Ikaw ay Isang Panaginip (One Shot Story)

106 2 0
                                    

 ________________________________________________________________________

Another One Shot Story

Copyright © 2013 by bluegreensplatters

ALL RIGHTS RESERVED

_________________________________________________________________________

Bakit kaya may panaginip?

Bakit kaya tayo nananaginip?

Lahat ba ng tao nananaginip?

Bakit ba putul-putol ang panaginip?

Bakit hindi pwedeng maalala ito ng buong-buo pagkagising? Haha!

Bakit may mga panaginip na parang imposible? Pero sa panaginip, doon posible.

Pwede bang sana, yung mga posible at magagandang panaginip ay magkatotoo

at

ang mga panaginip na ayaw natin ay wag kailanman mangyari?

 ______________________________________________________________________

"Ang inet! Hanubayan!"

Paypay doon, paypay dito.

March na kasi, ibig sabihin April na next month, at dahil April, summer na naman.

Kaya heto, ang init na, sobrang banas talaga.

Nasa kwek kwekan kami ngayon, vacant kasi namin ng kalahating oras bago yung next subject namin at actually may dalawa pa kaming subjects na dapat pasukan.

Bukod sa mainit, nakakaantok  -_____-

Psychology ang next naming papasukan.

"Ano kayang next na ididiscuss sa Psychology?"

Si Dea yun, one of my friends.

"Aba, awan. Wag ka mag alala, malalaman mo din yun mamaya, pero kung hindi ka mapakali, wait lang ah, text ko lang si Sir. Hahahaha!"

Ganito talaga kami, pilosophan, asaran. 

Si Dea, yan yung touchy sa barkada, touchy na nananapok, nanghahampas kaya minsan ang hirap asarin pero wala pa ring pikon pikon sa grupo.

"A-aray naman!" 

Yan, nabatukan na ako ni Dea.

"Ikaw naman kasi Nikki. Hahahaha!"

"Tsk."

"RIIINNGGGGGGGG"

At ayun na nga, tumunog na ang bell sa building kaya isa isa na kaming umalis sa kwek kwekan para umakyat papunta sa room ng next naming papasukan.

Mga less than 5 minutes, nagsisibalikan na sa kanya kanyang upuan ang mga kaklase ko.

In short, paparating na ang aming professor.

At andito na siya sa unahan.

"Okay class, get your module."

"Ohh, nasa dreams na pala na topic tayo eh."

Dreams? Waah. Di nga? Naalala ko tuloy yung panaginip ko nung isang araw. Hahaha. Kinikilig tuloy ako ng wala sa oras eh. Haha.

Kaya lang, panaginip nga lang eh. Panaginip!!! Huhuhuhu. Yung feeling na akala ko totoo na, tapos pagkagising. Waah. Panaginip lang pala.

Teka, baka mapansin nilang kinikilig kilig at inaalala ko yung panaginip ko na hindi ko naman tanda yung buo. Katabi ko pa naman siya, katabi ko pa naman yung crush ko >.<

Ikaw ay Isang Panaginip (One Shot Story)Where stories live. Discover now