Pinakiramdaman ko naman ang hagdan at dahan dahang humakbang.

May nga naririnig akong murmur kaya mas nacurios ako.

"In a count of 3, you remove your blindfold na" rinig kong wika.

"1 2 3!" Maraming boses ang nagbilang, nang tanggalin ko ang blindfold ay di ko inaasahan ang makikita ko.

Speechless, Surprised.

Yan ang nararamdaman ko.

"Congratulations, lily girl!" Isa isang bati nila.

Tumutulo naman na ang luha ko habang niyayakap nila ako.

Nasa may dati ko akong tirahan, ang dating bahay ko nung magisa pa ako. Buo ang mga taong nandito, ang pamilya ni Tita Imee, tito bong at kahit si Mama Meldy ay nandito.

Nandito na rin ang mga taong tinuring kong pamilya ng halos isang dekada. Sila Nanay Auring, Aling Nena, Kuya Edgar, Kuya Robert at iba pa.

"Namiss ko po kayo ng sobra!" Wika ko sakanila.

"Thank you Mommy, Thank you daddy. Super priceless po ang regalo niyong ito sa akin. Masayang masaya po ako ngayon" umiiyak na wika ko.

"Anything for you Vianne, we love you anak" sagot ni Daddy at niyakap ako.

"Oh let's pray na para makakain na"

Si Kuya Borgy ang naglead ng prayer at nagsalo salo na ang lahat after magdasal.

Tuwang tuwa ako na makita ang unang pamilya ko na kasalo sa pagkain ang pamilya ko ngayon.

Hindi ako nakatiis at kinuhanan ko silang lahat ng candid shots.

"May bisita ka pa, Lily" wika ni Aling Nena, agad naman akong pumunta sa pintuan at tumingin sa labas.

"Whoah, andito rin kayo" wika ko nang makita si Ma'am Roda and Ma'am Yen.

Agad ko silang sinalubong at niyakap sila ng mahigpit.

"Syempre alam naming magiging special ang araw na ito for you kaya di kami pwedeng mawala"

"Gift naming tatlo nila Ma'am Perez mo" wika ni Ma'am at inabot ang isang maliit na paperbag.

Pagkabukas ko nun ay nakita ko ang cute na bag at may envelope na maliit.

"Hala grabeee totoo ba ito?" Tumango tango sila

"Alam naming matagal mo na yang gustong gawin. Kaya gawin na natin this coming week" niyakap ko ulit sila.

Check yun at may note na nakalagay na for "gift giving" alam kasi nila na matagal ko ng gustong magbigay tulong pero wala naman akong sapat na pera.

"Thank you so much po, tara pasok na po kayo" wika ko

Naglakad na kami papasok sa bahay at agad nilang binati ang mga tao dun lalo na sila mommy.

-------

"Are you ready?" Tanong ni Mommy, kaya napangiti ako at tumango.

"Sayang di makakasama si Daddy pero okay lang, andiyan naman kayo ni Zia" wika ko.

Ngayon ang araw ng pagdalaw namin sa bahay ampunan kung saan ako nanggaling. Iyong niregalo nila Ma'am sa akin ay dinagdagan ni mommy at daddy para daw mas maraming mabili, sinamahan nila ako kahapon na personal na maggrocery para iyon ang ibibigay namin bukas.

"Sasama rin ang tita imee mo" wika ni Mommy

"Talaga po? Sasama ulit siya?" Tanda ko pa si Tita Imee huling kasama ko nung namigay ako ng mga pagkain dun. Panahong hindi ko pa alam na anak nila ako.

Path of a Lost FlowerWhere stories live. Discover now