---

“WOW!”

Halos mapanganga silang lahat pag-labas ko ng kwarto.

“Bibig niyo isara niyo, baka may pumasok na langaw” natatawang sabi ko.

Eh kasi naman parang ngayon lang nakakita ng maganda.

“You’re so beautiful. Oh wait that’s an understatement, let me rephrase that. You’re the living epitome of the word ‘Gorgeous’, Meili”

Nginitian ko na lang si Mitch. I let out a deep sigh. “Kinakabahan ako”

“Don’t be. Kasal na kayo so you have nothing to worry about. You’re just going to renew your vows” nakangiting sabi niya sakin.

It’s my wedding day today. This time, for real. I’m wearing veil and holding a bouquet of flowers, I’m wearing a white gown too. Church wedding. Day wedding—In short, totoong kasal na to. Hindi na katulad dati na napipilitan lang dahil yun ang gusto ng mga magulang namin. Ngayon ginusto na namin at hindi na parang laro lang ang lahat dahil alam na namin sa isa’t isa na nagmamahalan kami at gusto naming tumanda ng magkasama.

“Mamaya ka na mag-explain sa  readers mo, Idol! Male-late ka na sa kasal mo!” sabi ni Czarina sakin sabay hila.

Sumunod naman sila Mitch at sila M.M. na  tumulong sakin na mag-ayos.

“Wag mo naman akong hilahin” sabi ko.

Kung makahila naman kasi parang hindi ako naka-gown at lalong hindi ako buntis.

“Ay! Oo nga pala” sabay kamot sa ulo niya at binitawan na yung kamay ko.

“Tara na nga” sabi ko.

---

“Goodluck”

I bit my nails, trying to calm myself. Sobrang kinakabahan ako.

Paano kung hindi sumipot si Dexter? Paano kung matapilok ako? Paano kung—

“Wag kang kabahan. Sisipot si Dexter at flats lang ang sapatos mo” napatingin ako kay M.M. dahil sa sinabi niya.

“Mind reader ka ba M.M? Gifted?” tanong ko.

Natawa naman siya. “Sira. Binubulong mo kaya” sabi niya.

His Maid (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon