“Oh Ashley! Dito!” Lola called me when she noticed me. I keep on dragging Vey with me hanggang sa makarating kami sa pwesto ni lola.

“At sino iyang kasama mo?” tanong ni lola at tinitigan si Vey na abalang tumitingin sa paligid dahilan para mahina ko siyang hinampas para maharap niya si lola.

“Aray ko naman!” pagrereklamo niya at masama akong tinignan pero kaagad na napalis iyon nang mapadapo ang tingin niy kay lola.

She immediately shrieked ang hug lola tightly na kaagad naman ikinagulat ng lola ko.

“Hoy, hinay-hinay naman” pagsaway ko sa kanya at kaagad naman siyang humiwalay kay lola na ngayon ay gulong-gulong nakatingin sa kanya.

“You don't remember me la?” she asked lola and point herself nang walang maging reaksiyon si lola ay kaagad na napanguso si Vey.

“Lola naman, nakakatampo ka” nagtatampong ani nito pero naguguluhan lamang akong tinignan ni lola dahilan para matawa ako bago naisipang ipakilala na lamang ang babae dahil paranh hindi talaga siya naalala ni lola.

“La, si ve—” Vey cut me off. “Ako na ashhh” ani niya at saka tumingin kay lola, “Hi lolaaa! Ako po ito si Vey at ang whole name ko po ay Chrislyn Vey Santiago. Ako po ang pinakamagandang kaibigan ng apo niyo!” masiglang pakilala ni Vey sa sarili dahilan para matawa ako pero si lola ay mukhang naguguluhan pa rin.

“Lola naman! Sabihin niyong kilala niyo po ako o magtatampo po ako” ani niya kay lola at ngumuso. I laughed once again dahilan para tignan ako ng masama ni Vey.

“La, wala po ba talaga kayong maalala kahit kaunti lang po?” I asked lola but she shook her head, “Siya po iyong dinala ko ditong kaibigan ko noong nakaraang mga taon. Dalawa po talaga sila lola kaso lang hindi namin nasabihan ang isa kaya kami lang” pagpapaliwanag ko kay lola at nawala na ang pagkakunot ng noo niya.

“Siya po iyong pinakamaingay non lola pero malambing rin” dagdag ko at parang may pumitik kay lola at bigla niya na lamang tinitigan si Vey na ngayon ay nakangiti na.

“Siya iyon? Yung si Chrislyn?” tanong ni lola sa akin at tumango naman ako, “Ayon tanda ko na!” ani ni lola dahilan para mapatili ang gaga at kaagad na lumapit kay lola para yumakap at yinakap naman siya nito pabalik.

“Hindi mo ako namiss la?” tanong nito kay lola at pinutol ang pagyayakapan nila pero nakadikit pa rin ang mga balat nila.

“Syempre namiss kita iha, isang taon na rin ang nagraan at ngayon ka lang ulit nakabalik. Ang laki ng pinagbago mo iha” ani ni lola at nginitian si Vey na siyang ikinalawak naman ng ngiti nito.

“Oh siya, hali na kayo para makapag-umagahan na tayo sa bahay” aya ni lola at saka nagtungo sa tricycle na binarayan.

We put our things inside the tricycle bago kami pumasok at saka lang umandar ang tricycle nang maayos na ang lahat.

Ang buong byahe ay puno ng chikahan at tawanan nina lola at Vey at paminsan-minsa'y sumasali rin ako sa kanila.

But I can't pay more attention to them though specially when I am confused why lola is the one who fetched us instead of Hedy.

Did something happened?

I heaved a sigh nang hindi na kaya ng utak kong hulaan pa kung anong nangyari sa kapatid ko dahilan para hindi siya ang sumalubong sa akin.

Maybe for some, this is not a big deal but for me, as Hedy's elder sister it is. I can't forgive myself if something bad will happened to her.

Siya na lang ang mayr'on ako at ako nalang rim ang mayr'on siya kaya kailangan naming tulungan ang isa't isa.

Love that Last Until EternityDove le storie prendono vita. Scoprilo ora