bilang.

"40 million!" Bigla akong napatingin sa isang lalaking mukhang adik. Kulubot na ang balat niya at halos mapuno ng tattoo ang mukha. May hinihithit siyang tabako habang nakangisi. I felt bile rise in my throat.

Please, wag lang sa kanya.

"100 million."

Lahat kami napalingon. A man with long hair, sharp features, and a calm, unbothered presence. Nakaupo lang siya sa may dulo, prenteng-prente. But his eyes-his eyes were glued to me, like he already owned me.

"100 million for Mr. Hellios! Going once!" sigaw ng babae. Excitement dripped from her voice.

"300 million!" Tumahimik ang lahat.

May lalaking nakatayo sa may pinakadulo, sa madilim na bahagi. Hindi ko makita ang mukha niya. Tanging katawan lang ang natatamaan ng liwanag, malaki ang pangangatawan nito at itim na itim ang kaniyang suot. Maraming nakaitim ang nakapalibot sa kaniya, na sa tingin ko ay mga tauhan niya. Kahit ko maanimag ang kaniyang mukha ay randam ko ang kaniyang madiin na titig sa akin. Napalunok ako sa hindi malamang kaba.

"300 million for Mr. Raven," sambit ng babae, and she smiled like she'd just struck gold.

"500 million!" sigaw ulit ni Mr. Hellios. Halos mabingi ang paligid sa hiyawan at palakpakan. Parang nanonood ng sabong ang lahat.

What the actual hell is this?

"500 million! This is the first time in history-half a billion for this boy!" tili ng babae. "Going once, going twice... warning!" Walang paglayan ang kaniyang saya.

Hindi ko na alam kung paano mag-react. My stomach was turning. My knees weakened. Half a billion... for me?

"1 billion."

Napaluhod ako sa gulat. Hindi ako makapaniwala. "1 billion for him," ulit ng boses na 'yon.

Tahimik.

Tahimik na parang may namatay.

Even the auctioneer couldn't speak. Her jaw dropped, eyes wide in disbelief.

1 billion? For me?

Tumigil ang mundo ko.

For real?

Sold to a Possessive Psychotic Billionaire Stories to obsess over. Discover now