Kabanata 1 : Distello Pelaez

20 3 1
                                        

Sampung taon na ang nakalipas, sa bayan ng San Pedro isinilang ang anak nina Juanito at Paulita na nagngangalang Distello. Ang kanilang pamilya ay kilala bilang pinakamayaman sa buong San Pedro. Lumaki si Distello na magalang, mapagmahal at matalino. Sa kaniyang paglaki ay nakararanas siya ng panlalait ng mga tao sa kanilang bayan dahil sa sinasabi nilang hindi tunay ang pagmamahal ng kaniyang magulang at nagpakasal lamang si Paulita Gomez dahil sa kayamanan ni Juanito Palaez subalit hindi naman ito pinansin ni Distello sapagkat sigurado siyang tunay ang pagmamahalan nila sa kanilang pamilya.

Si Distello ay mahilig sa pagbabasa ng Aklat kasama ang kaniyang ina na si Paulita Palaez, siya lamang ang tanging nagturo kay Distello dahil ang kaniyang ama na si Juanito Palaez ay laging wala sa kanilang tahanan. Si Distello ay isang mahusay na mag-aaral simula ng elementarya at dahil sa kaniyang apilyedo ay halos siya'y katakutan at iniiwasan ng kaniyang kamag aral dahil sa kapangyarihang taglay ng kaniyang pamilya.

Maglalabing walong taong gulang na si Distello ng pinagdesisyunan ng kaniyang magulang na mag-aral ito sa San Juan de Letran at kuhain ang kurso ng medisina ngunit ang nais na kurso ni Distello ay ang Kurso ng panunulat, tinanggihan naman ito ng kaniyang amang si Juanito Palaez sa kadahilanang wala siyang mapapala kung kukuhain nya ang ganong kurso. Nawalan ng ganang magsimula sa pag aaral si Distello sapagkat hindi nito gusto ang kursong pinili ng kaniyang ama ngunit ipinagpatuloy parin niya ito.

No Hay Muerte (Unang Pangkat)Opowiadania do pokochania. Odkryj je teraz