Hinarap ko si lola na nakikipagdaldalan parin kay Vey at tumikhim para makuha ang atensiyon nila.

“La, bakit wala si Hedy?”I asked normally as if I am not worried. “Naku! Tulog pa at saka iyang kapatid mo Von ay kay gabi na kung umuwi at minsan pa nga ay malapit nang magdis-oras ng gabi ay saka lang siya uuwi. Nag-uusap ba kayong dalawa?” litanya ni lola na bahagyang nagpagulat sa akin pero hindi ko ipinahalata iyon.

“Ahh oo naman lola. May nasabi ba siya sa'yo kung bakit ganoong oras na siya umuwi la?” tanong ko at umiling naman ito, “Wala, pagkarating niyan ay matutulog kaagad at kagabi lang ay umuwi siyang lasing pero maaga pa iyon kumpara sa oras ng uwi niya nung nakaraang mga araw.

“Huling punta ko dito la noong nakaraang linggo ay ayos pa iyon ah? Kailan nag-umpisang nagkaganoon ang kapatid ko la?” I asked curiously dahil totoo naman kasi she's so jolly and energetic that time.

“Pagkaalis na pagkaalis mo Von” sagot ni lola at napatango lamang ako, “Kakausapin ko nalang siguro pagkarating natin la” ani ko at tumango naman ang lola.

“Mas mabuti pa nga” ani nito bago binalingan ang driver na may tinatanong sa kanya.

Vey then leaned on me.

“I guess your sister is not okay” bulong niya sa akin dahilan para tignan ko siya, “I think she's been through something that's hard for her. Trust me Ash, I've been there” ani niya at pilit akong nginitian.

I heaved a sigh and think less. I must talk with my sister first.

Hanggang sa nakarating kami sa bahay ay hindi pa rin ako tapos sa pag-iisip.

My thoughts are clouding my mind.

“Lize, halikana” napabalik ako sa realidad nang tawagin ako ni lola na kaagad ko namang ikinababa sa tricycle.

“Teka lang muna ah? Tatawagin ko muna ang mga tiyo mo Von para sila ang magdala ng mga to” ani ni lola na tinutukoy ang mga bagaheng dala, “Bakit ba kase ang dami niyong dala?” nagtatakang tanong ni lola sa amin.

“Iyang isang maliit na bag lang naman ang dala ko la. Ewan ko lang dito kay Vey at ang raming dala” ani ko at tinignan ang dalaga. “What?! Ikaw kaya ang nag-impake nito!” maktol niya sa akin, “Iyon ang sabi ni tita, she told me na kung anong idedeliver daw na mga gamit mo sa bahay ay dadalhin mo dito at ikaw daw ang nagsabi nun kaya inimpake ko lahat” ani ko at iniwas niya naman sa akin ang tingin na para bang may naalala siya.

“Sabi ko nga” mahinang ani niya.

“Oh siya, tatawagin ko na ang tiyo mo Von para makuha na nila itong mga dala niyo” ani ni lola pero kaagad ko naman siyang pinigilan.

“Huwag na ho la kaya naman po namin ito e” ani ko at kinarga ang dalawang bag at iniwan naman iyong dalawa.

Kumbaga tatlong bag ang dala namin. Isa ang akin at tatlo ang kay Vey.

Dito na niya ata balak magstay.

Kaagad namang kinuha ni Vey ang dalawa at kaagad siyang napangiwi dahil doon.

“Akin na Chrislyn, halatang nahihirapan ka't hindi sanay” natatawang ani ni lola at inagaw ang isang bag mula sa pagkahawak ni Vey.

Umuna si lola namin papasok dahilan maiwan kami ni Vey sa labas.

“Anong hinihintay mo? Pasok na uy” ani ko sa kanya pero ang gaga ay parang hindi ako narinig dahil pumikit lamang siya na para bang nilalanghap niya ang hangin.

“Vey” tawag ko sa kanya at kaagad naman siyang bumaling sa akin, “Bakit? May sinasabi ka lovie?” She asked and smiled at me.

Hindi na ako nagsalita at hinawakan na lamang siya sa braso para sabay na kaming pumasok.

Love that Last Until EternityWhere stories live. Discover now