"Ayoko po parang awa niyo na!" rinig kong sabi ng isang dalaga ata base sa boses nito. Sinilip ko ito at nakitang bitbit ito ng isang lalaki.

Tatlo silang lahat habang pinipilit ng mga nakabantay para sa auction. Ambabata pa nila tangina.

Mabilis ang kilos na pinagbabaril ko ito sa mga paa nila at isa-isang pinatulog ang mga ito.

"Fuck, what is she doing here." rinig kong sabi ni Zayah sa earpiece nito.

"Sino?" tanong ko rito habang tinulungan palabas ang dalawang babae palabas.

"Nothing. Just someone i know. Focus Cassidy." sabi nito kaya naman ay di ko nalang ito pinansin.

Biglang nawala yung mga ilaw, mukhang
nagsimula na silang kumilos.

"Rico,kunin mo yung mga biktima na sasalubong jan." I said. " Copy miss."

Mabilis na umakyat ako sa taas. Binaril ko naman yung mga nakabantay sa mga pintuan.

"All of you get out of here. We're going to save you all."

Nakita ko pa ang iilan sakanila na umiiyak. Naaawa ako, how cruel this world is.

"All clear." sabi ko sakanila tsaka mabilis na umalis. Pumunta naman ako sa baba para gabayan yung mga biktima.

Narinig kong na clear narin ng iba yung ibang lugar kaya dali dali na kaming umalis. Aalis na rin sana ako nang makita ko si Zayah na kaladkad si Miss Alliyah? Ano ginagawa niya dito??

Susundan ko sana sila nang may mahagip ang mata ko. Caellum? Ito ba ang event na dinaluhan niya? May mga kasama itong mga armadong lalaki rin na ka edad nya.

Nanlaki ang mata ko nang bigla itong kumasa ng baril at walang emosyon na pinagbabaril ang mga gwardya sa auction house.

Napalingon ito sa gawi ko kaya naman ay agad² akong nagtago. What the fuck was that? Andami niya naman pasabog sakin ngayon araw tangina.

Kilala ba talaga kita Cae?

Dali daling naglakad na ako paalis nang marinig ang boses ni Rajim sa earpiece.

"Hand what are you doing? Ano pang hinihintay mo pasabugin mo na yung building"

Shit tangina mo talaga Caellum pati dito ba naman sumusuot ka parin. Maya ka sakin sa bahay bwesit ka lumabas kana jan tukmol ka.

"Cassidy ano ba!" narinig kong sigaw ni Rajim pero hindi ako nakinig. Kunti pa teka lang.

Nakita ko naman ang isang sasakyan na nagmamadaling nagpatakbo, di ako pwedeng magkamali kay Caellum yun.

Mabilis na pinindot ko ang remote sa bomba at pinasabog ito. Napahingal ako sa pagod. Fuck kotang kota kana ngayon Suarez.

Mabilis na pinasibad ko ang sasakyan sa DPO. Hindi ko na pinansin ang iilang bumati sakin sa gulo ng isip ko. Una yung pagiging Lawyer ni Cae. Pangalawa yung nangyare kanina. He killed a person. Although deserve naman ng mga yun pero hindi naman trabaho ng Attorney yun.

Ano ba siya? May organisasyon na kabilang rin ba siya? I don't want to think badly to him dahil alam kong mabuting tao siya kahit wala siya modo.

Nagbihis lang ako saglit tsaka bumaba na. Mabilis na umalis ako at nagtungo sa bahay. Nandito narin ang sasakyan nito. Pagpasok ko sa loob ay naabutan ko itong bagong ligo na habang naka sando at white na pajama. Nagkakape ito at naka dyaryo.

"Where did you go?." bungad nito sakin habang di ako tiningnan. Binaba nito ang dyaryong hawak at seryosong tiningnan ako.

" None of your business."

Lalampasan ko na sana ito nang bigla nitong hawakan ang braso ko. Napamura naman ako nang hawakan nito ang braso ko na mukhang nasabidan ata ng matulis na bagay. Pota bat di ko to naramdaman?

" What happened to you? Where did you get this? Stay here." nagmadaling umakyat ito sa taas at may kinuhang medical kit.

Mabilis naman itong bumaba dala ang medical kit tsaka nilapag sa mesa. Kakaiba ang tahimik nito na di ko mawari. Seryoso lang itong gumamot habang naka igting ang pangabg nakatingin sa sugat ko.

"Nagbar kasi kami magkaibigan, mukhang na talsikan ng piraso sa baso." dahan dahan kong sabi sakanya. Nakatingin lang ito sakin.

Nagulantang ako ng bigla nitong nilapit ang mukha nito sakin. He suddenly tapped my head in a gentle manner. Pota ginawa pakong aso.

"Be careful next time."

Nakatungangang nakatingin lang ako sa papalayong pigura nito paakyat ng hagdanan dala ang medical kit.

He's weird.

Embracing my SerotoninWhere stories live. Discover now