Kabanata 1

1 0 0
                                    

{Kabanata 1}

Maraming nagtatanong kung bakit ba siya ang pinili ko. Hindi ko man masabi sa kanila ngunit madami sana akong nais sabihin. Bakit siya? Siya lang naman ang taong nagpakita sa akin na kahit wala na kayong komunikasyon at hindi na nag-uusap ay siya pa rin ang sinisinta mo. Bukod sa mga katangian na matipuno, magara umayos, matangkad, masayahin, mabango, at higit sa lahat matalino. Siya rin ang nais ko lang ibigin. 


~ 2 years before ~


May isa akong natitipuhan. Matangkad siya, basketball player, maputi, at matipuno. Nasa kaniya na ang lahat na hinahanap ko. Bawat pagdating niya inaabangan ko talaga. 


"Nandiyan na si Calvin?" tanong ko pa sa kaklase niya at sumagot naman ito, "nandiyan na! ayun oh naglalaro sa selpon" tapos tititigan ko siya. Doon ko naiisip kung pano ko kaya siya nakuha. Nang papalapit na ako ay binaba niya na ang selpon niya at kinausap niya na ako. Ganiyan siya parati, kapag ako na yung kausap niya kahit anong ginagawa niya tinitigil niya talaga. 


"Kumusta ka?" mga unang bati namin sa isa't isa. Hindi alintana sa amin ang pagod lalo na kung sunod sunod ang mga ginagawa. Lalo na ako, isang department head tapos nasa officers pa sa CSG at SSG, president pa sa klase, at achiever pa. Kung kaya't grabe ang mga ginagawa ko. 


"Okay lang, pagod. Ikaw?" alam kong mas pagod siya emotionally at physically. Bread winner siya ng pamilya at siya lang inaasahan sa kanila sa gawaing bahay at sa pagtratrabaho. Iniisip pa kung pano kumita ng pera at isabay na ang studies kaya naman napakahirap din sa parte niya. 


"Pagod na ako eh! pero nandito ka para pagaanin ang lahat." sabay hinalikan niya ako sa noo. Ang sarap talaga magmahal lalo na kapag mahal mo din ang isang tao. Hanggang sa unti-unti na kaming naging abala at hindi na masyadong nagkikita. 


"Mahal! busy ka pa ba?" tanong niya sa akin habang kausap niya ako sa telepono. Hindi ako makasagot kasi may ginagawa pa akong mga reesearch at nagtatally din ng gastos ng organization. 


"Mahal?" sa hindi ko inaasahan nakulitan ako kaya nasigawan ko siya, "Teka lang Mahal! May ginagawa pa ako!" hindi nagustuhan yun kaya pinatay niya nalang ang telepono. Nnag pintay niya na doon ko lang na-isip na nasigawan ko pala siya. 


"Mahal, hindi ko sinasadya. Sorry na." hindi niya siya kumikibo, tahimik nalang, at patango-tango nalang.  


"Mahal naman! Marami na nga akong ginagawa tapos dadagdag ka pa?" tumingin siya sa akin.


"Sorry mahal ha! Kung nakakaistorbo ako sa'yo. Gusto ko lang naman na makipag-usap sa'yo. Mahirap ba yun gawin?" pinatay niya na ulit ang telepono sa pangalawang pagkakataon. Sa puntong yun, tinatawagan ko siya ulit pero hindi niya na sinasagot. Kaya kianbukasan, sosopresahin ko sana siya ngunit hindi siya pumasok. Kaya nagtaka ako kung bakit. Nagtanong na din ako sa mga kaibigan namin kung nasaan siya kasi wala siyang paramdam pero hindi rin daw nila alam. Hanggang sa may nakasabi sa akin na isa kong kaibigan na nakita niya daw si Calvin sa isang restaurant at parang may hinihintay. Naisip ko na baka ako na ang hinintay niya kaya pinuntahan ko siya kaagad sa restaurant na sinasabi niya. Pero nagulat ako sa nakita ko.


"Hi Babe!" saad niya sa kaniyang kausap.


Rinig na rinig ko ang pagtataksil niya kaya pumasok ako at hinarap sila.

Isang Librong Tula Para Kay Raymond LouisWhere stories live. Discover now