I heard another footsteps. Pero sa pagkakataong ito ay magaan na ang mga yabag. Dumating si Lord Varnes para bigyan ako ng pagkain saka inumin.

"This is a lot for a prisoner," sabi ko dahil maraming pagkain ang hinatid niya sa akin. "But I wouldn't complain. Salamat, Lord Varnes."

"Malungkot akong makita kang bilanggo, Lord Oscar," aniya. "Iyan lang ang tanging magagawa ko. I cannot say I'm happy to see you again. But I'm glad you are okay."

"I appreciate it," nakangiti kong tugon.

"I hope you're aware that Lord Wenson doesn't plan on keeping you imprisoned for long," he said. "Kung ano ang plano niya, hindi ko alam."

"I will be executed," I said. Uminom ako ng alak bago ngumisi. "In front of everyone. Are you going to watch, Lord Varnes?"

Sa halip na sagutin ay umalis na lang siya. I enjoyed the food. Naubos ko maging ang isang bote ng alak. If Lord Varnes were still here, I would ask for more.

Tahimik ang mga sumunod na oras. Sigurado akong mataas na ang sikat ng araw ngayon. Baka nga alam na rin ni Lord Caezar na wala ako.

I sighed and waited for another hour until I heard footsteps again. Sa pagkakataong ito ay marami. Hanggang sa tumapat sa harapan ang dalawang kawal na may hawak na panibagong bihag.

"Chris!" I exclaimed. Mabilis akong lumapit sa kanya nung pinasok siya ng mga kawal sa kulungan ko. Inalalayan ko siyang makaupo dahil nanghihina siya. "What the fuck are you doing here?"

He smirked as he wiped the blood off his lips. "I knew there was something off. I should be the one asking you that. What the fuck are you doing?"

Hindi katulad ko, mukhang napuruhan siya. Mabagal ang paggaling ng mga sugat niya. Sana pala ay hindi ko na inubos ang alak para may mapainom ako sa kanya.

"Are you okay?" I asked.

"I'm just wounded." Tinulak niya ako saka siya sumandal sa pader. He spat blood and then asked, "What's going on in your head? What was the point of all our preparations if you just surrendered like that?"

"May mga kasama ka ba?"

Umiling siya. "Cardinals are weirdos."

"Hindi mo dapat ako sinundan."

"Hindi mo dapat kami iniwan," aniya.

I shook my head. There was no point of arguing at this point. Baka may makarinig lang sa usapan namin. But Chris sudden appearance was not part of my plan. Clearly. Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa kanya.

"Do you think the size of this room is enough?" biglang tanong ni Chris. Nakatingala siya habang hawak ang tagiliran.

"What?"

"He could place his bed there." He pointed on the right side of the room. "Hindi ko alam kung mahilig siyang magbasa. But a pile of books would look good beside the bed." Saka siya lumingon sa kaliwa. "And a small table there. Doon na rin siguro ang bintana."

Natikom ang bibig ko nung mapagtanto kung ano ang tinutukoy niya.

"He didn't even get to tell me his favorite color. But maybe blue?" He sighed. "Dapat ay magpaplano pa lang kami pagkatapos nito. The details and everything..."

Hindi pa rin ako kumikibo.

"He deserved to live longer," he whispered. "Heck, he didn't even deserve to be at the center of the war. But life was unfair. This world was unfair."

"I see. You got yourself a visitor." Napalingon kami kay Lord Wenson. "A nice accompany in this dark and cold place."

Hinawakan ko ang balikat ni Chris nung umalma siya. Tumayo ako saka lumapit kay Lord Wenson.

Tarnished CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon