"Ang flexible naman ng tatlong yon, ang gagaling mag si-tumbling" Puri ni Ela sa tatlong nag ta-training.

Lumapit si Nica at sabi...

"Kailangan talaga namin yan lalo na't sumasabak kami sa mga private na mission" Tugon ni Nica.

"Bagay pala sayo Ela ang kulay itim, sayo nalang yang damit ko" Sabi ni Heart.

"Hihmmm! Thank you! Hindi kasi ako nag susuot ng black, ang lagi kong suot ay matitingkad ang kulay" Tugon ni Ela.

"Imbis na naka upo lang sila diyan, patayuin mo kaya sila at turuan ng ginagawa natin" Sabi ni Ches kay Heart.

"Pero hindi namin kakayanin yan" Saad ni Marjie.

"Lahat ng babae kayang lumaban basta gu-gustuhin" Saad ni Ches.

Tumayo ang tatlo at binilinan ni Heart.

"Madali lang matutunan ito, baka kahit isang oras o hanggang isang araw, kaya niyong matutunan ito eh!" Paliwanag ni Heart.

"Sigurado ka? Hindi ba kami masyado masasaktan diyan?" Tanong ni Ela.

"Ang OA niyo teh! Subukan kaya natin? Mukha naman madali, nakaya nga nila" Tugon ni Desie kay Ela.

Unang sinubukan ni Desie ang mga stunts na ginagawa nila Ches, napag tanto niya na hindi ito madali, kaya agad siyang sumuko saglit at sumunod si Ela at Marjie, maka lipas ang isang oras nagawa na nang maayos ni Ela at Marjie ang mga stunts, nang mag tatlong oras na silang nag sanay at natutunan narin ni Desie.

______

Nagpunta si Tomas at Attorney Lie kay Imee, sinabi nila na nawawala ang trio, mag be-bente kwarto oras na, habang naka upo sila sa visiting area.

Nag-alala si Imee para sa tatlo, gusto niyang hanapin ngunit hindi pwede dahil siya ay naka kulong pa.

"Maulit din kasi minsan ung tatlong yon" Saad ni Imee. 

Magbalik kila Ela, sila ay pinag sasanay parin nila Heart, ang dami na nilang natutunan sa mga turo niya at mukha naman silang masaya. Matapos ang pagsasanay mag kasamang kumain sa malaking dining table ang lahat, masaya silang kumakain doon, at nag salita nalamang si Heart. 

"Bakit hindi nalang kayo sumama saamin? pwede naman yon, after niyo matapos sa pag-aaral pwede tayo mag tulungan" Saad ni Heart.

"Ahhhhh! ate heart hindi kami pwede sumama sainyo, kailangan namin mag-aral at mabuhay sa labas, we still have responsibilities there" Tugon ni Ela.

"Naiintindihan ko, I'm just kidding" tugon ni Heart.

"Heart, isa pa they are here dahil tutulungan natin sila at tutulungan nila tayo" Saad ni Nica.

"Mag kikita-kita pa naman tayong lahat kapag natapos na sitwasyon namin kay Tita." saad ni Marjie.

"Teka nag papaalam naba kayo? pwede naba kami umuwi?" tanong ni Marjie.

"Hindi pa pwede, hanggat maari dito lang kayo" Sabat ni Ches.

"Can we atleast call our Mom? Papaano kung nag aalala na sila samin? walang signal pa naman dito sa bundok" Saad ni Ela.

"Hinahanap nila kayo" tugon ni Ches.

"Paano mo naman nasabi?" Tanong ni Marjie.

"Bumaba ako kanina, hinanap ko mga relatives niyo. Si Tomas? kilala niyo siya diba? Hinahanap niya kayo, kasama ng isang babae" Saad ni Ches.

"Kahit naman hanapin nila kayo, nasa mabuti naman kayong kalagayan" Saad ni Trish.

"Kahit na papaano kung may mangyari sakanila sa paghahanap nila samin?" Saad ni Marjie.

Tumayo ng mabilis si Ches at sinuntok ang lamesa.

"Hindi nga kayo pwedeng umalis, dahil delikado baka mahanap nila kayo" Pasigaw na sabi ni Ches.

"Edi mag-iingat kami, ganun lang ka simple, oh baka gusto mo sabihin na kailangan mo kami para tulungan kayo?" Sabat ni Ela.

"Matuto kayo makinig just for once, dadating ung araw na ibabalik namin kayo" Tugon ni Ches.

 Umalis si Ches sa hapag at lumabas para mag pahangin.

"Hindi ko kayo ma-sisise kung sumama loob niyo samin, pero kailangan niyo maging maingat." Saad ni Heart.

"Kumain na kayo, pabayaan niyo muna si Ches" Sabi naman ni Patty.

Nagising si Tomas sa loob ng kaniyang kotse, kasama si Attorney Lie. Nakita niya itong mahimbing ang tulog ngunit nanginginig, tinanggal niya ang kaniyang jacket at kinumot niya ito kay Attorney Lie. Napansin niya rin na umaga na, lumabas siya ng kotse at bumili ng makakain. Pagkatapos niya bumili binalikan niya si Attorney Lie sa loob ginising niya ito at inayang kumain muna.

"Attorney? Attorney gising na, umaga na pala" Saad ni Tomas.

"Hmmmmm? Umaga na?" Tanong ni Attorney Lie habang nag iinat.

 "Oo umaga na, by the way  kumain ka muna Attorney, inabot na tayo ng umaga sa paghahanap sa tatlo eh" Sabi ni Tomas.

"Hmmmm, tamang tama gutom na ako" Tugon ni Attorney Lie. 

Inabot ni Tomas ang pagkain sakaniya at sabay silang kumain.

Imee's POV

"Attorney Imee, may nag punta kanina dito, pinapabigay sayo ito" Saad ng isang Pulis. 

"Sino daw?" Tugon ni Imee. 

Sabay ibinigay ng Pulis ang dala nitong sulat.

Binuksan niya ito at binasa.

______________

Dear Tita Imee,

             Tita, alam ko na by now alam mong nawawala kami, gusto kong malaman mo na nasa maayos kaming lugar, at kapag may pagkakataon na makausap mo si Kuya Tomas, ibigay niya sana ang impormasyon na ayos lang kami nila Marjie, ayoko sanang sumulat kay Mom dahil mag aalala siya lalo kahit sabihin ko pang nasa ligtas kaming lugar, pero pangako babalik kami, at may gusto kaming sabihin sayo kapag nagkita-kita na tayo, I hope maka laya kana, si Attorney Lie na ang bahala sainyo ni Tito Rod. 

Nagmamahal,                                                                                                                                                                           Magaganda mong Trio.

______________

Nabasa ko ang sulat nila, agad naman akong nag tanong sa nag babantay saakin pulis kung pwede kong makausap si Tomas, ngunit hindi niya ako pinayagan na may makausap kahit pa sa Telepono, maaaring sa visiting area lang ako pwede makausap. 

Abangan ang susunod na kabanata...










Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our Contrary LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon