"Teka Sis parang magulo!Ang alam namin kasama mo si Rhino buong magdamag para pumunta rito sa office at ihatid ka sa bahay mo tapos may Julius? Ano daw?!?",wika ni Rhyna

"Let me explain...", sambit ni Janice na uupo sa kanyang silya at tatapat sa kompyuter



Flashback

Nang makuha ko yung phone sa table ko, nakareceive ako ng maraming missed call at text. Siyempre nagulat ako, tiningnan ko kung kanino galing pero sa iisang sim number na hindi naka-register sa phone ko! Binuksan ko yung isang text message sa labas ng building tapos nabasa kong hinahanap pala ako ni Julius para dumalo kami parehas sa despedida party ng family niya at chance na rin para maipakilala ako sa kanila tapos biglang darating siyang lasing na lasing! Ayun! Nagka-upakan tapos nagulat ako sa mga sumunod na rebelasyon...

"Eh ano?!?", kinikilig na tanong ni Rubiekay Janice habang nakanganga si Rhyna

"Inamin ni Rich Boy na mahal niya ako!!!", sambit ni Janice

Naghiyawan ang mga magkakaibigan na hindi masyadong nakakaistorbo sa ibang staff. "Oh my God... Oh my God... Oh my God!", banggit ni Rubie na parang inaatake sa puso



May daraan na isang babaeng bagong staff sa cubicle ni Janice at magbibigay ng isang article kay Rubie. "Excuse me for a while, Miss San Ildefonso... draft report ko po for Features Section pinapa-urgent po kasi ng Editor", sabi ng babae



"Okay!", banggit ni Rubie pagkakuha ng envelope at titingin sa paalis na staff, "Panira rin 'to ng moment nuh! Iwan ko muna kayo Sis!", at lilisanin ang naturang cubicle



"So... Sis, paano niya nakuha number mo?", patuloy ni Rhyna

"Well... yung sabi niya sa akin pagkatapos mahimasmasan eh pumunta raw siya sa opisina nang hapon eh pinagtanong niya sa guard pero umalis na tayo kaya nagbalak siyang baka umuwi na ako. Noong pumunta sa bahay, nakita niya na bagong dating lang si Leo at wala rin ako kaya hiningi niya kay Leo ang cellphone number ko para makontak. Hanggang sa hindi nga ako nakapagreply sa mga text niya kaya inakala niyang binalewala ko na siya... kaya naglasing ng naglasing sa party nila!", wika ni Janice habang pinupunasan ang monitor

"Eh... Sis, bakit mo nasabi kanina bago ka pumasok na mag-aalas dos na ng madaling araw ikaw nakauwi?", tanong ni Rhyna na nagmamasid sa mga dumaraang staff



"Eto na nga... nakatulog kasi yun nung sinabi niyang gusto niya ako,inalalayan ko yun hanggang sa seat niya sa sasakyan. Since hindi ako nagda-drive, hinayaan ko na lang siyang magising sa loob ng sasakyan habang ako ay umiidlip sa tabi niya at...", patuloy ni Janice

"Nagkaaminan na nga kayo?", tanong muli ni Rhyna na ikatatango ng kausap, "Edi masaya! may lovelife ka na Sis! Am happy for you!", magiliw na sambit nito

"Sana nga totoo na itong nararamdaman ko, Sis! Sana nga siya na...", sagot ni Janice

"Ah...Eh paano si Rhino?", tanong muli ni Rhyna na makakatanggap ng ring sa cellphone. Sasagutin ito ni Rhyna at maiiwang nag-iisip si Janice.

"Naku! kailangan ko munang umalis Sis!", wika ni Rhyna pagkatapos isara ang phone

"Ha? anong nangyari?", usisa ni Janice

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now