Prologue

4 0 0
                                        

Ilang segundo matapos tumunog yung bell, pumasok na yung prof namin sa classroom. Nag-check siya ng attendance and pina-collect yung homework na binigay niya last week. It was a pair work and partner ko si Gabi. Nasa kanya yung assignment namin kaya siya na ang nag pasa. Everytime na may pa-activity na by group or by pair, hindi talaga ako yung nagsusulat. Parang kinahig ng manok kasi yung penmanship ko. Ako lang ata ang makabasa.

"Before we start with a new lesson, may I ask for 2 pairs to volunteer and read their works."

Nag-volunteer agad sina Jade pero wala nang ibang nag-kusa kaya nagtawag nalang si ma'am ng apelyido. Mabuti nalang hindi kami yung natawag. Kasi, while listening to Jade and Amara's presentation, na realize namin ni Gabi na mali slight yung ginawa namin. The next group went up in front of the class para basahin naman yung kanila pero bago pa man sila mag-simula, the class was interrupted kasi may pumasok sa classroom. I was busy looking for my pen kaya I didn't bother checking kung sino yung pumasok.

"Good afternoon ma'am."

Bigla akong naestatwa sa kinauupuan ko. 

That voice...

Tumalikod ako para makita kung sino ang nagsalita. Napasinghap ako nang makita ko ang mukha niya. Tinanong ako ni Gabi kung anong problema ko pero di ko siya pinansin. Hindi ko parin maalis ang pag-titig ko sa kanya..

Imposible.

Nag-usap sila ni ma'am doon sa harap pero para akong nabingi. Hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi nila at tanging tibok ng puso ko lamang ang naririnig ko.

Paanong nakikita ko siya ngayon? Nananaginip ba ako? Nananaginip parin ba ako? 

Nagtama ang paningin namin at kumunot ang noo ko nang unti-unting tumaas ang isang gilid ng kanyang labi. Nahihibang na ata ako.

Ang lalaking gawa-gawa lamang ng imahinasyon ko ay nakatakas sa panaginip ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 21, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Man of my DreamsStories to obsess over. Discover now