Chapter 1

128 3 0
                                    

DISCLAIMER: THIS IS A WORK OF FICTION, NAMES, CHARACTERS, BUSINESSES, PLACES, EVENTS, INCIDENTS ARE EITHER THE PRODUCTS OF THE AUTHOR'S IMAGINATION OR USED IN A FICTITIOUS MANNER. ANY RESEMBLANCE TO ACTUAL PERSON, LIVING OR DEAD, AND ACTUAL EVENTS IS PURELY COINCIDENTAL.

__________________________________________

Cielo's POV:

"With high honors, with an average of 97.28, Simon, Kayden Cielo."


Everyone clapped nang tumayo ako para umakyat sa stage, nag stay kaming nakatayo sa unahan while tinatawag ang ibang with high and highest honors na student. Ganito ang way ng school namin simula first quarter to fourth quarter to announce the ranking ng buong batch.


"Rank 1, with highest honors. With an average of 98.75" Nag tinginan ang mga student sa isang babae na expected nilang matatawag. "Salazar, Jade Gabriela."


I automatically clapped and smiled when I heard her name, she stood up and gave everyone a sweet smile while walking towards the stage. Ever since first year highschool, she has been our rank one sa buong batch.


Our teachers gave us a certificate with our names on it and then they took a picture of us holding it. Pagtapos no'n, tumakbo palapit sa'kin ang mga tropa ko at nakipag-apir, greeting me.


"Uh, Gab! Congrats ha! Grabe ang pagka-high!" David greet her, my friend.


"Thank you, congrats din." Gab's voice was so sweet and lovely.


She turned around and nakipag-usap na sa mga friends niya, mariing tinulak ni David ang balikat ko at nag yabang.


"Oh, kaya mo 'yon?" He asked, teasing.


"Hindi p're, duwag 'yan e, haha!" Sapaw naman ni Zach, tropa ko rin.


Tinalikuran ko sila dahil aakyat na ako sa room, masyadong mainit sa grounds. Habang nag lalakad kaming tatlo ay naririnig ko pa rin ang tawanan nilang dalawa sa likod ko, halatang nang-aasar.


Habang naakyat sa hagdan, nakita ko sila Gabriela sa hallway na kumpulan dahil binabati siya ng mga nakakasalubong niya, kasama ni Gab ang friend niyang lalaki. I suddenly felt something weird while seeing her smiling at the guy.


"Aanhin mo 'yang with high honors mo, kung iba naman ang kapiling ng iniibig mo?" Pang-aasar ni Zach.


"Oh, tama na... baka umiyak na ang Cielo natin..." David even pouted, teasing.


Umiling na lang ako at diretso nang pumasok sa room namin. I sat down at tumungo na para magkunwaring tulog dahil asar sila nang asar sa'kin.


Gabriela's POV:

"What's our plan after exam? Please, gusto ko nang makalabas!" Mitchiko asked, my friend.


"I don't know, I'm going to study, e." I replied, reading my book.


She sighed. "Oo nga, you're going to study, ako rin naman! After exam nga! Gagala ba tayo?" She still asked kahit alam niya namang hindi ako masyadong gumagala. "Alam ko na! Inom na lang tayo, g ka?"


Nilingon ko siya sabay irap, "Alam mo, ikaw lang ang nag turo sa'kin na uminom."


"Ayaw mo no'n? Natuto ka dahil sa'kin. Duh, mas masarap maging college student kapag sinasamahan mo ng kaunting kulit."


I just nodded, raising both of my brows. Tinapos ko lang saglit ang chapter ng librong binabasa ko at umuwi na. Bago ako matulog ay nag half bath muna ako at nag night care routine, lumabas ako sa living room at naupo sa may coffee table and then nilabas ko ang ginawa kong reviewer kanina sa library.


Abandoned Memories Of Us (Dream Series #3)Where stories live. Discover now