CHAPTER 3

4 0 0
                                    

Hello!! Ako si Emilia Genesis Javier.. Nandito ako sa Cafe ng mga magulang ko dito sa Makati para tumulong sa pagt-trabaho nila. 11am pa naman ang pasok ko kaya tumutulong muna ako dito pampalipas oras rin.

Habang nagaayos ako ng mga orders sa counter ay biglang nag ring ang bell. "Yes, may I take your order po?". Tanong ko sa customer pero sa screen ako nakatingin.

"Isang Emilia Genesis po". Sabi nito at tiningnan ko ang nagsalita sa harap ko. "Klo!!". Sabi ko at tumakbo ako palabas ng counter para yakapin siya. Kagagaling lang kasi niyang probinsya, isang linggo siyang absent dahil sa pagkamatay ng lola niya.

"Ohh.. dahan-dahan 'nak". Lumingon ako sa nagsalita at tumango kay mama habang nakangiti. Hinila ko si Chloe sa likod ng cafe namin dahil dito kami nagtatambay pag nagpupunta kami dito.

Siya si Chloe Grace Dizon, childhood friend ko at best friend ko hanggang ngayon.

"Kailan ka umuwi sis? Namiss kita sobraaaa!". Sabi ko habang ngumingiti at yinakap siya, yinakap niya naman ako pabalik.

"Kagabi lang ako umuwi, kasama ko sila mama..". Mahinang sagot nito sa akin at mahinhin na ngumiti. Tumango nalang ako at yinakap siyang muli.

"Okay ka lang ba?". Tanong ko sa kaniya habang yakap-yakap pa rin siya. Tumango siya habang yinayakap rin ako, and so I patted her back, comforting her.

Tumawa nalang kami pareho at naglokohan para makalimutan niya muna ang kalungkutan niya kahit sandali lang. Ayon kasi ang natutunan ko sa magulang ko, kung malungkot ka lagi ka lang maghanap ng dahilan para sumaya ulit. Happiness is surrounding us, they said. Kahit gaano kahirap ang buhay, laging may dahilan para sumaya ka.

Pagkatapos namin magusap ay nagpaalam na rin kami kila mommy na aalis na kami para pumasok. Magka-holding hands pa kaming maglakad at nagkw-kwentuhan para magintay ng jeep na sasakyan namin.

Pagbaba namin ng jeep ay ilang studyante rin ang nakasabay namin pagpasok at halos ang iba ay nagsasabi ng condolence sa pagkamatay ng lola ni Chloe. Halos marami rin kasi kaming mga kaibigan dito sa school pero hindi kami super close, sadyang napaka-extrovert lang namin pareho.

Dahil sa ugali kong ganito, nabubully na ako dati nong bata ako. Maraming nagsasabing ang weird daw ng ugali ko kaya ayaw nila ako kaibiganin pero nagiba 'yon nong may isang estudyante na lumipat sa kindergarten ko dati na naging kaibigan ko at 'yon ay si Chloe. Simula no'n ay hindi na kami mapaghiwalay dalawa.

There's nothing wrong with being weird. Weird is unique. We all have quirks and idiosyncrasies that make us unique, and life is full of quirky moments.

Pumasok na kami sa classroom, at inintay ang teacher namin. Habang naguusap kami ay may mga nagtatawanang mga lalaki papasok ng mga classroom.

"Itong mga basketball players talaga na 'to eh 'no?". Sabi sa akin ni Chloe at naiinis na nakatingin sa kanila, tinawanan ko na lang siya.

After ng klase namin ay lumabas kami ng school para bumili ng bagong notebooks kasi napupuno na ng notes ang notebooks naming dalawa. Mga 15 minutes lang ay nakabalik na rin kami.

Pagpasok namin ng school ay nakita agad namin ang mga studyanteng tumatambay sa field ng school. Panigurado ay may training ngayon ang mga varsity players dahil wala sila ngayon sa field.

After an hour ay nagring na ang bell. Lahat ng estudyante ay nagsipasukan na sa kani-kanilang classroom.

Hiwalay kami ng classes ni Chloe ngayon kaya magisa lang akong nagpunta sa classroom ko which is nasa dulo ng hallway. Habang naglalakad ay nalagpasan ko ang court na naririnig kong may sumisigaw at bolang tumatalbog. May training nga sila ngayon.

Agad naman akong pumasok sa classroom at saktong pagupo ko ay pumasok na rin ang professor namin at nagsimula na ng lecture.

After 2 hours ay nagsilabasan na ang mga studyante at sabay ring nagtatakbuhan papuntang cafeteria ang mga basketball players na halatang inuunahan kaming pumila.

Pagdating ko sa cafeteria ay nakapila na sila at halatang hingal na hingal. May sumampal naman ng mahina sa kaliwang braso ko at si Chloe iyon.

"Bakit hindi ka pa nakapila?". Tanong niya at hinila ako papasok ng cafeteria. Pagpasok namin sa loob ay nakita agad namin mga nakapilang hingal na hingal na mga players sa pila.

Umupo nalang muna kami ni Chloe sa isang bakanteng upuan at hinintay matapos ang pila.

"Sis, may nakaturo sa'yo tingnan mo". Pabulong na sabi ni Chloe sa akin. Agad ko namang ini-angat ang ulo ko mula sa cellphone ko hanggang sa direksyon kung saan nakaturo ang daliri ni Chloe.

Tumingin ako at nakita ko si Gabriel na nakaturo sa akin at nakaharap sa lalaking nasa likod niya.

Inilingan siya nito at itinulak nalang. Sinampal ko rin sa braso si Chloe dahil sa sinabi niya. "Baka naman sa iba nakaturo, napaka-oa mo naman". Sabi ko na naging dahilan ng pagtawa niya. 

Once Upon an UsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ